PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business

“The gift that keeps on giving.”
by KC Cordero
Published Jul 24, 2025
Photos of Caelan
Niregaluhan si Caelan McDonald ng kanyang ina ng craft kit na nagkakahalaga ng PHP10K. Ginawa niyang business iyon sa paggawa ng sticker, lumago nang todo at kumikita na ngayon ng PHP1,076,387.85 kada buwan. (Photos: Caelan McDonald Facebook)

Seventeen years old pa lang si Caelan McDonald pero kumikita na siya ng halos US$19K kada buwan dahil sa kanyang personalized sticker business.

Si Caelan, na residente ng Lancaster, Lancashire, United Kingdom, ang owner ng CM Prints and Blanks.

Nasimulan niya ang negosyo mula sa craft kit na Christmas gift sa kanya ng inang si Karen Newsham noong 2022.

Ang craft kit, isang Cricut Joy worth US$191.37 (PHP10,839.77), ay binubuo ng digital drawing, cutting, at printing machine.

Maaaring mag-design dito ng items at i-print sa vinyl material bago i-cut.

The Christmas gift to Caelan
Ang craft kit na kahalintulad ng natanggap na Christmas gift ni Caelan. Photo: Cricut
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan nito, nagsimula si Caelan na mag-print ng stickers na idinidikit niya sa glassware at acrylic noong July 2023.

Nang i-post niya sila sa Facebook, nakatanggap siya ng orders para sa personalized items.

Pagsapit ng October 2023, mula sa kinita ay nakabili siya ng mas magandang printer.

Sinimulan niyang magbenta ng stickers sa kanyang TikTok shop noong November 2023.

Read: YouTuber laments about being ugly; finds love in comment section

TEEN’S STICKER BUSINESS BOOMS WITH THE HELP OF SOCIAL MEDIA

Nang sumapit ang 2024, lalong dumagsa ang nagpapagawa kay Caelan ng personalized stickers.

Nakabebenta siya ng 200 items kada buwan.

Caelan's stickers
Ang ilan sa mga stickers ni Caelan. Photo: Caelan McDonald Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginagawa niya ang mga orders pagkadating sa bahay mula sa kanyang klase.

Dahil kumikita na, hindi na itinuloy ni Caelan ang pagkokolehiyo.

Mula sa kanyang kinita ay bumili siya ng mas malaking industrial printers.

Pagsapit ng July 2024, nakabenta na siya ng US$94,410.31 (PHP5,347,683.84) worth of stickers sa TikTok shop at iba pang social-media platforms.

Sa pagtatapos ng 2024, tinatayang kumita si Caelan ng US$127,581.50 (PHP7,226,598.90) mula sa kanyang stickers.

Read: VIRAL: Doctor in Taguig with PHP300-PHP350 consultation fee

TEEN SAYS MOM’S GIFT TO HIM KEEPS ON GIVING

Sa ulat ng UK news website na The Sun last December 6, 2024, sinabi ni Caelan na ang regalong craft kit ng kanyang ina ang pinakamagandang Christmas gift na natanggap niya sa tanang buhay niya.

“It’s the gift that keeps on giving.

“I never imagined it would get to this point.”

Maging siya ay hindi makapaniwala sa naging tagumpay ng kanyang venture.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung may nagsabi umano sa kanya noon na yayaman siya dahil sa gift ng ina, baka natawa siya.

Aksidente rin lang aniya kung paano siya nagsimula sa sticker business.

“I thought I’ll just give it a try, and it’s gone crazy.”

Sa biglang dagsa ng orders, naging sobrang busy na niya at hindi na magawang magpahinga.

At pag nagbabalik-tanaw, pakiwari niya, ang mga nakalipas na buwan ay napakabilis na dumaan at sa isang iglap lang ay negosyante na siya.

Read: SUCCESS STORY: PWD Clarence Nayve, magna cum laude=

TEEN USES HIS PROFIT IN INVESTING FOR MORE EQUIPMENT

Sa kabila ng laki ng kinikita, nananatiling grounded si Caelan.

Ang malaking bahagi ng kanyang kita ay inilalaan din niya sa pagpapalaki ng kanyang negosyo.

Nag-i-invest siya sa mga equipment.

Caelan's printing machine
Ang pinakabagong printer ni Caelan. Photo: Caelan McDonald Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last April 21, 2025, nag-upload siya sa official Facebook account ng kanyang bagong purchase na printing machine.

Meron din siyang mumunting luho: “It’s nice to be able to update my phone or iPad when I want or need to.”

Read: No electricity for 7 years—now this NBA rookie could earn $50 million

TEEN’S MOM PROUD OF SON’S SUCCESS

Tuwang-tuwa naman ang inang si Karen sa tagumpay ni Caelan.

Mas gusto raw sana niyang tapusin ng anak ang pag-aaral.

Pero hindi aniya ito masaya noong nag-aaral pa.

Katwiran daw ni Caelan, nauubos lang ang oras nito sa travel sa pagpasok sa school sa halip na mag-concentre sa negosyo.

Sa kabila nito, ani Karen, “I’m incredibly proud of him, and so glad he’s followed his own journey.”

Caelan with his mom
Sinuportahan si Caelan ng kanyang inang si Karen sa naging desisyon na ituloy na lang ang pagnenegosyo at huminto sa pag-aaral. Photo: Caelan McDonald Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naobserbahan niyang nasa negosyo talaga ang passion ni Caelan.

“He’s always been entrepreneurial. He’s great at selling, and listening, responding to his customers, and knowing what’s on trend.

“He’s extremely hard working and he’s certainly taught me a lot.”

Nang matiyak ni Karen na malinaw ang vision ni Caelan sa negosyo, hinayaan na niya ito sa gustong gawin.

Read: Christian Humphrey Lapeciros proves there’s money in farming

TEEN’S WIDE ARRAY OF PRODUCTS

Sa paglawak ng kanyang negosyo, patuloy si Caelan sa pagdadagdag ng equipment at pagpaparami ng produkto.

Nadagdag sa stickers ang T-shirt printing.

Ibinibenta naman niya ang individual stickers depende sa size.

Ang presyo ay nasa US$1.53, US$4.47, at US$127.58.

Caelan's products
Ang iba pang produkto ni Caelan bukod sa stickers. Photo: Caelan McDonald Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbebenta rin si Caelan ng blank items, gaya ng glass cans, para sa mga customers na gusto ng customized designs.

May mga items din na siya mismo ang nagdekorasyon gamit ang kanyang stickers.

Maging siya ay namamangha sa patuloy na pagdagsa ng customers—na lagi aniyang naghahanap ng bagong disenyo.

Kaya kahit day off niya, napipilitan siyang sumagot sa messages at mag-isip ng panibagong konsepto.

“It’s hard work but I really enjoy it."

Read: 60 years later, grandma gets the graduation she deserves

TEEN ADMITS SCHOOL IS NOT FOR HIM

Aminado si Caelan na hirap siya sa pag-aaral sa school, at nakikipaglaban sa mental health.

Madalas din siyang makaranas ng pambu-bully at may epekto raw ito sa kanyang mental health.

“School just wasn’t an environment I fitted.”

Therapeutic naman para sa kanya ang arts and crafts—kaya malaking tulong sa kanyang emosyon ang sticker business kung saan nailalabas niya ang kanyang creativity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, hindi siya nakakapasa sa mga subjects gaya ng math, English, science, at history.

Pero matagumpay naman ang kanyang negosyo.

Para kay Caelan, kung sa pakiramdam ng isang indibidwal ay hindi nito kaya ang school environment dahil sa napakaraming factors, lagi namang may iba pang options.

“Don’t let exam results define your capabilities.”

Read: Filipino Eion Nikolai Chua graduates magna cum laude from Harvard University

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Niregaluhan si Caelan McDonald ng kanyang ina ng craft kit na nagkakahalaga ng PHP10K. Ginawa niyang business iyon sa paggawa ng sticker, lumago nang todo at kumikita na ngayon ng PHP1,076,387.85 kada buwan. (Photos: Caelan McDonald Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results