PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessie Ticar Jr.: QC vendor’s son is PMA summa cum laude

A consistent academic achiever since senior high school...
by Bernie V. Franco
Published May 10, 2025
Jessie Ticar Jr.
Jessie Ticar Jr., 23, from Batasan Hills, Quezon City, is the fourth cadet in Philippine Military Academy history to graduate summa cum laude.
PHOTO/S: Baguio City-Public Information Office/ Neil Clark Ongchangco

Si Cadet First Class Jessie Ticar Jr., 23, ang class valedictorian sa 266 cadets na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ngayong 2025.

Siya ay summa cum laude at mayroong General Weighted Average (GWA) na 9.52%.

Siyam na awards ang matatanggap niya, kabilang ang Presidential Saber, sa graduation ceremonies na gaganapin sa May 17, 2025.

Ang binata ang fourth summa cum laude sa kasaysayan ng PMA, at siya ang nakapagtala ng pinakamataas na GWA simula noong 1985, ayon sa media outlets.

Read: Pope Leo XIV's past visits to the Philippines resurface online

Jessie Ticar Jr. AND HIS HUMBLE BEGINNINGS

Ang kanyang ina ay isang sidewalk vendor habang ang kanyang ama ay isang Person With Disability (PWD) dahil na-stroke.

Si Ticar ay taga-Batasan Hills, Quezon City.

Kamakailan, humarap siya sa mga reporters para ibahagi ang pinagdaanang hirap bago nakamit ang tagumpay.

Ang kakapusan sa pera at hangaring makatulong sa pamilya ang naging motivation niya para makapasok sa PMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakapagsabi kasi sa kanyang ang qualified students ay puwedeng maging government scholars na may stipend.

Ang allowance na natatanggap niya bilang cadet ay ipinapadala sa pamilya. Kung may tira, ito ay kanyang iniipon.

Aniya pa, “My mother is a vendor selling ballpens and envelopes in the Quezon City Hall."

Walang puwesto sa pagtitinda ang ina at nasa labas lamang ng city hall building.

“At first, I thought I would ask her to stop being a vendor for her health and safety, but I realized that she has her own mind, and it would remind us of how we survived.”

Ang kanyang ama naman ay isang taxi driver na na-stroke noong nasa senior high school si Ticar.

Hirap na ang amang makatayo kaya't hindi na naipagpatuloy ang paghahanapbuhay.

cadets
Jessie Ticar Jr. (front row, far right) is seen with the other top cadets during their media presentation..
Photo/s: Baguio City-Public Information Office/ Neil Clark Ongchangco
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Top 10 highest-paying jobs in the Philippines — PSA

Jessie Ticar Jr.: A CONSISTENT ACHIEVER

Hindi naman nakapagtatakang naging class valedictorian si Ticar dahil, noon pa man, maganda ang performance niya sa eskwela.

“Since high school, I was always top of our section in technical-vocational course...in Batasan Hills Senior High School. I believe I was competitive enough to be on top.”

Hindi man daw siya ang highest, isa siya sa top graduates noon.

Ang pagiging “consistent in my grades in every aspect, character, attendance…” ay ipinagpatuloy niya noong naging kadete.

Pero hindi raw naging madali ang pagpasok niya sa PMA dahil wala siyang military background o kahit training sa Reserved Officers Training Corps (ROTC).

Ang pinakamahirap daw para sa kanya ay ang “transition of a care-free civilian life sa regimented life, kunsaan bawat galaw ay dinidikta ng utos.”

Sa tulong ng kanyang mga kaibigang kadete at ng pamilya, nakapag-adjust si Ticar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon daw siya ng tamang mindset para magtagumpay.

Nang matanong kung paano siya nag-excel, sinabi ni Ticar na malaking factor ang time management.

“Since maraming duties, responsibilities meron ang isang kadete, balancing his time in academics and also maintaining his physical aspect... So, [the] aim in the academy, you can’t just be the strongest and the smartest.”

Kumapit din daw si Ticar sa kanyang pananampalataya, “because in everything I do, I always pray, I seek guidance to God, I seek strength para ma-overcome yung everyday duties physically, mentally, emotionally…”

Nang tanungin kung sino ang mga nais pasalamatan, unang binanggit ni Ticar ang Diyos.

“Next, to my family who supported me, na nagparamdam talaga sa akin na hindi hadlang ang distansiya para sa pamilyang nagmamahalan.

“To my friends, who supported me. Mga times na nalo-low morale ako o nalulungkot, and they keep saying, ‘You can do it.’

"Mga bisdak ko, mga classmate ko, kasama ko naghirap…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang panghuling mensahe ni Ticar ay para sa pamilya:

“[S]alamat sa pagsuporta sa akin throughout my cadetship. Simula umpisa, hindi niyo ako hinadlangan na pumasok.

“Salamat sa pagpaparamdam sa akin na nandiyan lang kayo palagi sa tuwing nalulungkot ako.

“Salamat sa pawis, sa pagod, sa oras, sa sakripisyo na binigay niyo upang mabisita lang ako, upang malaman lang ano kalagayan ko… Salamat sa sakripisyo.

“This success is not mine alone, but reflects your unwavering commitment to support me.”

Sa 266 cadets na bumubuo sa PMA Siklab-laya Class of 2025, 212 ang lalaki at 54 ang babae.

Ang papasok sa kanila sa Philippine Army ay 137, sa Philippine Air Force ay 58, at sa Philippine Navy ay 71.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessie Ticar Jr., 23, from Batasan Hills, Quezon City, is the fourth cadet in Philippine Military Academy history to graduate summa cum laude.
PHOTO/S: Baguio City-Public Information Office/ Neil Clark Ongchangco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results