Naka-develop ang young entrepreneur na si Siddarth Nandyala ng mobile application na useful para sa early detection ng heart-related issues.
Ang technology prodigy ay 14 years old. Residente siya ng Dallas, USA.
Sa ulat ng news website na NDTV last March 18, 2025, itinuturing si Siddarth na world’s youngest certified AI professional.

Ang kanyang app ay tinatawag na Circadian AI—at kinikilala bilang isang medical breakthrough.
Sa loob lang ng ilang segundo ay kayang i-detect ng Circadian AI ang heart-related conditions.
Dahil dito, nagkaroon ng potential na mas mapabilis ang early diagnosis and healthcare accessibility.
Read: Zach Yadegari: Millionaire at 18, rejected by top universities
HOW SIDDARTH NANDYALA’S APP WORKS
Ang Circadian AI na na-develop ni Siddarth ay gumagamit ng smartphone-based heart sound recordings para ma-detect ang heart-related conditions.
Na-testing na ito sa mahigit 15,000 pasyente sa U.S. at 700 sa India.
Ang accuracy ng Circadian AI ay nasa 96 percent.

Nagkaroon na rin ito ng test run sa Guntur Government General Hospital (GGH) sa Andhra Pradesh, India.
Dito nakita ang potential ng app sa real-world medical applications.
Matapos ang app testing sa GGH, nagkaroon ng chance si Siddarth na makaharap sina Andhra Pradesh Chief Minister N Chandrababu Naidu at Deputy CM Pawan Kalyan.
Ang dalawang opisyal ay na-impress sa young tech prodigy and entrepreneur.
Nag-tweet pa si Naidu sa X tungkol sa naging meeting nila, at tinawag si Siddarth na isang inspirasyon.
Ang bahagi ng tweet ni Naidu: “I wholeheartedly encourage him to pursue his passion for healthcare technology and assure him of our full support in all his endeavors.”
Napag-alaman na ang angkan ni Siddarth ay nagmula sa Andhra.
Ang kanyang amang si Mahesh Nandyala ay isa ring negosyante.
In September 2024, dumalo si Siddarth sa ginanap na Global AI Summit sa Hyderabad, India, at nabigyan ng pagkakataong maibahagi ang kanyang vision kung ano ang magiging papel ng AI sa hinaharap.
Read: The life of Meen: From street sweeper to model, brand ambassador
WHO IS SIDDARTH NANDYALA?
Kasalukuyang kumukuha si Siddarth Nandyala ng Bachelor of Science in Computer Science program sa The University of Texas sa Dallas.
Natapos niya ang kanyang junior high school sa Lawler Middle School sa Frisco, Texas.
Sa kanyang LinkedIn account, nakasaad na ang misyon niya ay i-redefine ang STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) education.

Noong 2023, itinatag niya ang STEM IT, na naka-focus sa pagsasanay ng mga estudyanteng may kakayahang makipagsabayan sa napakabilis na pag-unlad ng technolohiya.
Nakatanggap na rin si Siddarth ng maraming parangal, kabilang ang Innovator of the Year (2023) mula sa Frisco Chamber of Commerce.
Tinanghal din siyang National STEM Champion.
Sa kasalukuyan, tinatapos niya ang isa pang app, na ang layunin ay maka-develop ng mas abot-kayang prosthetic arm technology.
Read: UP researchers develop herbal tablet for diabetes
