Isang Filipino scientist ang nagtapos ng kanyang postdoctoral fellowship sa Harvard University sa Boston, Massachusetts, USA, ngayong taon.
Siya si Dr. Ea Kristine Clarisse Tulin-Escueta, ang kauna-unahang Filipino scientist from Visayas na nag-aral sa prestihiyosong American university, ayon sa ulat ng VSU website nitong August 3, 2025.
Si Ea ay miyembro ng biotechnology faculty at isang assistant professor sa Visayas State University (VSU).
Sa unibersidad ding ito siya nagtapos bilang magna cum laude at class valedictorian sa kursong Bachelor of Science in Chemistry noong 2016.
Read: SUCCESS STORY: Alyssa Niega fails the UPCAT, tops UPLB Class 2025
Filipino scientist on STUDYING AT HARVARD
Si Ea ay nag-aral sa Beth Israel Deaconess Medical Center (BIDMC), isa sa teaching hospitals ng Harvard Medical School.
Dito niya nakatrabaho si Dr. Richard Cumming, isang American biochemist at director ng Harvard Medical School Center for Glycoscience.
Ang focus ng glycoscience ay “deciphering the biological role of glycans—sugars and other carbohydrates—in health and disease,” ayon sa BIDMC website.
Isang karangalan para kay Ea ang makatrabaho si Dr. Cumming dahil isa siya sa mga hinahangaan niyang science authors.
Bukod sa pag-aaral ukol sa glycans, nagkatrabaho rin sina Ea at Dr. Cumming para mag-develop ng antibodies at mapag-aralan ang ukol sa mga diseases at makalikha ng diagnostic tools.
Dahil sa pagkakataong makapag-aral sa Harvard, napalawak ni Ea ang kanyang kaalaman sa science.
Pero bukod pa rito, lumalim din ang kanyang hangarin na gamitin ang kanyang kaalaman para tumulong sa iba.
“It’s not all about career, I don’t work just for myself. The community is more important, and the relationship with my family is more important,” aniya sa VSU interview.
“Also, I seek work that has an impact on other people’s lives and in the community.”
Para kay Ea, misyon niyang gamitin ang natutunan sa sariling bansa.
Aniya: “Just like other Filipino scientists, they studied abroad and came back to serve.
“When you go abroad, you will study rare diseases of Europeans and those of Americans, but we also have diseases of the Filipinos and health problems, and it is nice to apply our expertise in our very own country.”
Hindi nakapagtataka na ganito ang adhikain ni Ea dahil ganito rin ang ginawa ng kanyang mga magulang.
“Both of my parents also pursued their graduate studies abroad, but they chose to return and serve VSU,” ani Ea.
Si Ea ay anak ni Dr. Edgardo E. Tulin, isang scientist at ika-anim na pangulo ng VSU.
Ang nanay naman niya ay si Dr. Anabella Tulin, soil science expert at professor emeritus sa VSU.

Read: SUCCESS STORY: Jun Laingo’s climb from guard to bank teller
EXPOSED TO SCIENCE AT AN EARLY AGE
Sa murang edad, nakahiligan na ni Ea ang science dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang mga magulang.
Noong nasa elementarya, nagtutulungan sila ng kanyang ama para aralin ang antibacterial properties ng mga bulaklak at kung paani sila magagamit sa sabon.
Pagsapit ng high school, pinag-aaralan nila ng ama ang plant extracts para mapigilan ang Alzheimer’s disease.
Pagsapit ng edad 15, nagsimula na siyang magkolehiyo sa VSU at kumuha ng BS Chemistry. Wala kasi sa unibersidad ang gusto niyang molecular biology.
Saad niya: “Since VSU did not offer molecular biology, I pursued chemistry since it encompasses all subjects. I am particularly interested in studying human health or medical research.”
Pagsapit ng third year college, naging exchange student siya sa Tokyo University of Agriculture and Technology (TUAT) sa Japan.
Na-assign siya sa laboratory para mas suriin ang mga enzymes na sinimulan niyang pag-aralan sa VSU.
Sa TUAT niya natutunan ang ukol sa glycobiology, na inaaral noon ng kanyang propesor sa TUAT.
Wala pa noong kaalam-alam si Ea ukol dito, pero nagkaroon siya ng malaking interes nang matutunan niya ito.
Matapos ang kanyang exchange student program sa Japan, umuwi siya sa Pilipinas at nagtapos bilang valedictorian sa VSU Batch 2016.
Sa parehong taon ay nakapasa siya sa licensure exam.
Kasunod nito, nakipag-ugnayan sa kanya ang kanyang Japanese adviser at binigyan ng slot sa TUAT para sa kanyang master’s at PhD studies.
Mula 2017 hanggang 2022, nag-aral at nagtapos siya ng kanyang graduate studies sa Japan.

