PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner

“Inspire before you expire!”
by KC Cordero
Published Sep 27, 2025
Photo of Minda Teves and her resort farm
Thirty-three years sa Italy si Minda Teves bilang OFW, pero umuwing may sakit at hindi alam kung saan kukuha ng suporta. Sa kanyang determinasyon, muli siyang nakabangon. (Photo: BINN, LVSR)

Thirty-three years nagtrabaho si Minda C. Teves sa Italy bilang Overseas Filipino Worker (OFW).

Noong una ay na-employ siya bilang midwife.

Kalaunan, mas naging matagumpay si Minda sa kanyang side career bilang financial literacy advisor.

Photo of Minda Teves
Si Minda Teves. Photo: BINN

Tinuturuan niya ang mga kababayang OFWs kung paano palalaguin ang kanilang pera sa pamamagitan ng practical money management advice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kanyang kasipagan, tuluy-tuloy ang pagkakaloob niya ng financial support sa kanyang pamilya sa Cantilan, Surigao del Sur.

Hindi naglaon, nadala niya sa Italy ang kanyang mga magulang at kapatid.

Read: Life of Daniel Quisa-ot in prison before earning 4 licenses

MINDA TEVES RETURNS HOME DUE TO SICKNESS

Naitampok si Minda sa website na boracayislandnews.com last August 23, 2025, mula sa artikulong sinulat ni Vic Thor Palarca ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center, Caraga.

Nagbigay ng pahintulot ang website at si G. Palarca na maibahagi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naturang feature.

Sixty-nine years old na ngayon si Minda.

Unti-unting humihina ang kanyang kalusugan.

Nagkaroon siya ng anxiety matapos ma-diagnose na may Alzheimer’s disease.

At dahil na rin sa sari-saring stress at pressure na naranasan, nagkaroon siya ng matinding breakdown.

Umuwi si Minda sa Surigao Del Sur para magpagaling.

Na-realize niyang sadyang ironic ang buhay.

Siyang nagtuturo ng financial literacy ay nahaharap ngayon sa financial crisis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagaman at walang pinagkakakitaan, nakatagpo siya ng kapayapaan sa probinsiya, at nagkaroon ng oras na makipag-ulayaw sa kalikasan.

Read: Writer becomes famous after NFL star caught reading his book

MINDA TEVES’ EUREKA MOMENT WITH COCONUT TREES

Sa panahon ng pamamahinga sa probinsiya, biglang may isang ideyang pumasok kay Minda na muling nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.

Naalala niyang ang coconut-based products ay sobrang popular sa Italy at sa buong Europe.

Mataas din ang presyo ng mga ito pagdating sa ibang bansa.

Coconut trees
Sagana sa puno ng niyog ang probinsiya ni Minda Teves. Photo: LVSR
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At nasa harapan lang niya ang napakaraming puno ng niyog—na murang-mura lang kung ibenta locally.

Naalala rin niyang noong naglalagas ang kanyang buhok, naging epektibong solusyon ang Virgin Coconut Oil (VCO).

Bukod dito, muling kumapal ang kanyang buhok.

Read: Hannah Krystelle Caintic wins gold at WorldSkills ASEAN Manila

MINDA TEVES COMES FROM A FAMILY OF FARMERS, BUT…

Noong bata pa si Minda, ang kanyang pamilya ay nagtatanim at nagbebenta ng mga niyog.

Madalas dalawin ng mga bagyo ang Surigao del Sur.

Isang mapaminsalang baha ang nagwasak sa kanilang farm at bahay.

Dahil sa mga kalamidad na ito, napakahirap para sa mgasasakang tulad nila ang magkaroon ng magandang ani.

Dati na nilang sinubukan na i-revive ang kanilang farm na malaon nang nakaligtaan, pero napakaraming challenges ang kanilang nakaharap at hindi sila nakausad.

Karamihan din sa mga farmers sa kanilang probinsiya ay nag-aalanganing yakapin ang modern agricultural practices sa pangambang gagastos nga ng malaki, pero bago sumapit ang anihan ay babagyuhin o babahain naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Story of Jonel Alingco: the farmer who survived the supertyphoon

MINDA TEVES UNDERGOES TRAINING IN COCONUT PROCESSING; CONVERTS FARM INTO RESORT

Sa pagkakataong ito, isinulong ni Minda ang kanyang plano.

Nakipagpulong siya sa isang coconut processor.

Naging daan iyon para makalahok siya sa isang training program sa Laguna na naka-focus sa pagde-develop ng coconut-based products.

Marami siyang natutunan sa training na iyon.

Sinimulan niyang mag-create ng sariling line of coconut products.

Minda Teves's products from VCO
Ang ilan sa mga products ni Minda Teves mula sa VCO. Photo: LVSR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanilang old farm na napabayaan na noon ay muli niyang inasikaso at ipina-convert bilang farm -esort enterprise—ang La Vecchia Spiaggia Resort and Integrated-Diversified Coconut Farm.

Ang Italian words ay nangangahulugang “The Old Beach.”

Read: Working mom passes civil engineering board exam after 11 tries

MINDA TEVES’S RESORT FARM BECOMES A SUCCESS

Sa kanyang maayos na pamamahala, napalawak ni Minda ang mga serbisyo ng La Vecchia Spiaggia Resort.

Hindi lang ito basta naging farm.

Naging paboritong venue ito ng mga government offices and private organizations na nagko-conduct ng trainings and seminars.

Dumadagsa rin dito ang walk-in customers na gustong tikman ang homemade pizzas na gawa mula sa homegrown ingredients na ibini-blend sa authentic Italian flavors.

Ang herbs and spices ay sariwa at bagong pitas mula sa garden ng farm.

Ipinagmamalaki ng La Vecchia Spiaggia Resort ang 50 pizza variants.

Para na ring natikman ang Italian pizzas sa Caraga.

Kinilala rin ang La Vecchia Spiaggia bilang Learning Site for Agriculture (LSA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sertipikado ito ng Agricultural Training Institute at suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Tourism (DoT).

Read: Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business

MINDA TEVES’S FUTURE PLANS FOR HER RESORT FARM

Sa ngayon, ang vision ni Minda ay mas maparami pa ang tanim, maliban sa niyog, sa kanyang farm.

Plano niyang magparami rin dito ng iba pang champion commodities gaya ng cacao and coffee.

Ang kanyang target: ma-accredit ang farm bilang isang agritourism destination.

Sa ginanap na Coco Talk: Coconut Techno Forum na inorganisa ng ATI-Caraga sa kanyang farm last August 18-20, 2025, ibinahagi ni Minda ang kanyang naging journey mula sa pagiging OFW at pagbabalik sa farming.

“The OFWs in Europe no longer have plans to go home, and I am one of them.

“In our research, we discovered that only three percent of OFWs achieve significant success.

“Our study examined both the positive and negative impacts of migration on their lives.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin niyang na noong nagbalik siya sa Pilipinas, hindi niya alam ang gagawin at kung kanino hihingi ng suporta.

Ang pagre-reconnect umano niya sa nature ang nakatulong para ma-restore ang kalusugan at makabalik sa farming.

“Farming is not just a livelihood—it is life itself.

“The money is right here in our country if we’re willing to work hard for it.”

Paalala niya: “Inspire before you expire!”

Sa ngayon, ang coconut farm and farm resort ni Minda ay may average monthly income na PHP100,000.00.

Ang main products niya ay VCO, hair oil, coco sugar, and coconut flour na iniluluwas sa Italy at iba pang European countries.

Nagpapasalamat naman si Minda sa suporta ng ATI, DTI, at DOT.

"Without their help, I would not be able to turn this vision into reality.”

Read: Christian Humphrey Lapeciros proves there’s money in farming

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thirty-three years sa Italy si Minda Teves bilang OFW, pero umuwing may sakit at hindi alam kung saan kukuha ng suporta. Sa kanyang determinasyon, muli siyang nakabangon. (Photo: BINN, LVSR)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results