PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jan Tristan Ramos: from student and part-time janitor to lawyer

He used to hide from his classmates and professors while doing janitorial work.
by Bernie V. Franco
Published Oct 9, 2025
Jan Tristan Ramos
“Ayokong makita ng mga kaklase ko na ganoon ang pananamit ko, ganoon yung trabaho ko. Na nakikita nila ako na nagma-mop ng sahig, nagpupunas ng lamesa." —Attorney Jan Tristan Ramos on his part-time job as a janitor back in his college days.
PHOTO/S: Jan Tristan Ramos on Facebook

Sa murang edad, napilitan si Jan Tristan Ramos, 41, na magtrabaho.

Hindi ito bukal sa kanya, pero iyon ang tanging paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at maka-graduate.

Labag man sa loob niya, tinanggap niya ang janitorial job sa eskuwelahan kung saan siya nag-aaral.

Fast forward, natapos ni Tristan ang kanyang undergraduate studies na B.S. Microbiology sa University of Santo Tomas (UST).

Pagkatapos ay nag-aral siya ng abogasya.

Siya na ngayon si Attorney Jan Tristan Ramos matapos pumasa sa 2024 bar exams.

Sa pagsusuma na rin ni Tristan, hindi naging madali ang daan sa tagumpay. Sinabi rin niyang worth it ang lahat.

Read: Life story of Wenna Joy Culibra: From kasambahay to cum laude

JAN TRISTAN RAMOS' HARDSHIPS IN LIFE

Noong 14 anyos pa lamang si Tristan, pumanaw ang kanyang ama dahil sa aksidente.

Si Tristan ang panganay sa tatlong magkakapatid.

Napilitang maging domestic helper ang nanay niya sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko pa rin accepted yung fact na iyon. Kinakahiya ko yung trabaho ng nanay ko at that time, na kailangan niyang maging isang katulong para maka-survive kami as a family,” lahad ni Tristan sa Kada Umaga ng Net 25 noong December 2024.

Sumasahod daw ang nanay niya noon ng PHP21,000 kada buwan.

Para makatulong sa kanyang pag-aaral sa high school, inalok si Tristan ng academic scholarship ng kanilang school administrator.

Bilang pasasalamat niya, tumutulong si Tristan sa pagkamada ng mga libro tuwing summer para ibenta pagdating ng enrollment.

JANITOR IN COLLEGE

Ang pagkakaroon ng scholarship ang nakitang paraan ni Tristan para maipagpatuloy ang pagkokolehiyo.

Subalit ang nahanap niyang scholarship ay makakasagot lamang ng kalahati ng tuition, wala pa rito ang ibang gastusin, tulad ng mga libro, allowance, at miscellaneous.

Naghanap siya ng iba pang option. Doon niya natisod ang working scholarship sa UST.

“It was by chance talaga na nakalusot ako doon," kuwento ni Tristan, "because hindi sila tumatanggap ng students from the College of Science doon sa working scholarship because of the hectic schedule.” Si Tristan noon ay kumukuha ng Microbiology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakumpleto ni Tristan ang requirements, at doon pa lamang napagtanto ng tagapamahala na nasa College of Science pala si Tristan.

Ipinaalam kay Tristan na hindi sila tumatanggap ng taga-College of Science, pero tatanggapin daw siya kapag may nahanap siyang kukuha ng kanyang services sa faculty.

Siya namang pagtanggap kay Tristan bilang laboratory assistant ng isang boss sa faculty ng Pharmacy.

Sabi niya tungkol sa trabaho, “E, janitorial jobs talaga. We clean yung mga laboratories, we prepare yung chemicals every sem-break, pati water reservoir nililinis namin, inii-scrub namin.”

Simula raw first-year college hanggang sa huling taon niya ay sinikap magtago ni Tristan mula sa mga kaklase at mga professor kapag naglilinis siya ng mga laboratories.

“Sa totoo lang, sobrang ikinakahiya ko yung trabaho ko dati, kasi hindi ko ma-accept yung fact na kailangan ko siyang gawin para makatapos ako sa pag-aaral,” pag-amin niya.

“Whenever na naglilinis ako ng laboratory, ang suot ko mga butas-butas pa na mga T-shirt, na every day, nilalabhan namin kasi yun lang yung inisyu sa amin na damit. Sasampay ko, yun uli isusuot ko kinabukasan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ayokong makita ng mga kaklase ko na ganoon ang pananamit ko, ganoon yung trabaho ko.

"Na nakikita nila ako na nagma-mop ng sahig, nagpupunas ng lamesa.

"At that time, yun ang na-feel ko.”

Maraming beses daw sumagip sa isip niyang sumuko na lamang.

“Maraming times na akong umiyak. Sabi ko, hindi naman ako masamang tao, pero bakit kailangang pagdaanan ko yung mga ganoong sitwasyon?”

Dagdag niya, “Ang nagpalakas ng loob sa akin, siyempre, yung nanay ko. Mag-isang itinaguyod yung pamilya namin.

“Despite the fact na nakatapos siya ng college, e, pinili niyang maging isang katulong para maitaguyod ang pamilya. Kasi yun ang alam niyang paraan para ma-sustain niya yung family namin.”

Nagbago lang daw ang pananaw ni Tristan tungkol sa kinuhang trabaho isang araw bago ng kanyang graduation.

“One day before ng graduation namin, natanggap agad ako sa trabaho sa isang multinational company. Doon ako naging proud sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi ko na lahat pala ng pinaghirapan ko ay worth it.

“Dapat pala hindi ko siya ikinahiya from the very, very start.”

Naisip din daw ni Tristan na nagtrabaho naman siya sa malinis na paraan.

“Ang nararamdaman ko right now is pride sa ginawa kong trabaho,” ani Tristan sa pagiging janitor noon.

Read: Can shirataki rice really help you lose weight?

HOW HE BECAME A LAWYER

Ni sa hinagap ay hindi raw pinangarap ni Tristan na maging abogado.

Nag-e-excel daw siya noon sa sciences at arts.

Pero nagbago raw ang ihip ng hangin nang lumipat siya ng trabaho.

Aniya: “...so hindi na ako nagtatrabaho as microbiologist, lumipat ako sa insurance company.

“Na-educate ako about the importance of estate planning. And then sa estate planning, sabi ko, kakausap ako ng mga abogado dito. So, sabi ko, why not become a lawyer myself?”

Pagdating sa law school, napagtanto raw ni Tristan na gusto pala niya ang pagiging isang abogado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aral siya sa Arellano University School of Law.

At mismong araw ng bar exam, muntik na raw siyang mag-back out.

Sabi niya, “Yung review, akala ko matibay na yung dibdib ko kasi nasa sales na ako, e. Sanay na ako sa rejections and all.

“Kaya lang, sabi ko, different animal pala talaga yung bar-exam review.

“Dumadating yung time na habang nagre-review ako, tumutulo na lang yung luha ko kasi ang coverage ng bar exam syllabus, hindi ko pa natatapos.

“Naaalala ko after day one ko ng bar [exam], I was devastated. Ayoko nang mag-day two. In fact, di ako nag-aral ng day two,” lahad ni Tristan sa Gud Morning, Kapatid interview noong September 2025.

“Pero nag-appear pa rin ako, nag-show up ako ng day two at day three.”

Ito rin ang payong nais ibigay ni Tristan sa mga magti-take ng bar exam.

“Right now, probably iniisip niyo, hindi niyo makukuha iyan, pero wala na sa kamay niyo iyan. Ibigay niyo na lang sa Diyos lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At pag proper na yung timing, ibibigay niya yung title na attorney sa inyo.

“Pero pag nakuha niyo na yung title na attorney, wag niyong ilalagay sa ulo ninyo. Nandito tayo sa panahon na maaari tayong malunod sa fame, sa pera.

“Tandaan natin yung sinumpaan natin na duty na maging tagapagtanggol ng truth, justice, freedom, equality, and peace.”

Sa ngayon ay nagtatrabaho sa non-litigation cases si Tristan.

“Meron kasing mga abogado na sila yung nasa trials, sila yung nasa hearing. So minsan, ginagawa ko iyon, pasundot-sundot…," aniya.

“Pero yung focus ko is corporation taxation law. So, tinutulungan kong mag-set up ng company yung mga corporations. At the same time, yung special proceedings like estate settlement.”

ADVICE TO FUTURE LAWYERS

Sa mga taong may mahirap na pinagdaraanan, may payo si Tristan.

“Kung meron mang mga taong ganoon ang pinagdadaanan, advice ko sa inyo, wag niyong ikakahiya ang ginagawa niyo. You should be proud of yourselves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Valid yung nararamdaman niyo. Pero, at the end of the day, wala kayong ginagawang masama. Tumutulong kayo sa pamilya niyo.

“And magtiwala lang tayo sa plano ng Panginoon kasi wala siyang binigay sa atin na hindi natin kakayanin. At lahat iyan, nasa plano niya talaga. Mangyayari yung biggest plan Niya for you.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ayokong makita ng mga kaklase ko na ganoon ang pananamit ko, ganoon yung trabaho ko. Na nakikita nila ako na nagma-mop ng sahig, nagpupunas ng lamesa." —Attorney Jan Tristan Ramos on his part-time job as a janitor back in his college days.
PHOTO/S: Jan Tristan Ramos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results