PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Humphrey Lapeciros proves there’s money in farming

He led the way in breeding improved native chickens.
by KC Cordero
Published Jun 17, 2025
Christian Humphrey Lapeciros holding a cheque
Nag-aral si Christian Humphrey Lapeciros para maiangat ang pagtingin sa farming at sa mga farmers. Naging matagumpay naman ang kanyang upgraded native chicken breeding sa kanilang lugar sa Samar. (Photo: Christian Humphrey FB)

Bata pa lang si Christian Humphrey Lapeciros ng Paranas, Samar, nasaksihan na niya ang hirap ng buhay ng mga magsasaka.

Bukod sa maghapong nakabilad sila sa sikat ng araw, hindi rin sigurado kung magiging maganda ang ani.

Isang farming enthusiast si Christian.

Photo of Christian Humphrey Lapeciros at the farm
Si Christian Humphrey Lapeciros habang nasa farm. Photo: Christian Humphrey Lapeciros Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naitampok ang kuwento niya sa artikulo ni Aaron A. Cotejar para sa website ng Philippine Information Agency Samar noong June 9, 2025.

Nagbigay ng pahintulot ang PIA Samar at ang may-akda upang mailathala rin ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pagbabahagi ni Christian: “Mahirap talaga ang pagsasaka.

“’Tapos may stigma pa tayo na kapag hindi ka mag-aral nang mabuti, magiging magsasaka ka.”

Ang kanyang mga kababata at mga pinsan ay nag-alangan ding pasukin ang pagsasaka.

Marami sa mga ito ay piniling magtrabaho sa construction.

Ang iba ay naging call center agents at nakipagsapalaran sa Metro Manila para makahanap ng greener pasture.

Ani Christian: “Nakikita talaga na isa itong katotohanan na kumakaunti na lang ang nagkakainteres sa pagsasaka.

“Kung hindi ako ang papasok, sino?”

Read: Meet Macey Nemer: Creator of cupcake bouquets

CHRISTIAN HUMPHREY LAPECIROS DECIDES TO become a FARMer

Pinanindigan ni Christian na hindi niya tatakasan ang pagsasaka.

Isa sa mga naging mithiin niya ay ma-redefine ang estado ng farming sa kanilang lugar sa Samar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magkolehiyo, nag-enroll siya sa Visayas State University, kung saan siya kumuha ng kursong Bachelor of Science in Agribusiness.

Graduation photo of Christian Humphrey Lapeciros
Ang graduation photo ni Christian Humphrey Lapeciros. Photo from his Facebook account.

Nagtapos siya noong August 7, 2024, bilang magna cum laude.

“So, iyan ang naging inspirasyon ko upang tahakin ang kursong BS Agribusiness—upang patunayan hindi lamang sa komunidad, kundi patunayan na rin sa sarili ko na may pera sa agrikultura at maraming oportunidad ang naghihintay sa ganitong larangan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Mukbang Queen keeps amazingly sexy body despite eating too much

CHRISTIAN HUMPHREY LAPECIROS LAUNCHES “PROJECT FAITH”

Isinulong ni Christian ang Project FAITH (Food Always In The House) noong panahon ng pandemic.

Isa itong family initiative para sa food security, at nag-evolve bilang community empowerment effort.

Photo of chickens
Pag-aalaga ng manok ang isa sa mga naging inisyatiba ni Christian Humphrey Lapeciros. Photo: PIA Samar
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakitaan namin ng potential ang Project FAITH.

“Puwede itong maging adbokasiya at ibahagi sa komunidad upang makatulong at makapagbigay ng hanapbuhay para sa ibang pamilya sa Samar.”

Naka-focus ang FAITH sa upgraded native chicken farming.

Christian Humphrey Lapeciros feeds chickens
Si Christian Humphrey Lapeciros habang nagpapatuka ng mga manok. Photo: PIA Samar

Nag-crossbreed din ang programa ng Parawakan Native Chicken at Black Australorp para makapag-produce ng resilient, fast-growing, and high-yield poultry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang plano ni Christian sa umpisa ay mag-incubate ng 150 itlog kada linggo para sa target na 80 percent hatching rate.

Makalipas ang 21 araw matapos mapisa ang mga itlog at maging sisiw, inililipat ang mga ito sa brooder house sa loob ng isang buwan upang palakihin.

Kapag malalaki na ang mga sisiw, paiitlugin ang mga dumalaga para maulit ang cycle at mas dumami ang mapo-produce na itlog at manok.

Read: 60 years later, grandma gets the graduation she deserves

CHRISTIAN HUMPHREY LAPECIROS on TRIALS AND TRIUMPHS IN CHICKEN BREEDING

Tulad ng ibang inisyatiba at negosyo, may mga pagsubok ding pinagdaanan si Christian sa chicken breeding.

Karamihan sa mga sisiw ay namamatay.

Photo of chicks
Isa sa mga naging challenges noon kay Christian ang pagiging vulnerable ng mga sisiw. Photo: PIA Samar
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, sa patnubay ng kanyang former VSU professors at ng technical staff ng Department of Agriculture, naka-develop siya nang mas maayos na methods at mas matatag na business model.

Sa ngayon, nakatuon ang kanyang farm sa produksyon ng day-old and three-month-old upgraded native chickens.

Ibinibenta ang mga ito sa backyard raisers and aspiring farmers, na karamihan ay nagmula sa mahihirap na pamilya.

Ang presyo para sa day-old to week-old chicks ay PHP100 ang isa, habang PHP300 per kilo naman ang three-month-old upgraded native chickens.

Read: Filipino Eion Nikolai Chua graduates magna cum laude from Harvard

CHRISTIAN HUMPHREY LAPECIROs, 2ND PLACER IN 2024 YOUNG FARMER CHALLENGE

Dahil sa FAITH, naging second placer si Christian sa regional selection para sa 2024 Young Farmer Challenge (YFC) program start-up production category ng Department of Agriculture.

Nakatanggap siya ng premyong PHP80,000 para sa provincial level, at PHP150,000 para sa regional level.

Mula sa perang napanalunan, mas pinabuti ni Christian ang infrastructure ng kanyang farm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa budget na nakuha ko sa Young Farmers Challenge, mas napaganda ang produksiyon at mas madali na naming namo-monitor ang aming manukan.”

Photo of brooder
Marami pang plano sa kanyang farm si Christian para mas dumami ang produksiyon ng itlog at manok. Photo: PIA Samar

Nagtayo siya ng breeder houses, incubators, brooder houses, at 400-meter free-range grazing area.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga plano pa niyang ipatayo ang feed and concoction formulation room at water system.

Gusto rin niyang makabili ng electric generator bilang standby power kapag may brownout o nawalan ng kuryente tuwing may bagyo at iba pang kalamidad.

Read: TV5 newscaster Angela Lagunzad Castro graduates magna cum laude

CHRISTIAN HUMPHREY LAPECIROS FULFILLS PROMISE TO uplift OTHERS

Kaakibat ng tagumpay ni Christian at ng FAITH ang kanyang layuning makatulong sa mga kababayan at bigyan sila ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng farming.

Inaalalayan niya ang mahihirap at higit na nangangailangan kabilang ang mga dating rebelde, drug dependent, parolees, biktima ng karahasan, gayundin ang out-of-school youth.

Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga ito at resource support, naging bahagi sila ng sustainable agriculture ecosystem.

Ani Christian, “Binibigyan namin sila ng oportunidad na maging produktibong miyembro ng komunidad, at makapaghanapbuhay sa pagpaparami ng upgraded native chicken.”

Ang kanyang proyekto ay nakatulong na sa 500 individuals mula sa Jiabong, Paranas, San Jose de Buan, Tagapul-an, Calbiga, Catbalogan City, at Matuguinao, Samar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga natulungan nito ay si Ronel G. Llano ng Jiabong, Samar.

Pagbabahagi ni Ronel: “Ang Project FAITH ay napakagandang proyekto lalung-lalo sa katulad kong may hilig sa pagmamanok.

“Natulungan ako nitong palaguin ang aking manukan, at kung paanong pamamaraan ang dapat kong gawin sa aking manukan.

“Nakatulong din ito sa aming komunidad para mahikayat ang mga kabataan na pumasok din sa ganitong larangan, at mailayo ang kanilang interes sa mga masasamang gawain o bisyo.”

Read: Hannah Katrice Blastique: Top 7 in May 2025 nursing board exam

CHRISTIAN HUMPHREY LAPECIROS on NEXT GOAL

Ang isa pang malaking pangarap ni Christian ay ang Project FAITH Farm-to-Table Kitchenette.

Isa itong social enterprise kung saan ang mga ihahaing putahe sa mga customer ay mula sa locally raised native chickens ng mga taong natutulungan niyang mag-alaga at magbenta ng manok.

Nagpapasalamat naman si Christian sa patuloy na suporta sa kanya ng DA, VSU, at ng Samar Police Provincial Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, malaking bagay ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga ito bilang isang visionary youth farmer.

Sa mga gustong sumunod sa yapak ni Christian, may payo si Francisco C. Rosaroso, hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Department of Agriculture RFO8: “Remember that farming is not just about cultivating crops.

“Don’t be afraid to take risks and challenges.

“Every seed you plant, every crop you harvest, and every decision you make has the potential to create positive change.”

Read: Grace Tamayo: Top 10, nurses licensure exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-aral si Christian Humphrey Lapeciros para maiangat ang pagtingin sa farming at sa mga farmers. Naging matagumpay naman ang kanyang upgraded native chicken breeding sa kanilang lugar sa Samar. (Photo: Christian Humphrey FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results