Napalitan na ni Lucy Guo sa trono si Taylor Swift bilang “world’s youngest self-made woman billionaire.”
Batay ito sa Forbes article na lumalabas kamakailan.
Thirty years old na si Lucy.
Nakuha ni Taylor ang titulo noong 2023. Thirty-five years old na siya ngayon.
Ang kayamanan ni Lucy ay nagkakahalaga ng US$1.25 billion—na natamo niya sa pamamagitan ng kanyang Artificial Intelligence (AI) and tech startups.

Silang dalawa ni Lucy ang kabilang sa tanging anim na self-made women billionaires sa buong mundo na wala pang 40 years old.
Ang bulto ng kayamanan ni Lucy ay nagmumula sa kanyang $1.2 billion stake sa Scale AI, isang startup na itinayo noong 2016, na siya ang co-founder.
Umalis na siya sa Scale AI noong 2018.
Mayroon siyang iba’t ibang ventures ngayon, kabilang ang startup na itinatag niya noong 2022, ang Passes.
Isa itong platform na tumutulong sa content creators na maging entrepreneurs.
Read: Mini-refrigerator invented by 3 teens uses salt, not electricity
WHO IS LUCY GUO?
Immigrants sa America ang parents ni Lucy na parehong electrical engineer.
Noong bata pa si Lucy, parehong nawalan ng trabaho ang mga magulang.
Pagbabahagi niya sa isang panayam ng news website na Business Insider: "I was bullied in school for being poor.
"So, I was like, 'Okay, I need to make money.'"

Nag-aral siya ng computer coding sa middle school.
Sa kolehiyo, kumuha siya ng computer science and human-computer interaction sa Carnegie Mellon University sa Pittsburgh, Pennsylvania sa U.S.
Noon pa lang, nagkaroon na agad siya ng obsesyon na makapagtayo ng sariling kumpanya.
Dahil hindi mawala-wala kay Lucy ang obsesyon na ito, nag-drop out na siya sa college noong 2014 kahit malapit nang makumpleto ang kanyang double major.
Lumahok siya sa Thiel Fellowship, isang program na binuo ng billionaire investor na si Peter Thiel na nagpopondo para sa startups ng young entrepreneurs.
Pagsapit ng 2015, naging product designer si Lucy sa Q&A platform na Quora.
Dito niya nakilala si Alexandr Wang.
Nagtambal silang dalawa noong 2016 para buuin ang Scale AI.
Read: Meet Sara Samaniego: The basurera influencer in Colombia
LUCY GUO’S FIRST COMPANY, A SUCCESS
Ang Scale AI ay isang data annotation company na nakabase sa San Francisco, California.
Nagkakaloob ito ng labeled data na ginagamit para i-train ang AI applications partikular sa self-driving vehicle sector.
Naging kliyente nina Lucy at Alexandr sa Scale AI ang Cruise at Tesla.
Nakakuha rin ang kumpanya ng kontrata sa U.S. government para sa satellite image analysis sa giyera sa Ukraine.
Tumulong din ito sa OpenAI na i-train ang large language models gaya ng ChatGPT.
Dahil sa Scale AI, nakabilang si Lucy sa world’s youngest self-made billionaire, ayon sa news website na Forbes.
Noong panahong iyon ay 21 years old pa lang siya, at si Alexander ay 19.
Read: Meet Pavel Stepchenko: Pensioner at age 23
LUCY GUO AND BUSINESS PARTNER HAD a FALLING OUT
Si Alexandr ang naging chief executive officer ng Scale AI, habang si Lucy ang namahala sa operations and product design.
Naging mabilis ang pag-asenso ng kumpanya, at dahil dito ay nakasama sina Lucy at Alexandr sa Forbes’ Under 30 list noong 2018.
Sa nabanggit na taon, nagkaroon ng hindi pagkakasundo ang dalawa sa direksyong dapat tahakin ng kumpanya.
Sinibak ni Alexandr sa puwesto si Lucy.
Ani Lucy sa isang panayam: “We had a difference of opinion.
“But I am proud of what Scale AI has accomplished."
May hawak pa rin naman siyang five-percent stake ng kumpanya.
Tinatayang ang value ngayon ng Scale AI ay nasa US$25 billion.
Read: Renair Palabasan: 10 years in college, Top 10 in board exam
LUCY GUO EMBARKS ON NEW BUSINESS VENTURES
Matapos umalis sa Scale AI, inilunsad ni Lucy ang Backend Capital.
Isa itong small venture capital na nagpopondo para sa early-stage startups.
Noong 2020, naglaan siya ng six-figure investment para sa financial software firm na Ramp.
Ang venture ay tinatayang nasa US$13 billion na ngayon ang value.
Hindi nawawala kay Lucy ang obsesyon na magtayo ng kumpanya.
Iyon ang dahilan kaya itinatag niya ang Passes.
Basically, isa itong platform na umaalalay sa mga creators na kumita ng pera sa pamamagitan ng subscriptions, livestreams, one-on-one calls, and online stores.
Paliwanag ni Lucy: "Creators are entrepreneurs.
"If you have a thousand superfans willing to spend US$5 a day on you, that’s an income."
Naging mabilis ang pagsikat ng Passes.
Noong 2024, ang value nito ay umabot na sa US$150 million.
Ayon kay Lucy, ang long-term plan niya para sa Passes ay masuportahan ang creators na maging entrepreneurs at masimulan ang paglikha ng generational wealth.
Read: Kathleen Jane Latimban: no Latin honor, Top 8 in board exam
LUCY GUO DESCRIBES HER LIFE AS “PRETTY BORING”
Sa kabila ng pagiging abala ni Lucy sa kanyang mga negosyo, aktibo ang kanyang personal and social media life.
Mahilig siya sa party, at mataas ang kanyang energy.
Kilala siya sa pagdaraos ng magagarbong party.
Sa isang panayam ng news website na Fortune, sinabi niyang pumupunta siya sa kanyang mga opisina sakay ng electric skateboard.
Minsan naman ay ipinagmamaneho siya ng kanyang assistant.

Nagsisimula ang kanyang araw sa pamamagitan ng pagwo-work out.
Dose oras siya kung magtrabaho—na kadalasang inaabot ng hanggang alas diyes ng gabi.
Hindi siya nagluluto, at umaasa lang siya sa pagpapa-deliver ng mga pagkain.
Hobby naman niya ang skydiving.
Nasubukan na rin niyang makapagbiyahe sa buong mundo.
Gayunpaman, iginigiit ni Lucy na ang kanyang buhay ay "pretty boring.”
Lagi umano siyang nakatutok sa kanyang laptop o smartphone para magbasa ng emails at sumagot sa mga tanong ng creators.
Hindi pa rin niya narasanan ang tunay na bakasyon.
Aniya, kahit nakabakasyon siya, kailangan pa rin niyang magtrabaho ng, at least, walong oras.
Kung marangya man ang pamumuhay ni Lucy ngayon kumpara sa kahirapang dinanas noong bata pa, nagsimula lang siyang maging magastos nang kumikita na ng malaki.
Pagbabahagi niya, cheap pa rin ang kanyang paraan ng pamumuhay kahit noong nakaipon na ng kanyang unang milyon.
Nagsimula lang umano siyang gumastos nang maging US$10 million na ang kanyang impok.
Aniya, maraming tao ang binabago ang kanilang lifestyles kapag nagsimulang magkapera kaya hindi nakakaipon.
Paalala niya, kung mas maraming impok, mas maraming puwedeng i-invest—na maaaring lumago pa sa mga susunod na taon.
Ang payo ni Lucy sa mga gustong yumaman: “Live below your means."
Read: Meet King: Tattoo artist at age 9
