PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Writer becomes famous after NFL star caught reading his book

From unknown to No. 1 best-selling author
by KC Cordero
Published Sep 11, 2025
Jim Murphy and the NFL star
Hindi nabebenta ang book ni Jim Murphy (L), pero matapos mapanood sa TV ng NFL fans na binabasa iyon ng isang popular football player, naging No. 1 bestseller ito. (Photos: Jim Murphy, screenshot @NFLonFOX)

Ilan taon na ang nakalilipas, nag-type si Jim Murphy ng note sa kanyang smartphone.

Nakasaad dito: “I’m a New York Times best-selling author.”

Araw-araw, tinitingnan niya ang note na ito.

Noong 2009, nakapag-publish si Jim ng kanyang unang book, ang Inner Excellence, with McGraw-Hill bilang kanyang publisher.

Jim Murphy and his book
Si Jim Murphy at ang kanyang libro. Photo: Jim Murphy
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang manifestation niya sa kanyang smartphone na magiging New York Times best-selling author siya ay hindi nangyari.

Ayon datos ng Bookscan, sa kanyang book launching na ginanap noong December 2009, limang kopya lang ang naibenta ni Jim sa unang linggo.

Nine copies naman nang sumunod na week.

Wala nang naitalang benta pagkatapos niyon.

Gayunpaman, hindi siya nasiraan ng loob.

Read: Hannah Krystelle Caintic wins gold at WorldSkills ASEAN Manila

WRITER REPUBLISHED HIS BOOK

Pagsapit ng 2018, nakuha ni Jim mula sa original publisher ang publishing rights para sa Inner Excellence.

Sumulat siya ng panibagong edition nito.

Siya na rin ang nag-publish at nag-market.

Mula sa contents ng book, nagpo-provide din si Jim ng services bilang adviser.

Naging clients niya ang mga coaching athletes, professional golfers, at Olympians.

For context, ang Inner Excellence ay tungkol sa kung paano sasanayin ng isang tao ang sarili na magkaroon ng winning mindset.

Tinatalakay nito kung paano made-develop ang self-mastery, at hayaang pakawalan ang mga bagay na hindi kayang kontrolin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtuturo rin ito kung paano malalabanan ang anxiety at magkaroon ng powerful mental habits.

May mga techniques kung paano makakawala sa mental blocks.

Read: Story of Jonel Alingco: the farmer who survived the supertyphoon

NFL STAR CAUGHT ON-CAM READING THE WRITER’S BOOK

Last January 12, 2025, habang ibino-broadcast ng FOX NFL ang laro sa pagitan ng Philadelphia Eagles at Green Bay Packers sa playoff ng National Football League, isang pangyayari ang bumago sa takbo ng buhay ni Jim.

Nakunan ng camera ang Eagles superstar wide receiver na si A. J. Brown na nakaupo sa sideline habang nagbabasa ng aklat.

Screenshot when NFL star was caught reading the book
Ang screenshot nang makunan sa camera si NFL star A. J. Brown habang binabasa ang book ni Jim Murphy. Photo: Screenshot @NFLonFOX
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Brown ay kabilang sa league's best, at nasa number 29 position sa NFL Top 100 Players of 2025.

Nang i-zoom ng camera, kitang-kita ng viewers kung anong book ang hawak niya.

Read: Working mom passes civil engineering board exam after 11 tries

WRITER’S BOOK SALE SKYROCKETED

Sa ulat ng media outlet na NCBC last September 4, 2026, tinatayang nasa 36 million katao ang nanonood ng laro noong partikular na araw na iyon.

Agad nakuha ng viewers kung ano ang title ng book na binabasa ni Brown.

Kinabukasan, nag-post si Brown sa social media kung bakit gusto niyang basahin ang naturang book.

NFL's post about the book
Ang screenshot ng post ng NFL star. Photo: @AJBROWN on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas lang ang tatlong linggo matapos makunan NFL star na nagbabasa ng book ni Jim, mahigit 200,000 copies nito ang nabenta sa Amazon.

Bago ang pangyayaring iyon, ang Inner Excellence ay nasa ika-523,497 sa listahan ng Amazon ng mga aklat na ibinibenta nito online.

Bigla-bigla, naging number one ito,

Read: Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business

WRITER WAS AT HIS LOWEST EBB DURING THAT TIME

Ang higit na makapanindig-balahibo sa pangyayaring ito, naganap ang pagsikat ng book ni Jim sa panahong sadsad sa lupa ang kanyang personal na buhay at professional career.

Ilang araw bago sumapit ang January 2025, kamamatay lang ng kanyang ina.

Ang kanyang advising gig ay hindi naman kumikita.

Ni hindi nga niya mabayaran ang kanyang credit cards—na first time nangyari sa kanya sa loob ng maraming taon.

Matagal na rin niyang binura sa kanyang smartphone ang manifestation na magiging bestselling author siya.

Read: "Most Beautiful Girl in the World" at 6: See how she looks today at 24

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WRITER’S LIFE TURNS 360 DEGREES

Inimbitahan si Jim ni Brown noong January 19 para manood ng laro ng Eagles.

Nang araw na iyon, bago nanood ng laro ay sinubukan niyang mag-withdraw sa ATM.

Pero wala na palang laman ang kanyang account.

Tumalbog din ang tsekeng ibinayad niya para sa mortgage ng kanyang bahay.

Pero habang nanonood ng laro, hindi mahahalata kay Jim ang mga pinagdaraanang predikamento.

Nararamdaman niya sa sariling may malaking pagbabagong mangyayari sa kanyang buhay.

Hindi siya nagkamali ng kutob.

Dahil kay Brown, biglang-bigla ay siya ang naging most in-demand author sa U.S.

Makalipas ang walong buwan, pumirma siya ng kontrata para magsulat ng tatlong libro sa isang publication.

Dumami rin ang kanyang clients na interesadong makakuha ng advice.

Read: Hannah Katrice Blastique: Top 7 in May 2025 nursing board exam

WRITER IS SUPER GRATEFUL

Aminado si Jim na nag-a-adjust pa siya ngayon sa buhay na sa kanya nakatutok ang spotlight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabi-kabila ang kanyang interviews.

Karaniwang tanong sa kanya ay kung magaling talaga siya sa inner excellence.

Aniya sa isang panayam: “Inner excellence is about being selfless, and I don’t need the attention, or I’ve never wanted the attention.

“I’m super grateful for what’s happened and that lives have changed, and that’s the amazing part.

“My life is very different now, for sure, but I think it was kind of an interesting thing, and I was surprised—why do they keep asking about me?”

Paliwanag pa niya: “When I say, ‘at inner excellence,’ I mean being more selfless and having more compassion, getting out of my own way, the self-referential life, self-centeredness, my biggest challenge.

“So, it was my biggest challenge then; it’s my biggest challenge now."

Read: High school valedictorian, perfect attendance since kindergarten

WHO IS JIM MURPHY?

Fifty-eight years old na ngayon si Jim.

Siya ang pinakabata sa limang magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaki siya sa Seattle na may strong sports culture.

Photo of Jim Murphy
Si Jim Murphy sa book signing ng isa pa niyang book, ang Becoming The Beachboys. Photo: Virginia Tech

Na-draft siya ng Chicago Cubs sa 13th round ng Major League Baseball noong 1988.

Nagpalipat-lipat siya sa minor-league clubs sa New York, West Virginia, North Carolina, at Illinois sa loob ng tatlong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbalik siya sa pag-aaral at nag-enroll sa University of British Columbia.

Dito, naging football player si Jim at nagsulat ng master's paper sa baseball—na naging book.

Muli siyang naglaro ng baseball noong mid-1990s.

Na-hire din siya bilang hitting coach ng Olympic baseball team ng South Africa noong 2000.

Read: Grace Tamayo: Top 10, nurses licensure exam

Noong 2003, naisip ni Jim ang concept for Inner Excellence bilang manual para matulungan ang professional athletes na makapaglaro nang may kumpiyansa sa sarili.

Nanirahan siyang mag-isa sa Sonoran Desert sa Arizona matapos ibenta ang lahat nang ari-arian para makapag-concentrate sa pagsusulat.

Thirty-six years old siya noon.

Anim na taon niyang sinulat ang aklat.

Umabot sa US$90,000 ang kanyang naging pagkakautang, na ginamit niya sa pagbiyahe at pag-i-interview sa iba’t ibang athletes and coaches.

Inamin niya sa isang panayam ng news website na NPR na dahil doon, nagkaroon siya ng "near mental breakdown."

Bago nakunan ng video si Brown na binabasa ang kanyang book, sinabi ni Jim na kuntento naman siya sa buhay sa kabila ng matumal na benta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung maagang natupad ang kanyang manifestation noon na magiging best-selling author siya?

Baka raw hindi siya kasing-ready na gaya ngayon sa lahat-lahat: fame at major changes sa kanyang buhay.

Naniniwala siyang isa itong leksiyon mula sa Diyos.

Pagbabahagi ni Jim, nang makita niyang walang laman ang ATM, inisip na lang niyang isa itong paalala na: "It doesn’t matter if your bank account says negative like it did yesterday or if it says a lot more like it does today or way more tomorrow; none of that matters.

"Your purpose stays exactly the same."

Read: Carlos Miguel Mariano: Top 1, civil engineers licensure exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nabebenta ang book ni Jim Murphy (L), pero matapos mapanood sa TV ng NFL fans na binabasa iyon ng isang popular football player, naging No. 1 bestseller ito. (Photos: Jim Murphy, screenshot @NFLonFOX)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results