PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mini-refrigerator invented by 3 teens uses salt, not electricity

Winner of 2025 Earth Prize for Asia
by KC Cordero
Published Apr 24, 2025
The trio of young inventors
Napanalunan ng tatlong teenagers mula sa India ang 2025 Earth Prize for Asia dahil sa kanilang naimbentong mini-refrigerator na asin ang ginagamit sa pagpapalamig. (Photo: Screenshot at www.theearthprize.org)

Tatlong teenagers ang nagdisenyo ng mini-refrigerator na lumalamig kahit hindi nakasaksak sa kuryente.

Ginagamitan lang ito ng asin.

Ang naturang mini-refrigerator ay dinadala ng tatlong teenagers sa mga ospital para magamit sa paghahatid ng medical supplies sa malalayong lugar na walang kuryente.

Sa ulat ng Yahoo! last April 17, 2025, nakilala ang tatlong teenagers na sina Dhruv Chaudhary, Mithran Ladhania, at Mridul Jain.

Naninirahan sila sa Indore, India.

The three teenagers
Ang announcement sa pagwawagi ng tatlong Indian teens sa 2025 Earth Prize for Asia. Photo: Screenshot at www.theearthprize.org
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanilang mga magulang ay pare-parehong nagtatrabaho sa medical field.

Nagdesisyon ang tatlo na tumuklas ng refrigeration technique gamit ang asin matapos nilang malaman kung gaano kahirap ang magdala ng COVID-19 vaccines sa malalayong lugar na walang supply ng kuryente.

Read: John Michael Bundalian Amio: Top 1 in criminology board exam

MINI-REFRIGERATOR WINS 2025 EARTH PRIZE FOR ASIA

Tinawag ng tatlo ang kanilang invention na Thermavault.

Last April 12, 2025, nagwagi ang Thermavault ng 2025 Earth Prize.

Dahil dito, tumanggap ang tatlo ng USD12,500 (PHP705,918.36).

Plano nilang gamitin ito para makagawa ng 200 Thermavault at maipagkaloob sa 120 ospital sa India para ma-test.

Umaasa silang makatutulong ang mini-refrigerator sa mga ospital sa paghahatid ng mga bakuna, iba pang medicines and supplies, at transplant organs.

Ang Earth Prize competition ay bukas para sa mga kabataan na gumagawa ng environmental projects.

Pinagkakalooban nito ng award ang isang winner mula sa bawat rehiyon sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Dhruv, Mithran, at Mridul ang nagwagi para sa Asia.

Read: Siddarth Nandyala creates app that detects heart-related issues

ONE DOCTOR SAYS MINI-REFRIGERATOR NEEDS LITTLE IMPROVEMENTS

Sa website ng Thermavault ay naka-upload ang video ni Dr. Pritesh Vyas, isang orthopedic surgeon na sinubukang gamitin ang mini-refrigerator na nasa V One Hospital sa Indore.

Ayon sa doktor: "We have been able to keep the vaccines inside the Thermavault for almost 10 to 12 hours.

"It will be definitely helpful, definitely useful in the remote places, the villages."

Obserbasyon ng doktor, kailangan lang ng Thermavault ng konti pang improvements, gaya ng pagkakaroon ng built-in temperature monitor.

Read: Zach Yadegari: Millionaire at 18, rejected by top universities

HOW THE MINI-REFRIGERATOR WORKS

Asin ang pangunahing component ng Thermavault.

May mga uri ng asin na may cooling effect kapag tinunaw sa tubig.

Ito ay dahil kapag natunaw ang mga asin, ang charged atoms o ions na bumubuo sa mga ito ay nagkakahiwa-hiwalay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang paghihiwa-hiwalay na ito ng ions ay nangangailangan ng energy, na hinihigop ng asin mula sa paligid—kaya lumalamig ang tubig na nakapaligid sa mga ito.

Read: The life of Meen: From street sweeper to model, brand ambassador

HITS, MISSES IN TRIO’S RESEARCH WHILE BUILDING THE MINI-REF

Nag-research ang tatlong teenagers sa Internet at inilista ang 150 types ng asin na puwedeng gamitin sa pagbuo ng Thermavault.

Pumili sila ng 20 mula sa listahan na sa tingin nila ay pinaka-epektibo.

Nakigamit sila ng isang laboratory sa Indian Institutes of Technology para ma-test ang 20 types ng asin.

Sa kanilang pagkadismaya, wala ni isa sa mga ito na nakapagpalamig ng tubig gaya ng inaasahan nila.

Inirekomenda naman ng isa nilang teacher na subukan ang dalawang klase lang ng asin—ang barium hydroxide octahydrate at ammonium chloride.

Sambit ni Dhruv, "While we did scour through the entire Internet to find the best salt possible, we kind of just ended up back to our ninth-grade science textbook."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuklasan ng tatlo na napapanatili ng ammonium chloride ang temperatura mula 2 hanggang 6 degrees Celsius (35 to 43 degrees Fahrenheit).

Ideal ang temperaturang ito para sa pag-imbak ng maraming uri ng bakuna.

Kapag dinadagdagan ang ammonium chloride ng barium hydroxide octahydrate, bumababa pa ang temperatura sa subzero Celsius temperatures—na ideal sa pag-iimbak ng mga bakuna at maging ng transplant organs.

Makalipas ang tatlong buwan, nakagawa sila ng prototype at sinubukan sa mga lokal na ospital.

Read: UP researchers develop herbal tablet for diabetes

MEET THE THERMAVAULT SALT REFRIGERATOR

Ang nabuong Thermavault ay isang insulated plastic container na may copper wall lining sa loob at dito ilalagay ang mga bakuna, gamot, o organs.

Ang cooling solution na gawa mula sa tinunaw na asin sa tubig ay ibinubuhos sa espasyo na nasa pagitan ng plastic outer wall at ng copper inner wall.

The mini refrigerator
Ang Thermavault na naimbento ng tatlong Indian teenagers. Photo: Screenshot at www.theearthprize.org
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, cold boxes at coolant packs ang ginagamit sa pagdadala ng mga bakuna sa mga lugar na walang kuryente.

Ang mga lalagyang ito ay umaasa lang sa mga ice packs na inilalagay rito.

Ayon sa tatlo, ang bentahe ng ammonium chloride kumpara sa cold boxes at coolant packs ay reusable ito kahit walang kuryente.

Hindi na kailangan ang freezer para kumuha ng yelo.

Kailangan lang alisin ang saltwater, ilaga, at kunin ang asin na nasa solid form.

Tunawin ang asin sa tubig at magpo-produce na itong muli ng cooling effect.

Read: 66-year-old grandma plans to bike to 100 countries

THE TRIO’S FUTURE PLANS FOR THE MINI-REFRIGERATOR

Ibinahagi naman ni Mridul na plano rin nilang gamitin ang bahagi ng kanilang naging premyo para makakuha ng Performance, Quality and Safety certification sa World Health Organization.

Pagkatapos, ipi-pitch nila ang Thermavault sa Gavi, isang international alliance na nagdi-distribute ng mga bakuna.

Tutulungan naman ang tatlo ng Earth Prize program na maikuha ng patent ang kanilang invention.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alona Canovas: From constant late enrollee to board topnotcher

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napanalunan ng tatlong teenagers mula sa India ang 2025 Earth Prize for Asia dahil sa kanilang naimbentong mini-refrigerator na asin ang ginagamit sa pagpapalamig. (Photo: Screenshot at www.theearthprize.org)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results