Si Zach Yadegari ay isang 18-year-old American entrepreneur na kumikita ng US$30 million taun-taon dahil sa kanyang AI (Artificial Intelligence) startup company na Cal AI.
Interestingly, ni-reject siya ng mga elite universities gaya ng Harvard, Princeton, Yale, Stanford, Massachusetts Institute of Technology, at iba pang top universities.
Out of 18 universities, 15 ang natanggap niyang rejections.
Ito ay kahit taglay ni Zach ang napakataas na 4.0 Grade Point Average o GPA.

Bakit hindi siya natanggap?
Ang kanya kasing admissions essay ay kumukuwestiyun kung kailangan pa ba talaga sa panahon ngayon ang college education.
Nakasaad dito:
"College, I came to realize, is more than a mere rite of passage.
"It is the conduit to elevate the work I have always done."
Gayunpaman, natanggap si Zach sa iba pang top schools gaya ng Georgia Institute of Technology at maging sa University of Miami.
Read: The life of Meen: From street sweeper to model, brand ambassador
WHO IS ZACH YADEGARI?
Sa New York City nakabase ngayon si Zach.
Ang kanyang startup na Cal AI ay isang calorie tracking app, na nata-track ang dami ng calories sa pamamagitan ng pagkuha ng picture ng pagkain.
Batay sa datos ng TechCrunch, isang American global online newspaper na tumatalakay sa high-tech and startup companies, ang Cal AI ay may mahigit isang milyong downloads.
Last April 1, 2025 ay nag-tweet si Zach ng checklist ng mga paaralang nag-reject at tumanggap sa kanya.
Ang kanyang tweet ay nakakuha na ng 26K reactions at 3.9K comments.

Karamihan sa mga nagkomento ay sumasang-ayon sa kanyang pananaw tungkol sa college admission system sa U.S.
May mga nagsabi rin na ang kanyang personal statement ang nagbigay ng signal sa admissions officers na malaki ang posibilidad na hindi niya tapusin ang kolehiyo.
Sabi ng isang nagkomento: "Personal statement indicates that you're a high probability to drop out.
"So, they gave your spot to someone that actually wants to graduate college."
Ayon pa sa isang X user, "If this is how you represented yourself to MIT, I can understand why it would want to reject you."
Read: Woman finds real dad thru his old photo, love note to her mom
ZACH YADEGARI’S ROAD TO ENTREPRENEURSHIP
Bata pa lang ay malaki na ang interes ni Zach sa technology.
Nagsimula siyang mag-coding noong seven years old siya.
Nakagawa siya ng una niyang app pagsapit ng 12 years old.

Sixteen years old naman siya nang makapagbenta ng online gaming business na kanyang na-develop.
Ang kinita rito ang kanyang ginamit sa pagtatayo ng Cal AI.
Naging popular agad ang app—at naghatid kay Zach ng milyun-milyong kita.
Read: UP researchers develop herbal tablet for diabetes
ZACH YADEGARI NOW VALUES COLLEGE EDUCATION
Nagbago naman ang pananaw ni Zach tungkol sa pagkokolehiyo matapos ang kanyang pamamasyal sa Ryoan-ji rock garden, Kyoto, Japan.
Sumulat siyang muli ng essay at ibinahagi ang kanyang panibagong outlook sa pagpasok sa college.
Aniya, isa itong chance para matuto—at hindi isang sagabal.
Nananatili rin siyang optimistic tungkol sa kanyang future.
Ang pagtanggap sa kanya ng Georgia Institute of Technology, na kilala sa maganda nitong engineering and technology programs, ay isang magandang pagkakataon para magkaroon siya ng solid college education.
Marami ring X users ang naniniwalang ang tagumpay ng kanyang startup ay nagbibigay sa kanya ng malaking bentahe kumpara sa ibang college students na makakasabayan niya.
Isa rin itong patunay na ang traditional academic paths ay hindi nag-iisang landas tungo sa tagumpay.
