Nang manalasa sa bansa ang Super Typhoon Odette noong 2021, isa si Jonel Alingco sa labis na naapektuhan ang kabuhayan.
Mayroon siyang poultry farm sa bayan ng Cagdianao sa Dinagat Islands.
Itinampok ang karanasan ni Jonel sa official Facebook page ng Department of Agriculture-Caraga noong August 25, 2025.
Heto ang simula ng kanyang post: “Twenty-twenty-one nang mas maengganyo ako na magsumikap sa aking pangarap sa agrikultura.
“Isa ako sa nanalo sa Young Farmers Challenge.
“Sabi ko, sa wakas, mapupunan nito ang nawala sa akin.
“Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, sa taong ding yun, sa halip na madagdagan, talagang nawala sa akin ang lahat.”

Naranasan niya ang bagsik ng Super Typhoon Odette.
Pagbabalik-tanaw ni Jonel sa mapait na sinapit: “Yung feeling na lahat nang pinaghirapan mo, binura lang sa mundo nang ilang minuto.
“Malinaw na malinaw pa rin sa aking isipan, actual kong nasaksihan kung paano unti-unting winasak ng bagyong Odette ang aking poultry farm habang wala akong magawa kundi panoorin ang pagguho ng pinaghirapan kong pangarap.”
Paghihinagpis niya: “Sagad hanggang buto. Akala ko talaga yun na ang katapusan ng pangarap ko.”
Read: This OFW in Spain amasses 235K Facebook followers--here’s why
WHY JONEL ALINGCO VENTURED INTO POUTRY BUSINESS
May dahilan kung bakit gayun na lang ang panggigipuspos ni Jonel.
Nagsimula ang kanyang entrepreneurial journey noong 2021, matapos niyang itatag ang RL Layer Poultry.
Kaakibat ng kanyang interes sa poultry farming ang hangaring matulungan ang kanyang mga kapwa Dinagatnon na magkaroon ng regular supply ng itlog.
Sa palengke pa kasi namimili ang mga ito ng itlog na halos triple o higit pa ang presyo.
“Bilang isang kabataang negosyante na mula sa Dinagat Islands, nakita ko mismo ang hirap kapag umaasa lang kami sa nga itlog na inaangkat mula sa mainland.
“Pagdating dito sa isla, sobrang taas ng presyo dahil sa mahal ng transportasyon.”
Umaasa lang kasi ang Dinagat Island sa egg supply mula sa mainland Surigao at mga karatig na lugar.
“Nakita ko kung gaano kahirap para sa mga Dinagatnon ang bumili ng napakamahal na itlog sa palengke.
“Yun ang nag-motivate sa akin para mangarap na mamuhunan at magtayo ng poultry.”
Noong taon ding iyon, sumali siya sa YFC ng Department of Agriculture.
Nanalo siya ng PHP50,000—na ginamit niya para simulan ang kanyang poultry business.
Read: Fresquivel Morla: from tagabalot ng parcels to millionaire
JONEL ALINGCO'S RECOVERY
Aminado si Jonel na kasamang natibag ng kalamidad ang kanyang disposisyon.
“Ang epekto ng Super Typhoon Odette ay sapat na dahilan para tumigil ako sa pagtugon sa tawag ng buhay sa pagmamanok dahil hindi ito madali.”
Gayunpaman, bahagi ng kanyang karakter ang pagkakaroon ng paniniwala sa second chances.

Ang ginawa niya, nagbuo siya ng documentary kung ano ang nangyari sa kanyang poultry farm.
“Kahit masakit sa paningin, pinipilit ko talagang mag-document at mai-report yung sitwasyon ng aking farm sa DA-Caraga.”
Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap.
“Dahil sa kagustuhan kong mag-reestablish, na-consider ako ng Agribusiness and Marketing Assistance Division [AMAD] thru Agricultural Program Coordinating Office- Province of Dinagat Islands o APCO-PDI.
“Binigyan ako ng 96 heads of RTL [Ready To Lay] chicken with cages.
“Dahil sa recovery program ng DA, nabuhayan ulit ang loob ko.”
Read: Summa cum laude Tricia Ann Anda moves thousands with speech
JONEL ALINGCO NOW EARNS PHP20K PER MONTH
Mula sa mga natanggap na tulong mula sa mga programa ng DA, unti-unting nakabawi si Jonel.
Dahil sa sipag at determinasyon, mula sa 96 na manok noong February 2020, pagsapit ng 2025 ay umabot na sa 500 ang kanyang alaga.
Aniya, “With an average net income of PHP20,000 per month.”

Nagsu-supply siya ng itlog sa Dinagat Island para sa wholesalers, bakeries, sari-sari stores, at maging sa direct consumers.
Nag-aral din siya ng mga makabagong pamamaraan para mas maparami ang itlog ng kanyang mga alaga.
Natutunan din niyang gumawa mula sa natural products sa kanilang lugar ng sariling supplements para sa mga manok, at maging ng disinfectant.
Nakatulong iyon para mas mapababa ang kanyang mga gastusin para sa operasyon ng poultry farm.
Read: Zara Dar: from computer geek to OnlyFans content creator
JONEL ALINGCO CONTINUES WINNING STREAK IN FARMING COMPETITIONS
Patuloy rin si Jonel sa pagsali sa mga kumpetisyong pangsakahan.
Noong 2024, siya ang kinatawan ng bayan ng Cagdianao sa ginanap na Anyag and Garbo sa Dinagat Islands 2024 sa ilalim ng farmers and fishery sector.
Ang paligsahan ay tungkol sa beauty and pride ng kanilang bayan.
At si Jonel ang nagwagi.

“Ang aking pagkapanalo ay nagbigay-pagkakaton para makahingi ng backhoe assistance mula sa lokal na pamahalaan para sa hard filling sa lupa ng aking manukan at para maipaayos ito.”
Ngayong taon, muling lumahok si Jonnel sa Young Farmers Challenge sa ilalim ng Upscale Category.
Nanalo siya ng PHP300,000 sa regional level.
Dahil dito, nakabili siya ng karagdagang 1,000 sisiw para sa kanyang poultry farm.
Read: Jayson Patdo: from farmer and helper to bag business owner
JONEL ALINGCO's expansion PLANS
Ang goal ni Jonel ay ang makapagdagdag ng hanggang 5,000 manok na nangingitlog pagsapit ng 2026 hanggang 2027.
Kapag na-achieve niya ito, kaya na niyang matugunan ang kalahati ng demand sa itlog ng Dinagat Islands.

Ani Jonel, ang trahedyang hatid ng Super Typhoon Odette ay sapat na para isuko niya noon ang pangarap.
“Pero para sa lupang bumubuhay sa atin, sa mga kabataang may pangarap na tulad ko, at sa kinabukasan ng ating bayan at sa islang aking sinilangan, hindi ko ito titigilan.
“Magpapatuloy ako.”
Read: Jessica Soho to youth: “Use your voice and be heard and matter!”
