PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

No electricity for 7 years—now this NBA rookie could earn $50M

Here’s Valdez ‘VJ’ Edgecombe Jr.’s life story in a nutshell.
by KC Cordero
Published Jul 5, 2025
Valdez “VJ” Edgecombe Jr. in Baylor uniform
Tubong The Bahamas, nakamulatan ni Valdez “VJ” Edgecombe Jr. ang matinding kahirapan. Bukod sa kakapusan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan, wala rin silang elektrisidad. (Photo: Namuwiki)

Si Valdez “VJ” Edgecombe Jr. ang tinanghal na No. 3 pick overall sa ginanap na 2025 National Basketball Association (NBA) Draft last June 25, 2025.

Kinuha siya ng NBA team na Philadelphia 76ers.

Isang shooting guard si VJ, at may taas na 6 feet 5 inches (1.96 meters) at timbang na 195 pounds.

Hindi niya napigilan ang mapaluha matapos tawagin ang kanyang pangalan.

Photo of Valdez “VJ” Edgecombe Jr.
Si Valdez “VJ” Edgecombe Jr. mula sa The Bahamas ang pinili ng Philadelphia 76ers bilang No. 3 overall sa 2025 NBA Rookie Draft. Photo: The Philadelphia Inquirer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ng NBA TV, sinabi ni VJ ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Nagmula siya sa Bimini, isang maliit na isla sa The Bahamas.

Lumaki siya sa pamilyang salat sa mga pangunahing pangangailangan.

Lagi silang kapos sa pagkain.

Higit sa lahat, sa loob ng mahabang panahon ay walang elektrisidad ang kanilang tahanan.

Read: Ex-seminarian-aircon cleaner-realtor now owns 16 houses in Canada

NBA ROOKIE’S LIFE IN THE BAHAMAS

Nineteen years old pa lang si VJ.

Aniya, sa loob ng pitong taon na wala silang elektrisidad ay naka-survive silang mag-anak gamit lang ang isang generator.

Ang kanyang ina ay isang single parent.

Ito ang dahilan kaya pinagbuti niya ang paglalaro ng basketball.

“Seeing what she had to go through to feed us, it’s crazy.”

Apat silang magkakapatid, at kabilang din sila sa kanyang motivation.

Nag-migrate siya sa America pagsapit niya ng ninth grade.

Naglaro si VJ ng college basketball para sa Baylor Bears ng Baylor University sa Waco, Texas, na kabilang sa NCAA Division I men's basketball competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing siyang consensus five-star recruit at isa sa top players sa class of 2024.

Read: Pinoy inventor of aircraft sealant made from dagta ng Pili wins international award

how much THE ROOKIE MAY EARN AS NBA PRO PLAYER, ENDORSER

Hindi pa lumalagda si VJ ng kontrata sa 76ers.

Gayunpaman, tiyak na malaki ang kanyang magiging suweldo.

Ang NBA rookie contracts ay nadedetermina batay sa draft position.

At dahil No. 3 siya, posibleng tumanggap si V.J. ng maximum contract na US$50.4 million sa loob ng apat na taon.

Valdez “VJ” Edgecombe Jr. wearing Adidas stuff
Bukod sa kikitain sa kanyang NBA contract, kabi-kabila rin ang offer kay Valdez “VJ” Edgecombe Jr. para maging product endorser. Photo: @vj.edgecombe on IG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong college, nakakuha siya ng kontrata para sa Name, Image, and Likeness (NIL) sa iba’t ibang kumpanya kabilang ang PSD Underwear at Panini America.

Sa araw ng NBA draft, inanunsiyo ng Adidas ang partnership nito kay VJ.

Read: Pumanaw na fan ni Juan Karlos, nagtapos na magna cum laude

NBA ROOKIE’S WAY OF GIVING BACK

Kahit hindi pa tiyak ni VJ kung magkano ang kikitain mula sa kanyang kontrata at endorsements, nagkaloob na siya ng tulong pinansyal sa Gateway Christian Academy, ang eskuwelahan kung saan siya nag-aral sa The Bahamas.

Ang perang kanyang ipinagkaloob ay gagamitin para sa scholarships ng mga estudyante.

Sa panayam sa kanya ng SLAM Magazine noong May 2024, sinabi ni VJ na nakarating siya sa America para maglaro ng basketball dahil kailangan niyang suportahan ang pamilya.

“That’s definitely helped me and the person that I am right now. Just work harder than everybody else.”

Aniya, ayaw niyang mapabilang sa mga migrante sa America na hindi nagtagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I want to be in the part that makes it out and sets the standard high and sets a path for all the younger kids behind me.”

Read: Son of farmer and teacher finishes cum laude at Yale University

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tubong The Bahamas, nakamulatan ni Valdez “VJ” Edgecombe Jr. ang matinding kahirapan. Bukod sa kakapusan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan, wala rin silang elektrisidad. (Photo: Namuwiki)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results