Nagtapos ang 22-year-old Filipino na si Eion Nikolai Chua bilang magna cum laude sa Harvard University.
Ginanap ang 374th commencement exercises noong May 29, 2025.

EION NIKOLAI CHUA’S achievements
Ayon sa community news website na Taguig.com, nakumpleto ni Eion ang kanyang double degree sa Chemistry and Economics at nakuha rin niya ang master's degree sa Chemistry and Chemical Biology sa loob lang ng apat na taon.
Produkto siya ng International School Manila at ng MGC New Life Christian Academy, na parehong nasa Taguig City.
Madalas siyang lumahok noon sa iba’t ibang international math competitions, at madalas din siyang manalo.
Nag-aral siya sa Harvard University sa Cambridge, Massachusetts, bilang scholar.
Read: TV5 newscaster Angela Lagunzad Castro graduates magna cum laude
Inihandog ni Eion ang tagumpay sa pamilya at sa mga naging guro niya.
Research fellow siya ngayon sa Harvard's Research Science in Engineering program, at dalawang beses kinilala bilang John Harvard Scholar.
Miyembro rin siya ng Phi Beta Kappa Honor Society, ang oldest academic honor society sa United States, na itinatag noong 1776.
Read: Hannah Katrice Blastique: Top 7 in May 2025 nursing board exam
EION NIKOLAI CHUA’S PLANS FOR THE FUTURE
Plano ni Eion na magbalik sa Pilipinas para magpahinga pansamantala.
Gusto rin niyang ma-explore ang chemistry industry sa bansa bago siya magbalik sa U.S.
Isa sa potential projects niya ay ang pagko-convert sa agricultural waste products para maging bio-chemicals na mapapakinabangan ng mga magsasaka.
