PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Wenna Joy Culibra: From kasambahay to cum laude

"Kung ngayon mahirap ka, kuntento ka na lang ba na mahirap ka?"
by Bernie V. Franco
Published Oct 2, 2025
Wenna Joy Culibra
Wenna Joy Culibra grew up in poverty but never let go of her dream to finish school and become a teacher. Now a step closer, she graduated cum laude from Caraga State University in June 2025 and is preparing for the licensure exam next year.
PHOTO/S: Wenna Joy Culibra via Gokongwei Brothers Foundation

Pinatunayan ni Wenna Joy Culibra, 21, na walang anumang sagabal para matupad ang kanyang mga pangarap.

Siya ay taga-Butuan City, at nagtapos bilang cum laude nito lamang June 2025.

Kumuha siya ng Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics sa Caraga State University.

Ang makapagtapos ay malaking achievement para sa dalagang laki sa hirap.

Kinailangan pa nga niyang mamasukan bilang kasambahay para makapag-aral sa kolehiyo.

Pagsapit ng third year college, nabigyan siya ng scholarship ng Gokongwei Brothers Foundation kaya mas nakapag-focus siya sa pag-aaral at naka-graduate with Latin honors.

Naibahagi ni Wenna sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga pinagdaanan bago nakatapos ng pag-aaral.

“Life is full of challenges and then full of opportunities, so, kailangan mong sumugal…” ang bahagi ng pahayag ni Wenna.

Read: Life of Daniel Quisa-ot in prison before earning 4 licenses

WENNA JOY CULIBRA'S FAMILY BACKGROUND

Si Wenna ay panganay sa limang magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang ama ay walang regular na trabaho at nakikisaka lamang sa bukid.

Ang kanyang ina ay isang housewife.

Ang dalawa niyang kapatid, ayon kay Wenna, ay may mental conditions. Wala silang medical diagnosis dahil hindi raw sila napatingnan sa doktor.

“Parang meron, meron po talagang something…” sabi ni Wenna sa Zoom interview nitong Linggo, September 28, 2025.

“’Yung papa ko, lagi siyang umuuwing lasing. So, medyo may conflict po sa family namin.”

Ang ipinagpapasalamat na malaki ni Wenna ay may lupang sakahan ang kanyang lolo.

“Super hirap po, kasi wala po talaga kaming magandang bahay, pero we're so blessed po kasi meron po kaming lupa,” hayag niya.

“Yung mga basic needs namin, na-provide naman. Pero, yun nga, kasi lima kaming magkakapatid...”

Dahil hindi naman regular ang kita ng magsasaka, agad namulat si Wenna sa katotohanang salat sila sa buhay.

Dahil marami silang magkakapatid, pinalaki si Wenna ng kanyang lolo at lola, na nakatira sa katabing bahay. Sila ay mga magulang ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Wenna Joy Culibra 1
At an early age, Wenna Joy Culibra from Butuan City already knew a life of hardship.
Photo/s: Gokongwei Brothers Foundation

BETTER LIFE WITH LOLO AND LOLA

Ang lolo raw niya ang nagpa-aral at nag-alaga nang husto kay Wenna.

Lagi siyang ipinaghahanda nito ng baon at inihahatid sa eskwelahan.

“May baon po ako, biscuit. And then pag umuulan naman po, merong payong,” pagbabalik-tanaw ni Wenna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanilang komunidad, malaking bagay na raw yun.

“Most of my classmates there, they never experienced that po kasi sobrang hirap. Kahit nga itlog lang po yung ulam ko, sabi ng mga classmates ko, ang yaman ko daw, kasi afford ko yung itlog.”

Common daw sa mga kaklase niya ang ulam na ginamos o kaya ay tinapa.

Kinainggitan pa nga raw noon ang bag niyang Barbie at ang kanyang pink water tumbler.

“Most of my classmates there, parang ano naman po sila na, ‘Wow! Sana naman... sana all.’”

Kapag walang pasok o kapag bakasyon, kasama si Wenna sa pagtatanim ng mais.

Pero kapag walang tanim, doon nararamdaman ni Wenna na kailangan talaga nilang kumayod para may extra na kita.

“Mais lang po yung natatanim ng lolo ko. Walang kaming bigas, walang kaming pera, and umasa lang kami sa pension [ng lolo ko].”

Minsan daw na na-delay ang inaasahang pension ng lolo, ginayat na mais ang niluto at kinain nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-realize ko na, ‘Grabe, no, kahit yung basic needs...nahihirapan kami.’

“So sabi ko, ayaw kong maging ganito. Parang ayaw kong mag-end yung life ko na hindi ko nararanasan yung ganda ng buhay.”

“Na-realize ko na ang hirap pala maging mahirap,” sambit ng dalaga.

Pagsapit ng Grade VI, kinailangang mag-transfer ng eskwelahan ni Wenna.

Dito siya nakaranas ng bullying. Kadalasan daw ay ang itsura at personal hygiene niya ang pinipintasan.

“Siguro, ano, new environment for me kasi nga yung barangay na yun, hindi siya katulad ng barangay namin.”

Pagsapit ng high school daw ni Wenna. Buung-buo sa isip niya na kelangan niyang kumilos.

Maging ang mga babae sa kanila ay kailangang magtrabaho o tumulong sa bukid.

Minsan ay sumasama siya sa kanyang lolo sa pagtitinda ng mga prutas. Kaya bata pa lamang, naisip na ni Wenna na kailangang magtrabaho para magkapera.

“Hindi ako satisfied na ganito lang lagi yung buhay ko. Kailangan kong mag-improve. Kailangan kong mag-work hard. Kasi alam ko naman hangga’t may gagawin ka, ma-achieve mo talaga yung mga bagay na gustong ma-achieve.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wenna Joy Culibra 2
Despite a difficult life, Wenna was able to attend school through the support of her grandfather, starting from elementary. However, in Grade 10, her lolo passed away--a turning point in her life.
Photo/s: Gokongwei Brothers Foundation

THE BEGINNING OF CHALLENGES

Nang mag-high school si Wenna, nagawa niyang maging honor student.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula Grade VII hanggang Grade IX, “smooth” ang kanyang pag-aaral.

“Wala ring problema kasi nga yung lolo ko, full support. May pensyon na yung lolo ko kasi. Then ako lang din po yung pinapa-aral, so keri naman.”

Pero biglang nag-iba ang takbo ng kanyang buhay nang pumanaw ang kanyang lolo pagtapak niya ng Grade X noong 2019.

“Ang pinakamasakit po dun, hindi po siya namatay sa ospital. Doon po talaga siya sa bahay namin.

“Paggising ko, sabi ko, ‘Lo, inom na ng tubig.’ Hindi po siya gumising. So yun po, napakahirap.”

Nag-e-excel academically si Wenna noon. Marami rin siyang extra-curricular activities, tulad ng seminars at trainings.

Sa isang iglap, nagbago ang buhay niya.

“So ganun po. Parang, ‘Ano na kayang gagawin ko?’ ‘Tapos magka-college pa ako.

“Parang nawalan ako noon ng ano, ng direction sa life, kasi sino na magpapa-aral sa akin? Saan ako titira? Sino na magbibigay ng pagkain?' E, alam ko naman na hindi afford ng parents ko yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos pa rin ng high school si Wenna bilang valedictorian.

Pero noong panahong iyon, hindi raw niya mapigilang hindi mainggit sa mga kaklase.

“’Yung mga kaklase ko, chill lang sa life. Kahit pinapagalitan sila ng teachers pero kaya ng parents nila na pag-aralin sila. ‘Tapos ako, ako yung valedictorian, hindi ako makapag-aral ng college.”

Read: Life story of Jenela in Japan: from nurse to care worker to vlogger

APPLYING FOR SCHOLARSHIP

Isang nakitang option ni Wenna para maipagpatuloy ang pag-aaral ay ang makakuha ng scholarship.

“Kaya po nag-apply ako sa lahat po ng mga state universities, colleges dito sa Caraga Region, sa region po namin.

"And nag-apply din po ako sa CHED. Ang dami kong inaplayan.”

Kumpiyansa raw si Wenna na makakapasa siya at magiging scholar.

“Sabi ko, ‘Ah, papasa ko dito.’ Kasi kung eligibility lang, okay naman po yung grado ko, 95 po 'yun. So, 93 yung requirement nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then yung situation ng parents ko, sobrang hirap. So, parang sabi ko, ‘Ah, papasa ako dito.’”

Habang naghahanda sa kanyang pagkokolehiyo, namasukan muna bilang kasambahay si Wenna.

“Nasabi ko, pag nakapasa ako dito [scholarship], hindi na ako mag-working student. Titigil na akong mag-work. Magfo-focus na ako sa pag-aaral.

“Pero nung dumating po yung [results] sa application...

“Kasi sabi ng kaklase ko, meron na, email sila nasi-send, and wala po akong nari-receive na kahit ano.”

Nang bumisita raw siya sa website ng CHED, “not qualified” daw si Wenna sa scholarship. Hindi rin siya nakapasa sa iba pang scholarship applications.

Malaking dagok daw iyon para kay Wenna. Iyon kasi ang inasahan niya para makapagpatuloy sa kolehiyo.

Dumating ang pandemic. Nagtrabaho bilang kasambahay si Wenna at ipinagpatuloy ang pagkokolehiyo dahil naging online ang classes.

“So, parang naba-balance ko naman na magtatrabaho while nag-aaral. So, okay lang siya.

Pero hindi raw ito naging madali. May pagkakataong nagtatrabaho raw siya hanggang gabi, at nagre-review ng madaling araw para sa mid-term exams kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nairaos ni Wenna ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo habang nagtatrabaho. Pero hindi siya tumigil sa paghahanap ng scholarship.

Bago mag-third year sa kolehiyo, nag-apply siya ng scholarship sa Department of Science and Technology (DOST) at sa Gokongwei Brothers Foundation (GBF).

Sa isip daw ni Wenna: “’Baka naman sa next ko na apply ay papasa na ako.’ So, nag-apply po ako. Dalawa yun, um, DOST po saka Gokongwei.”

Hindi natanggap si Wenna sa DOST, pero binigyan siya ng scholarship ng GBF.

THE SCHOLARSHIP FROM GOKONGWEI BROTHERS FOUNDATION

Nagkuwento si Lucky Dela Rosa, integrated marketing and communications officer ng GBF, tungkol sa pagkakapili kay Wenna.

“Bilang isang NGO na focused sa education, nakita namin ang pangangailangan na masuportahan ang mga guro. Ang GBF TeachSTEM Scholarships ang isa sa mga programa na ginawa namin para matulungan sila.”

Priority ng GBF TeachSTEM Scholarships ang mga pre-service at in-service teachers taking Education courses focused on STEM o Science, Technology, Engineering, Mathematics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi yung GBF Scholarship Program, ang return service niya, ay hindi sa GBF kundi sa mga communities nila. After nilang mag-aral, magtuturo sila sa mismong community nila.”

Priority rin ng foundation ang mga estudyanteng talagang nangangailangan ng scholarship.

Bagama’t libre ang edukasyon sa mga state colleges, may mga katulad ni Wenna na nangangailangan ng financial support para sa iba pang bagay, tulad ng dormitory rental at ibang miscellaneous fees.

Bukod pa rito, nagbibigay rin ang GBF ng scholar development programs katulad ng access sa leadership development, upskilling, at subject content mastery, para sa personal at professional growth nila.

Ang financial assistance na natanggap ni Wenna mula sa GBF ay sapat para sa boarding house, school supplies, personal hygiene, at dagdag na pagkain.

“Nung third year po, nandiyan po talaga ang word na diet. Yung papasok po ako 7:00 A.M. po yung class namin. Hindi po talaga ako kumakain. Sinasabay ko na siya sa lunch.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa niyang guro, pina-apply siya noon para maging student assistant sa school. Karagdagang tulong ito para kay Wenna.

Wenna Joy Culibre 4
Wenna supported herself during her first two years at Caraga State University by working as a house helper. In her third year, she was awarded a scholarship by the Gokongwei Brothers Foundation. In the photo: Wenna (second from right) during graduation, together with her mother (center) and members of the academe.
Photo/s: Wenna Joy Culibra via Gokongwei Brothers Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANOTHER RESET BECAUSE OF TRAGEDY

Isang trahedya naman ang tumama kay Wenna pagdating ng fourth year.

Nasunog ang kanyang boarding house.

“Mga around 2:00 A.M. yata yun sumiklab yung sunog.”

Gumagawa raw noon ng school work si Wenna at nakatulog.

Nagising daw sila at nalamang nasusunog ang katabing boarding house.

Nang tumatawid na ang sunog sa kanilang kuwarto, dali-daling kumilos si Wenna at iba pang boarders.

“'Yung naisalba ko lang po is, yung bag ko. Then binibit ko po yung printer ko, nilagay ko po siya sa bag, and then laptop.

“And then mga important documents, yung mga birth certificate ko, kasi kinuha ko po yong mga important documents ko.

Ang ibang gamit ni Wenna tulad ng uniforms at sapatos para sa internship niya ay kasamang natupok ng apoy.

Dahil dito, kailangan niyang maghanap ng panibagong boarding house dahil tuluy-tuloy naman ang kanyang schooling.

May mga biyayang dumating kay Wenna. Sumaklolo ang ilang high school teachers niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatira siya sa bahay ng isang dating guro. Yung iba pa, nag-abot ng pera para sa pagkain at allowance.

“Doon ko na-realize na, grabe… ang dami palang sumusuporta sa akin kasi yung mga teachers ko sa high school, sila po yung unang tumulong sa akin.”

Lumapit din siya sa GBF upang humingi ng donasyon. At hindi naman nabigo si Wenna, na ipinambili niya ng mga gamit niya para sa internship.

Ani Dela Rosa, may mga sitwasyon kunsaan maaaring mag-extend ng tulong ang programa sa mga scholars nito.

FINISHING WITH LATIN HONORs

Natapos ni Wenna ang kolehiyo with Latin honors.

Aniya, “bonus” na lang ito dahil hindi niya inasahan, lalo pa’t hindi niya napagbutihan noong first at second year dahil pinagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral.

Ang sumunod na challenge kay Wenna ay ang pagti-take ng licensure exam.

Pero kailangan muna niyang tustusan ang pag-aaral sa review center. Kailangan niyang maghanap ng raket para makapag-ipon sa kanyang mga gastusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw kasing pagsabayin ni Wenna ang pagtatrabaho at pagre-review.

Sinuwerte siyang makapasok bilang enumerator sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang bayan.

Nae-enjoy niya ang trabahong ito dahil nagagawa niyang makipag-usap at makihalubilo sa iba’t ibang tao.

Ang trabahong ito ay matatapos hanggang October. Sapat para makapag-ipon si Wenna upang makapasok sa review center at maibuhos ang kanyang buong atensiyon.

Wenna Joy Culibra 6
Despite all the hardships, Wenna was able to graduate cum laude with a degree in Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics.
Photo/s: Wenna Joy Culibra via Gokongwei Brothers Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVICE FOR STUDENTS

Sabi ni Wenna, nagkaroon na ng malaking improvement sa kanyang ama. Hindi na tulad ng dati na gabi-gabing umiinom.

Naintindihan niya rin kung bakit hindi siya sinuportahan ng mga magulang sa kanyang kagustuhang makapagtapos.

Sabi ni Wenna, “Naiisip nila, ‘Kaya niya. Kaya naman niya. A, strong iyan. She's independent naman…’”

Binati naman daw siya ng kanyang mga magulang para sa kanyang achievements tulad ng pagtatapos bilang cum laude.

Pero dahil hindi raw nila nakalakihan ang pagiging expressive, kaya walang emosyonal na pag-uusap.

“I know na they're proud of me sa mga na-achieve ko,” sabi ni Wenna.

Binanggit din ni Wenna na napatunayan niya sa kanyang mga magulang, lalo sa kanyang ama, na kaya niyang maka-graduate.

Noon daw ay laging nagpapahayag ng pagdududa ang kanyang ama kung matutupad ba ni Wenna ang pangarap na maging guro.

Doon daw mas maging desidido ang dalaga na maging guro balang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos abot-kamay na ni Wenna ang kanyang pangarap.

Ito ngayon ang pinaghahandaan at pinag-iipunan: Ang pag-take ng licensure exam for teachers sa Marso 2026.

REALIZATIONS

Sa mga pinagdaanan ni Wenna, ano ang major realization niya?

“Na-prove ko ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap yung walang pangarap."

Kaya kahit pa mamasukan bilang kasambahay ay ginawa raw niya para maitawid ang kolehiyo.

“Kasi if there's a will, there's a way.

“Ako kasi mina-mindset ko na magtatapos talaga ako ng pag-aaral. Gagawa ako ng paraan.

“Hanggang ngayon, hindi pa nag-sink in na graduate na ako.

“Graduate na ako, pero parang nando’n pa rin ang hirap. Pero, at least, nakapagtapos na ako.”

Kahit daw mga kapitbahay niya, tinatanong si Wenna kung paano niya nagawang makapagtapos.

“Sinasabi ko na laging i-mindset na mahirap yung buhay. So, kung mahirap yung buhay at hindi ka nagsusumikap, so, mahirap pa rin ang buhay.

“So kailangan mo talaga gumawa ng paraan para ma-improve yung life mo. Huwag kang makuntento sa kung ano ka ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang kung ngayon mahirap ka, kuntento ka na lang ba na mahirap ka? Wala kang gagawin?

“I-put mo sa mind mo na kaya mo mag-improve. Kaya mo maging maganda yung buhay mo.”

Malaking bagay raw ang tamang mindset.

“Kung ganyan yung mindset mo, nakaka-attract ka ng positivity.”

Hindi rin nakalimutang banggitin ni Wenna ang mga gurong tumulong sa kanya.

Ang ilan daw sa kanila ay galing din sa hirap, pero dumiskarte sa buhay hanggang sa maging guro.

Sila ang tinitingala ni Wenna at nagsisilbing inspirasyon niya.

“So, sabi ko nga, ‘Kaya pala. Kahit sobrang hirap basta gagawa ka ng paraan, hanap ka ng paraan, you have the willpower na ma-achieve yung dreams na iyan.' Talagang maa-achieve mo as long as hindi ka maging tamad."

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang mga guro sa pagtulong sa kanya—mula sa pagpapalakas ng loob niya through messages, hanggang sa pagbibigay sa kanya ng raket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-e-extend din po sila ng allowance. And then meron po silang school projects ng mga anak nila, ako po yung gagawa para meron po akong allowance.

“Kaya sabi ko sarili ko, 'Someday, pag nagtuturo na ako, gusto ko po rin ng ganun. Gusto kong ma-inspire yung mga students.' I want them to have this dream, to dream big and do not settle.”

Sa mga tulad ni Wenna na galing sa mahirap, pero nangangarap na may marating, mayroon siyang mensahe.

“Hindi lang naman kasi hard work. Meron hard work, meron opportunities. Pero if wala ka talagang bilib sa sarili mo. Susugal ka.”

Nang mag-apply nga raw siya ng scholarship sa GBF, positibo si Wenna na makakapasa siya.

“Hindi ko inisip na hindi ako papasa. Inisip ko talaga na papasa ako.

“Kailangan mong sumugal kasi life is full of challenges and then full of opportunities.”

Dagdag niya pa, “Hindi ka aasa lang sa sarili mo, aasa ka rin kay God. Kasi kung meron kang hard work, meron kang tamang mindset pero kung wala si Lord, grabe, parang ang bigat ng lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami raw pagkakataon na may biglaang tulong na dumating kay Wenna matapos niyang magdasal.

“’Yung mga time na walang-wala akong makain, ma-sha-shock na lang ako may magbibigay sa GCash o may mga opportunities.

"May tutulong at tutulong talaga sa iyo.

“Sabi ko, ‘Grabe talaga si Lord. Nakikita talaga ni Lord lahat ng ginagawa ko.'

“And then huwag kang mawalan ng pag-asa. Kasi ang buhay natin, hindi na naman talaga puro masaya. Meron talagang masakit na part. May mga challenges talaga. May mga problema.

“Pero kapag susuko tayo't hindi tayo gagawa ng paraan, wala. Wala talagang magagawa. Walang changes na magaganap. Kaya you need to make a difference.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wenna Joy Culibra grew up in poverty but never let go of her dream to finish school and become a teacher. Now a step closer, she graduated cum laude from Caraga State University in June 2025 and is preparing for the licensure exam next year.
PHOTO/S: Wenna Joy Culibra via Gokongwei Brothers Foundation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results