Na-rescue na ang brown dog na namataan sa LRT 1 Dr. Santos Station-Parañaque City noong kasagsagan ng bagyong Crising.
Ang kawawang aso ay nakunan ng larawan ng netizen na si Trish Pazon Javier last July 24, 2025, at naitampok sa Facebook group na Dog Lovers Philippines.
Na-pick up ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang caption ni Trish (published as is): “Nakakaawa naman si Doggy. Nakikita ko siya palagi rito sa Dr. Santos station LRT 1.
“Sana may mag-rescue po, ang bait niya at maamo.
“Nanginginig na siya sa lamig. Di ko naman po mapakain kasi male-late na ako sa pupuntahan ko. At napakalakas na rin ng ulan.”
Sa larawan ay makikita ang local brown dog sa lugar na nabanggit.
Mapapansing may nagmagandang-loob na naglagay ng payong para hindi ito masyadong mabasa.
Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls
NETIZENS, LGU SHOW CONCERN FOR THE DOG
Mas lalong nag-viral ang post.
Napakaraming nagkainteres na maampon ito.
Umaksiyon maging ang Local Government Unit (LGU).
Sa post ng Parañaque City Veterinary Services Office sa official Facebook account nito last July 28, napag-alamang pinuntahan ng Barangay San Dionisio Animal Welfare ang sitwasyon sa Dr. A. Santos Avenue Station dahil sa ulat na bukod sa brown dog ay marami pang stray animals sa naturang LRT station.

Ang caption sa post ng Parañaque City Veterinary Services Office: “These loose LRT dogs and cats were scanned for microchip for the purpose of finding their respective pet owners as they might have been displaced after the recent flooding incident here in Parañaque but found to be apparently ownerless.
“For those interested in adopting them, please feel free to get in touch with Barangay San Dionisio, look for Ms. Ket Gadon-Quevedo, so these poor animals may be rehomed before another typhoon comes or they get into road accidents, cruelty, get infected with or spread animal diseases like the deadly rabies virus.”
Naglakip din ang LGU ng mga larawan habang inaasikaso ng Barangay San Dionisio Animal Welfare ang mga aso.
Read: Bright green pigeon in England attracts tourists
THE DOG RESCUER
Sa Facebook post naman ng netizen na si Mondmond Bernaldez last August 2, ibinahagi niyang na-rescue na niya ang brown dog.
Aniya, “Safe na po si doggy ngayon. Hindi na siya matutulog sa kalye. Na-rescue ko na siya.”
Nag-post din siya ng larawan at video habang umiinom ito ng tubig sa loob ng kanyang property.

Binigyan niya ito ng pangalang Browny.
Mukhang at home naman agad ito.
Ani Mondmond: “Itatali muna namin siya para masanay sa bahay.
“May makakasama naman siyang ibang mga aso.”
Maraming netizens ang nagpasalamat sa kanya.
Isa rito si Michelle Angela Camacho na dati palang nagpapakain kay Browny noon sa LRT station.
Mensahe ni Michelle kay Mondmond: “Hi, Sir! Thank you for rescuing Browny!
“Mami-miss ko siyang dalhan ng food.
“Wasn’t able to say goodbye. Sana nagpaalam pala ako kagabi.”
Ibinahagi rin ni Michelle na bandang April pa niya nakikita sa LRT station ang mga aso at pusa.
Mula noon, nag-iiwan na siya ng food para sa mga ito.
Ang worry lang niya, patuloy na dumarami ang stray animals sa area.
Bukod sa isang white dog, may dalawa pa aniyang kulay brown din.
“Yung isang brown, kakakita ko lang ulit [July 28] then may dumagdag na isa pa. Sana ma-rescue din po!”
Read: Henry, the world’s oldest crocodile at 124, has had 6 partners
THE LADY WHO STARTED IT ALL
Ikinatuwa naman ni Trish na may nag-aalaga na ngayon kay Browny.
Aniya sa kanyang Facebook post last July 31: “Thanks for featuring my post on your page, PEP.ph!
“By sharing my post, the brown dog has now been rescued by a kind-hearted solo rescuer. Thanks again.”
Ibinahagi naman niya noong July 29 na suspended ang kanyang account sa Dog Lovers Philippines kung saan niya nai-post ang tungkol kay Browny.
Apela niya sa Facebook group: “Can you please enlighten me as to why my account has been suspended from commenting and posting on your page?
“I've gone through the group rules and reviewed each and every bullet, but I cannot find any violations.
“I posted this pup last July 23 in the midst of heavy rains, he was shaking and soaking wet.
“This poor pup must be hungry too. I don't have anything to give him since I'll be running late to an important event, the least that I can do is to post the poor pup hoping that someone will step up and rescue him coz I can see there are also white fur babies out there somewhere.”
Wala pa siyang update tungkol sa pagkaka-suspend ng kanyang account sa group.
Sa kabila nito, tiniyak ni Trish na magpapatuloy siya sa pagpapakita ng malasakit sa stray animals.
Nagpasalamat din siya sa mga nagtulung-tulong para ma-rescue si Browny.
Dagdag pa niya, “I'm now more inspired to help the voiceless in my own little way."
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
