Noong six years old pa lang si Thylane Blondeau ng France, kinilala siyang “most beautiful girl in the world.”
Ngayon ay 24 years old na siya, at nag-iba na ang hitsura niya.
Pero taglay pa rin ng dalaga ang kanyang striking features—blue eyes, long blonde hair, and pouty lips—noong siya'y bata pa.
Taong 2006 nung napili si Thylane ng fashion designer na si Jean Paul Gaultier para maging model ng mga creations nito.
Makalipas ang isang taon, inirampa ng bata ang collection sa runway.

Doon nagsimula ang modeling career ni Thylane.
Pagsapit ng 2006, kinilala siya bilang "Most Beautiful Girl in The World" ng Vogue Enfant.
Siya rin ang may hawak ng titulo bilang world’s youngest model na nakapag-pose para sa Vogue Paris.
Ten years old pa lang siya noon.
Read: Hannah Katrice Blastique: Top 7 in May 2025 nursing board exam
WHERE IS THYLANE BLONDEAU NOW?
Sa kanyang paglaki, iba't ibang brands—gaya ng Miu Miu, Dolce & Gabbana, L’Oréal Paris, Versace, Ralph Lauren, at Hugo Boss—ang nakatrabaho ni Thylane bilang modelo.
Nagtayo rin siya ng sariling clothing line, ang Heaven May Clothing.
Bukod pa rito ang kanyang beauty and hair care brand na Enalyht.

Noong 2018, nang banggitin ng news website na Telegraph ang kanyang popularidad at mga natanggap na papuri dahil sa angking kagandahan, ang tanging nasabi niya: “People are like, ‘You know, you’re the most beautiful girl in the world,’ and you’re like, ‘I’m not.’
“‘I’m just playing with my iPad.’”
Kahit hanggang ngayon ay marami pa rin aniyang nagsasabi nito sa kanya.
Ang karaniwang sagot niya:: “No, I’m still not. I’m just a human being, a teenager.”
Read: High school valedictorian, perfect attendance since kindergarten
THYLANE BLONDEAU’S STRUGGLES
Samantala, nagkaroon din siya ng struggles sa buhay—lalo na pagdating sa aspeto ng kanyang kalusugan.
Noong 2021, ibinunyag niya sa kanyang social-media accounts na sumailalim siya sa maraming operasyon sanhi ng mga kumplikasyon sa ovarian cysts.

Pagbabahagi ni Thylane noon sa panayam ng news website na Daily Mail: “From this experience I’ve learned that when your body hurts, don’t let it slide and take care of it.
“You must see different doctors until some of them find the problem and heal it.
“Any pain, even the little ones, can hide something way more important.”
Sa ngayon, abala pa rin si Thylane sa pagiging model, entrepreneur, at social-media influencer.
Mayroon siyang mahigit 6.5 million followers sa Instagram.
Read: Man never gives up on comatose wife; sings to her every day
