Taong 2003 noong nagsimulang magtrabaho si Amol Kohli bilang waiter sa Friendly’s, isang restaurant sa Philadelphia.
Fifteen years old pa lang siya noon at nasa second year high school, pero, aligaga na siya para kumita ng pera.
Aniya sa panayam ng news website na CNBC last September 30, 2025, kumikita siya ng US$5 (PHP 290.52) kada oras.
Bukod sa pagiging waiter, may mga pagkakataong siya rin ang cook, dishwasher, tagalinis ng mesa, taga-scoop ng ice cream, at kung anu-ano pa.
Read: Meet Pavel Durov, the man behind Telegram and Dubai’s richest man
AMOL KOHLI NOW OWNS THE ENTIRE FRIENDLY’S CHAIN
Makalipas ang 20 years, may naidagdag si Amol na bagong Friendly’s job title sa kanyang resume.
Siya na ang owner nito.

Last July 22, 2025, na-acquire ng kanyang investment group na Legacy Brands ang buong chain ng entire Friendly’s—na karamihan ay nasa states sa U.S. eastern coast.
Bukod dito, na-acquire na rin niya ang parent company ng Friendly’s, ang Brix Holdings, gayundin ang anim pang restaurant brands.
Hindi na binanggit ni Amol kung magkano ang ibinayad niya sa acquisition.
Read: Cherie Mercado receives Media Excellence Award in Canada
HOW AMOL KOHLI STARTED HIS CLIMB TO SUCCESS
Ang deal ay simbolo ng tagumpay para kay Amol.
Thirty-seven years old na siya ngayon.
Ang malaking bahagi ng kanyang buhay ay inilaan niya sa pagtatrabaho sa Friendly’s bilang waiter cum jack of all trades.
Kahit noong nag-aaral pa siya sa Drexel University, nagtatrabaho siya sa restaurant kapag summer, limang araw kada linggo.
Aniya, habang nagtatrabaho ay pinag-aaralan na rin niya kung paano ang operasyon ng restaurant.
Nakatapos siya sa college with honors nang may double major sa finance and marketing noong 2011.
Pero mas pinili niyang maging regional manager ng Friendly’s sa halip na i-pursue ang career sa finance.
Makalipas ang ilang taon, nag-apply siya para ma-takeover ang mga nagsaradong franchises ng Friendly’s.

Nangailangan si Amol ng US$250,000 para sa licensing, contracting, and equipment para maipagpatuloy ang operasyon ng isang puwesto.
Ginamit niya ang kanyang savings.
Nakakuha rin siya ng funds mula sa mga kaibigan at business partners.
Pagbabahagi ni Amol: “I started supporting a couple franchisees and just started learning what happens after the money makes its way into the register.
“Learning about insurance, payroll, food costs and all these other things. I did that all through college.
“That’s how my franchising career started. And from there, it just never stopped.”
Read: Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner
AMOL KOHLI IS THE “IDEAL CANDIDATE” TO OWN THE COMPANY
Hindi nagtagal, nagkaroon si Amol ng 31 franchises ng Friendly’s sa iba’t ibang lokasyon.
Kalaunan, binili na niya ang brand.
Ang journey ni Amol para maging kanya ang restaurant chain na dati niyang employer ay nagsimula nang bumaba ang sales ng Friendly’s noong pandemic.
Nag-file ang kumpanya para sa Chapter 11 bankruptcy protection noong November 2020.
Inihayag din ng management na plano ng Dallas-based franchising company na Brix Holdings na mabili ang Friendly’s sa halagang US$2 million.
Na-finalize ang deal noong 2021.
Last May 2025, itinatag ni Amol ang sariling investment group, ang Legacy Brands International.
Ang tanging layunin ng LBI, ma-acquire naman ang Brix Holdings.
Pinondohan ni Amol ang sariling investment group sa pamamagitan ng “mix of both capital [equity] and debt financing,” ayon sa kanyang spokesperson.
Ani Amol, maraming factors para mabuo niya ang Legacy Brands International.
“The result of a combination of a lot of stars aligning, the right people supporting, faith, and a lot of goodwill that all got cashed in at one time.”
Ayon naman sa Brix founder na si John Antioco, dahil sa mahabang track record ni Amol sa Friendly’s, siya ang “ideal candidate” na magmay-ari nito.
Read: Writer becomes famous after NFL star caught reading his book
AMOL KOHLI’S SUCCESS IS RARE BUT NOT TOTALLY UNIQUE
Sa ngayon, si Amol ay “franchisor who owns, but doesn’t operate.”
Mayroon siyang 60-plus Friendly’s restaurant locations sa U.S., ayon sa company spokesperson.
Dahil naman sa pagkaka-acquire niya sa Brix Holdings, pagmamay-ari na rin niya ang mga brands na Clean Juice, Orange Leaf, Red Mango, Smoothie Factory + Kitchen, Souper Salad, and Humble Donut Co.
Ang kanyang portfolio ay may mahigit 250 restaurant locations.
Para kay Amol, ang pag-angat niya mula sa pagiging waiter ng Friendly’s hanggang sa pagiging chairman ng Brix Holdings board of directors ay “unbelievable.”
Aminado naman siyang napakaraming challenges ang kanyang pinagdaanan—at patuloy na pinagdaraanan—para ma-revive ang brand na hindi kumikita sa ibang locations.
Aniya, sa ngayon ay mayroon na lang 100 outlets ang Friendly’s, kumpara noong mid-1990’s na mayroon itong mahigit 800 outlets.
Kabilang sa mga hamon na kinakaharap niya ang pagbaba ng kita dahil sa inflation and shaky economic environment.
Kokonti na kasi ngayon ang kumakain sa sit-down restaurant gaya ng Friendly’s.
Kabilang sa plano niya para mapasigla ang benta ay gawing modern ang brands na kanyang pinamamahalaan.
Gumagamit na rin siya ng technology gaya ng inilunsad na Friendly’s mobile app last August.
Gusto rin niyang maka-attract ng bagong franchisees gamit ang kanyang success story bilang selling point.
Higit sa lahat, gusto niyang makita ng mga tao ang papel ng restaurant and food service bilang oportunidad para makapag-establish ng long-term career at makapagsimulang magpayaman.
Nais niyang makita lalo na ng mga newly graduates na ang trabaho sa restaurants ay hindi lang dead-end jobs o side hustle na iiwan na lang at sukat pagkatapos ng kolehiyo.
Ang success ni Amol ay pambihira pero hindi nag-iisa.
Ang former International House of Pancakes CEO na si Julia Stewart ay naging waitress sa IHOP noong siya ay 16 years old.
Si Julia ang namahala sa brand mula 2002 to 2017.
May dagdag pa si Amol tungkol sa posibilidad ng tagumpay sa pagtatratabaho sa restaurants: “Some of the people that are on my executive team now were dishwashers and cooks.”
Pagbibigay-diin ni Amol, ang restaurant business ay isa lang sa iilang industriya sa buong mundo na puwedeng literal kang magsimula sa pinakamababang posisyon—gaya ng waiter o tagahugas ng plato—at magsikap para maging executive o CEO.
Read: Story of Jonel Alingco: the farmer who survived the supertyphoon
