Maraming netizens ang bumilib sa success story ni Eugene Dela Cruz.
Dati siyang palaboy na nagtapos ngayong taon sa Ateneo de Manila University at nakakuha pa ng Honorable Mention.
Taong 2021, naitampok ang kanyang mala-teleseryeng kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
Nagkuwento rin siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang broken family, pagpapalabuy-laboy, pamamalimos, at pagiging achiever sa school.
Nagkaroon ng liwanag sa kanyang buhay nang alukin siya ng admission at scholarship ng mga top universities sa bansa para sa college.
Read: Dating palaboy at nanlilimos—pumasa sa UP, De La Salle, Ateneo
At matapos ang apat na taong pagsubok at hirap, naka-graduate na sa wakas si Eugene.
Kabilang siya sa Ateneo Class of 2025 na nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Economics.
Tanong ng PEP, anong mensahe ang nais iparating ni Eugene sa mga kabataang dumadaan sa mga pagsubok?
“Kung ako na minsang itinulak sa laylayan ay nakarating dito, kaya mo rin. Hindi hadlang ang pinanggalingan. Ang mahalaga, hindi ka sumuko,” mensahe ni Eugene ngayong June 23, 2025.
Ano naman ang susunod niyang plano?
“Although I have a remote work right now sa renewable energy sector, I'm exploring other opportunities to augment my income para po makapag-save up ng pang-MBA po,” sagot niya pa, patukoy sa Master of Business Administration.
Si Eugene ay 25-anyos ngayon, sabi niya.
Nitong June 21, Sabado, ipinost ni Eugene ang kanyang inspiring life story sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post.

Read: Construction worker Cardong Trumpo is Pilipinas Got Talent Season 7 grand winner
EUGENE DELA CRUZ’S SUCCESS STORY
Sa simula ng kanyang post, binanggit ni Eugene na wala sa hinagap niyang matatapos niya ang kolehiyo sa isang respetadong unibersidad.
“At twelve, I ceased to be a child. I became a ghost in the city—roaming Metro Manila’s unforgiving streets, not from bravery, but because I had nowhere else to go.
“I begged for coins, rationed a single stale bread across three desperate meals, and found refuge wherever night fell, drenched beneath tricycles when it poured, curled up in dark alleyways when it didn’t.
“Public restrooms became my sanctuary: where I washed my body, my clothes, and tried, vainly, to scrub away the shame.”
Apat na taon daw siyang tumigil sa pag-aaral.
Una nang nabanggit ito noon ni Eugene. Huminto siya sa pag-aaral pagka-graduate sa elementarya.
Nagtapos si Eugene bilang Second Honorable Mention sa Gregorio Del Pilar Elementary School sa Leyte.
Nang huminto sa pag-aaral, napadpad siya sa Maynila. Nagpalabuy-laboy at namalimos sa loob ng tatlong taon.
Nabuhayan siya ng pag-asa nang makapasa sa entrance exam sa Ateneo, De La Salle, at UP Los Baños.
Sa Ateneo niya piniling mag-aral.
Pagbabalik-tanaw ni Eugene via FB post, “When a lifeline came, a chance to return to school, I almost turned away. I was behind, underprepared, haunted by memories I couldn’t name. ‘Who am I,’ I wondered, ‘to hope for a future?’”
Nabigyan siya noon ng scholarship sa Ateneo, na aniya ay “took a chance on someone like me.”
Sabi niya, “They didn’t see empty forms, just a child desperate for a second chance. They didn’t ask for polished essays or connections. They offered me something far more precious: belief.”
Kinapitan daw ni Eugene ang pag-asang ito at kumayod para suportahan ang pag-aaral.
“I choreographed festival dances to earn my next meal.
“I tutored strangers to afford rent.
“I walked into classrooms, weighed down by notebooks in one hand, invisible scars in the other.”
May mga panahon daw na umaatake ang takot at pagdududa.
“I worried my poverty would echo too loudly in those hallowed halls.
"But I stayed because, at the very least, the people that I have encountered throughout my Ateneo journey made me feel that I belong and said, ‘You matter.’”
Wala mang kamag-anak na sumuporta sa kanya, nakakita raw siya ng bagong pamilya mula sa mga tao sa unibersidad.
“The Office of Admission and Aid, who saw my potential when I could only see failure.
“The Ateneo Alumni Scholars Association, who held my hand through the darkest doubts.
“Scholars United, who reminded me I was never truly alone.
“Mentors. Friends. Classmates. Kind strangers. People who didn’t have to care but did.”
Higit sa lahat, hindi raw bumigay si Eugene sa kanyang pananampalataya sa Diyos. “who didn’t dwell in distant pews but knelt beside me in every flooded street, every cold restroom stall, every tear I couldn’t stifle.”
Sa pagtatapos ng kanyang FB post, nag-iwan si Eugene ng mensahe.
“You might not have a roaring stadium behind you. You might feel abandoned. But I hope you know this:
“You are seen by the ones who choose to stay.
“You are carried by love that never falters.
“You possess a strength no hardship can steal.
“Because that strength carried me past broken dreams, past every ‘no,’ past every night I thought I couldn’t survive, straight to this very moment.
“I wasn’t meant to make it here, but by some grace, I did.
“And if you are still fighting, still breathing, still daring to hope…
“Then perhaps, so will you.”
EUGENE’S STORY before college
Nakapukaw ng atensiyon si Eugene noong 2021 nang maglunsad siya ng panawagang “Piso para sa Laptop, Piso para sa Pangarap.”
Sa FB post niyang ito, humingi ng tulong si Eugene na bigyan siya ng pisong donasyon hanggang sa makakolekta siya ng sapat na halaga at makabili ng laptop na gagamitin para sa college.
Panahon iyon ng pandemya at naging online ang mga classes.
Nag-sideline siya noon bilang tutor sa mga estudyante para sa pinag-iipunang laptop.
Subalit na-scam si Eugene ng binilhan niya ng laptop online.
Naitampok ang kuwento niya sa KMJS noong August 2021.
Nailahad dito ang pagiging achiever ni Eugene. Umabot sa 150 ang kanyang medals sa pagiging honor student sa elementarya at senior high school.
Nagtamo siya ng pinakamataas na karangalan sa senior high school sa Hilongos Vocational School sa Leyte.
Nakakuha rin siya ng 100 na grado sa General Mathematics.

Pinatotohanan din ng kanyang mga guro ang kanyang husay at nait bilang estudyante.
Nahalungkat din ang kanyang mapait na karanasan sa buhay.
Naghiwalay ang kanyang mga magulang sa mura niyang edad; nakitira siya sa lola pero pinalayas; napadpad sa Tondo, Manila, at nagpalabuy-laboy at namalimos.
“Natutulog na lang po ako sa ilalim ng tulay, sa gilid ng riles ng tren,” aniya noon.
Ang limos ay pambili niya ng pandesal para may pantawid gutom.
Sa KMJS, pinatotohanan ng isang kaibigan sa Tondo ang nakalulunos na kalagayan noon ni Eugene.
Natutulog daw si Eugene sa covered court; marumi ang suot na damit; mukhang kulang sa pagkain at tulog, lahad ni Pao Velasco.
Hindi raw ikinukuwento noon ni Eugene sa mga kaibigan na namamalimos.
“Nahalata lang namin kasi nagtataka kami, ‘Huy, bakit ang dami mong piso-piso?' Kasi ang dami niyang barya lagi that time,” ani Pao.
Makalipas ang tatlong taon sa Maynila, natunton siya ng ama at pinauwi sa Leyte.
Nag-enroll si Eugene sa Hilongos National Vocational School para sa senior high.
Pero noong mga panahong iyon ay nagtungo sa Bicol ang ama at nakitira sa ibang tao si Eugene.
Ang naging pamilya noon ni Eugene ay ang kanyang mga guro at kaklase. Sinuportahan ang sarili sa pamamagitan ng pagtu-tutor at pagtuturo ng sayaw.
Nagawa niyang makapagtapos ng senior high With Highest Honors noong 2021.
Ang matataas niyang marka ang naging dahilan para alukin siya ng scholarships sa mga kilalang unibersidad.
Post niya noon: “Sa tulong ng aking mga marka, ako ri’y nabibiyayan ng full scholarship sa De La Salle University (BS Applied Economics [Ladderized]) at Ateneo De Manila University (AB Economics [Honors]).
“Ako ri’y nakapasa sa University of the Philippines (Los Baños) sa parehong kurso (BS Economics).”
Pinili niya ang Ateneo. Iyon din ang panahon na nag-post siya at humingi ng pisong donasyon para makabili ng laptop, pero na-scam siya.
Sa tulong ng KMJS, nakaabot sa local government ng 5th District of Leyte ang sinapit ni Eugene, at pinagkalooban siya ng laptop na magagamit sa pag-aaral sa college.
At ngayon nga, nakapagtapos na si Eugene ng pag-aaral.
Ang kanyang success story ay mapaghuhugutan ng paniniwala na sa mga kabataang nawawalan nito.
