Ano ang mararamdaman mo kapag nakita mo sa isang lumang commercial ang mahal mo sa buhay na pumanaw na?
Ito ang karanasan ni Vincent Briedis mula San Diego, California, USA.
Sa ‘90s TV commercial na in-upload kamakailan, nakita ni Vincent ang isang babaeng kamukha ng kanyang inang pumanaw.
Read: The history of pandesal in the Philippines
man sees mom in VIRAL COMMERCIAL
In-upload ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang commercial ng Phone Relief noon lamang August 17, 2025.
Ang Phone Relief ay isang hands-free telephone headset device na inilabas noong 1993.
Headset ito na idinidikit sa handset ng telephone para maisuot sa ulo at di na kailangang hawakan pa.
Ang post ng TV commercial ay mayroon na ngayong 20 million views.
Nagkomento si Vincent sa thread. Sa tingin daw kasi niya, nanay niya ang babaeng naka-dark blazer sa commercial.
Itinampok ang mga female office workers na gumamit ng headset device habang may kausap sa telephone sa isang office set-up.
Post ni Vincent sa X, “My brother and dad and I are in a text thread asking … is it her?!!”
Ipinaliwanag ni Vincent na nag-e-ekstra noon ang ina niyang si Bonnie sa mga TV commercials, TV series, at pelikula.
“My mom used to do extra work in TV shows and movies that came to the San Diego area.”
Pagpapatuloy ni Vincent: “I saw this lady in my feed in the dark jacket and my heart hoped it is her.
"Only evidence I have for it to be her was I remember a ride to and from school when I was a kid where her ‘wardrobe’ for a commercial was hanging on the back hook which included my dad’s navy blazer.
“I wish she was looking up. Anyone know where this was filmed? If it is my mom, leave it to her to become part of a viral moment more than 25 years after her passing due to cancer.”

Sa pagpapatuloy ng thread sa X, nadiskubre ni Vincent na ang commercial ay ginawa sa San Diego, kung saan sila nakatira. Lalo raw lumakas ang hinala nilang nanay niya ang nasa commercial.
Nakapanayam si Vincent ng ABC News tungkol sa commercial nito lamang September 2025. Dito kinumpirma ni Vincent na ang nanay niyang si Bonnie ang nasa commercial.
“She passed away 1999, so I feel 26 years later, I feel like I’m getting a little bit of a God wink.”
Binanggit dito ni Vincent ang pamilyar na dark blazer na suot ng babae sa commercial.
“My dad had a navy blazer and I remember that as wardrobe in her in the backseat.”
Ibinahagi rito ni Vincent na habang lumalaki sa San Diego, ume-ekstra-ekstra ang kanyang nanay.
Bukod sa TV commercial, alam din ni Vincent ang iba pang proyekto kunsaan lumabas ang ina niya.
Kasama na rito ang TV series na Hart to Hart (1979-1984).
Sa isang episode makikita si Bonnie na naka-cocktail dress at may kausap habang lumabas sa elevator ang American actress na si Stephanie Powers.

Naging ekstra rin ang nanay ni Vincent sa 1990's movie na My Blue Heaven.
Dumaan si Bonnie sa harap nina Joan Cusack at Rick Moranis.
Si Bonnie ay pumanaw noong 1999 matapos ang 10 years na pakikipaglaban sa breast cancer.
Sabi ni Vincent, magkakaroon siya ng magandang alaala tuwing makikita niya ang commercial sa kanyang social media feed.
“For sure every time I see it, I’m like, ‘There’s my mom just going to smile.’”
Read: What eye experts want you to know about LASIK eye surgery
