Dahil sa kanilang unconventional love story, nabaling ang atensiyon ng milyun-milyong katao kina Anita Wang Lee at Timothy Muttoo.
Very obvious ang physical difference ng couple, partikular ang kanilang height.
Si Anita ay 5’4” tall habang si Timothy ay 4-foot tall.
Sa mga nagdududa sa kanilang relationship, kinailangang linawin ni Anita na hindi AI-generated ang kanilang mga photos together.
At lalong hindi imbento ang kanilang love story na mababasa sa website nilang anitaandtim.com.
Parte ng sinabi ni Anita: “Maybe you’ve heard of Tim through his water charity work, or maybe a photo or video of us caught your eye and something about us made you curious.
“No, we are not an AI-generated image.
"Yes, then you might be wondering, How does a ‘regular’ 5'4" woman fall in love with a 4' man?”
Aktibo ang dalawa sa pagbibigay ng updates sa social media—@anitawinglee on Instagram and @timmutto on Instagram—tungkol sa kanilang kakaibang pag-iibigan.
Sabi ni Anita: “And we love sharing our story because it is filled with hope. Hope that life doesn’t follow scripts.
"That something real and beautiful can unfold when we stay open, take your time, and let love grow slowly, gently, and unexpectedly."
Read: Mommy Dionisia Pacquiao, partner talk about 11-year relationship

BRIDE SHARES HOW IT ALL STARTED
Nagkakilala sina Anita at Timothy dahil sa kanilang common friends noong 2021.
Hindi love at first sight ang nangyari sa kanila ni Tim.
Katunayan, hindi raw tipo ng babae ang lalaki kaya noong una, na-friendzone niya ito.
Si Anita ay isang businesswoman at content creator, habang si Timothy ay isang engineer at co-founder ng isang Canadian charity na layuning magbigay ng access sa clean drinking water.
Noong 2021, nagkita at nagkakilala ang dalawa sa isang birthday party, pero wala siyang naramdamang spark.
Kalaunan, nabuo ang kanilang friendship dahil marami silang things in common.
Nagtatagal daw ng maraming oras ang kanilang mga pag-uusap at sharing tungkol sa kanilang mga pangarap.
Magkasama rin sila sa mga trips.
Si Tim daw ang unang nagparamdam. Naging mas madalas ang pagti-text niya kay Anita, na napansin din ang frequent texting ni Tim.
Ani Anita, “I felt like I needed to put a stop to it, but at the same time, I didn’t want to lose him as a friend.”
Nag-send ng message si Anita at ipinaalam kay Tim na gusto niyang manatili lang silang magkaibigan.
Pero ‘ika nga sa isang kasabihan, sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

BRIDE SAYS HER SHE INITIALLY FRIENDZONED GROOM
Iba raw ang na-imagine ni Anita pagdating sa lalaking pakakasalan niya.
Sabi niya: “I had always envisioned myself looking up into my partner’s eyes, but with Tim, that wasn’t possible. What was I supposed to do?”
Tinimbang daw mabuti ni Anita ang feelings niya para kay Tim.
At na-inspire siya sa Australian motivational speaker na si Nick Vujicic, na ipinanganak na walang mga braso at paa, pero ikinasal sa “regular” person na si Kanae.
Kalaunan, napagtanto niyang may malalim na feelings pala siya para kay Tim.
Read: NETIZENS REACT: Pets in grocery carts at malls and supermarkets
groom has all the qualities the bride dreamed of in a guy
Kinulang si Tim sa height, pero taglay naman daw niya ang mga katangiang hinahanap ni Anita sa pinapangarap niyang mapangasawa.
Binalikan daw ni Anita ang listahan ng mga qualities na gusto niya sa isang lalaki, at hindi naman kasama roon ang matangkad.
Sabi ni Anita: “You know how people write out lists of what they’re hoping for in a partner? I never actually wrote down ‘tall,’ because I just assumed God would bring me someone tall. Ideally, someone 5 inches taller than me so I could wear heels and they’d still be taller.
“I prayed for someone with substance and character: a visionary, a humble world traveller, big-hearted and creative (or at least someone who understood my creative soul), with deep faith. And I always sensed he’d come from a different culture.
“As I got to know @timmuttoo, I saw he was all of these things. But… he wasn’t tall. And when I asked God about it, He said, ‘Well, it wasn’t on your list.’"
Napag-isip-isip ng babae na mas mahalaga ang ugali at kabutihan ng puso ng isang tao.
Masyadong mababaw kung ibabatay niya sa pisikal na anyo ng isang tao ang pamantayan niya para sa lalaking makakasama habang-buhay.
“It’s the internal - the heart, the soul, the kindness, the way they treat you and others - that truly matters,” ani Anita.
Sa ngayon, “adorable” sa paningin niya ang height difference nila ni Tim.
“So if you’re still waiting for your person? …they may not look like what you pictured? and that might be the best part,” pagtatapos ni Anita sa isang Instagram post.
Ikinasal sina Anita at Tim ngayong taon, matapos ma-engage noong September 2024.
