PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Young Pinoy inventor of helmet-cleaning machines now a millionaire

He is in his early 20s.
by Bernie V. Franco
Published Oct 16, 2025
Harold Denn Burgos
Harold Denn Burgos has been passionate about robotics since his student days. After the pandemic, he developed a prototype helmet-cleaning vending machine, which he launched in 2024. Today, Harold has sold thousands of units and is now a certified millionaire.
PHOTO/S: Go Clean Helmet Cleaning Vendo and Harold Denn Ramos on FB

Senior high school ang natapos ni Harold Denn Burgos, pero isa na siyang successful entrepreneur ngayon.

Nagsimula ang tagumpay niya nung nakagawa siya ng prototype helmet-cleaning vendo machine sa puhunang PHP25,000.

Ang kanyang imbensiyon ay nagdi-disinfect ng mga helmets ng motorcycle riders.

Very relevant ito dahil sa pagtaas ng bilang ng mga commuters na motor ang pangunahing mode of transportation.

At ang common problem nila ay ang nangangamoy na helmet dahil sa madalas na paggamit.

Alam din ni Harold ang problemang ito dahil siya man ay sumasakay sa moto-taxi.

Taon 2024 noong natapos niya ang prototype helmet-cleaning vendo machine.

One year later, siya na ang kasalukuyang supplier ng libu-libong vendo machines na tinawag niyang Go Clean Helmet Cleaning Vendo.

Milyonaryo na siya ngayon.

Pero paano nabuo ng estudyante ang ganitong business idea?

“Noong una pa lang, sabi ko, ‘What if may mabuo na one-stop shop kung saan ang mga riders natin ay makapagpalinis ng mga helmet?'” ani Harold sa interview ng DTI Asenso Pilipino sa YouTube noong September 19, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Architect explains why jalousie windows are more practical

YOUNG INVENTOR'S HELMET-CLEANING VENDO

Noong siya ay nasa high school, nag-excel siya sa science at robotics.

Sa katunayan, nakakakuha pa siya ng mga awards sa school science competitions.

“I have been also active in robotics during my junior high scholastic years. And I guess from that point, napaisip ako na what if i-incorporate ko yung idea na iyon into business?”

Sinimulan daw niyang gumawa ng prototype sa bakuran ng kanyang ate noong 2023.

Ang PHP25,000 puhunan ay mula sa kanyang kita sa pagiging content creator.

“I used to produce content online, which is monetized… documentaries…” sabi niya.

Iginuhit muna ni Harold ang itsura ng vendo machine—isang rectangular box na tinatayang six feet ang taas.

Naglagay siya ng puwesto para sa ilaw, mga cable, ang mismong cleaning machine na gagamit ng steaming process sa paglilinis ng helmet.

Nag-hire siya ng technician upang tulungan siya sa pag-assemble nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The unit that I released was also the unit na prototype pa lang,” kuwento niya.

HOW THE HELMET-CLEANING VENDO WORKS

Ang machine ay gumagamit ng steaming process, kunsaan dini-disinfect ang helmet sa pamamagitan ng hot air.

Meron din itong fogging system na gumagamit ng solution na antibacterial at ingredients na pampabango. Ang solution na ito ay imbensiyon ng kaibigan niyang microbiologist.

Maghuhulog lang ng PHP25 sa vendo machine, ipapasok dito ang helmet, na sasailalim sa fogging at steaming process para ma-disinfect at mawala ang di kanais-nais na amoy.

Harold Denn Burgos, Karen Davila
Harold Denn Burgos showing his helmet-cleaning vendo machine. Beside him is anchor Karen Davila, who interviewed Harold for DTI Asenso Pilipino's YouTube channel.
Photo/s: Harold Denn Burgos on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang sabi ni Harold, goal niya ang maging supplier ng vendo machines.

Ibinebenta niya ang mga ito sa halagang PHP45,000 – PHP55,000 kada unit. Libu-libong machines na ang kanyang nabebenta.

At hindi lang siya ang nakikinabang.

Ani Harold, ang kinikita ng ilang owners ng vendo machine ay mula PHP3,000-PHP8,000 kada araw.

Read: Here are 3 materials that make houses more earthquake-resistant

CHALLENGES FOR HAROLD

Pero hindi naging madali ang journey ni Harold.

Lumaki siya na ang kanyang ina ang tumayong ama at ina sa pamilya.

Naranasan ni Harold ang maging out-of-school youth noon at maging breadwinner ng pamilya.

Nang tumama ang pandemic, nakaraos siya dahil sa pagiging content creator.

Pinatigil sa pagtatrabaho ang mga kapatid dahil sa banta ng COVID-19, at pinagkasya niya sa pamilya kung ano ang kinikita niya.

Pumanaw ang kanyang ina noong pandemic.

Nawalan ng motivation si Harold at tumigil sa pagtatrabaho. Pakiramdam daw niya ay nag-back to zero siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero naisip niyang kailangang kumayod at kumita para may makain.

Naalala rin niya ang payo ng ina noong nabubuhay pa ito.

“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Magsikap ka. Mahirap maging mahirap.’ Yun po ang labanan sa mundo. Kailangan kumita.”

Para kay Harold, hindi sapat ang pagkakaroon ng passion para mabuhay.

Nang sinimulan niyang i-launch ang kanyang vendo machine, nakiusap siya sa isang sikat na vlogger na nagtayo noon ng isang kainan na dinarayo dahil nag-viral.

Perfect daw ang lugar dahil maraming customers doon ay naka-motor.

Subalit ni-reject daw ng vlogger ang kanyang hiling.

Mas naging determinado si Harold para ipakilala ang kanyang produkto.

Bumalik siya sa vlogging bilang marketing strategy para ipakilala ang kanyang helmet-cleaning vendo machine.

Nag-viral ang video ni Harold. Wala pang isang araw ay milyon na ang views nito. And the rest, as they say, is history.

HAROLD AND HIS INVESTMENTS, FUTURE PLANS

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Harold sa pamamagitan ng direct messaging nitong Martes, October 14, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, siya ay 25 anyos na at bumalik na sa pag-aaral.

Kasalukuyan siyang second year college student sa kursong Political Science sa San Beda University.

Nagbahagi rin si Harold tungkol sa kanyang investments, na karamihan ay real-estate properties.

“I own The Hardenn Farm & Resort in Pampanga, making profit from agriculture and accommodation at the same time,” sabi niya sa PEP.

Bukod sa Pampanga, meron din daw siyang lupain sa General Santos City.

Tinanong ng PEP si Harold kung ano ang naging motivation niya para maging successful.

Sagot niya: “Aside from I don't wanna be broke always, I wanna make a difference from the mediocrity and definition of being a youth in status quo.

“Because a youth can also be a goal getter and not bar-goer.

"Youth can become financially stable with no rich parents, and a Filipino youth can make a breakthrough product that can catch international markets and clients.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman sa tingin niya ang mga katangian ng isang successful entrepreneur?

“In today's business environment, creativity and virality matter. So one quality of a successful businessman is a problem-solver in a creative way. Alam mo kung ano ang problema and you solve it with creativity. Then virality follows.

“And also passionate but practical in his chosen market. Dapat hindi ka lang passionate sa ginagawa mo. Make sure to make some profit out of it,” sagot niya.

helmet cleaning vendo machine
A helmet cleaning vendo machine stationed at a car-parts store.
Photo/s: Go Clean Helmet Cleaning Vendo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, nag-develop ng isa pang produkto si Harold, ang All-In-One Cleaning Vendo. Bukod sa helmet, puwede rin nitong linisin ang jacket, bag, sapatos ng rider.

Ang isang unit nito ay ibinebenta niya for PHP55,000.

At hindi lang sa Pilipinas nais maging supplier ni Harold. Gusto niya ring mag-export.

Aniya, “We are currently working on supplying Asia, Europe and North America.”

Pero kailangan pa nilang kumpletuhin ang mga requirements.

“It's still on the table since we are working on customs matters and exportation processes,” sabi niya.

Inaayos din nila ang pakikipagtulungan sa mga tamang sangay ng gobyerno para sa pag-e-export ng kanyang imbensiyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harold Denn Burgos has been passionate about robotics since his student days. After the pandemic, he developed a prototype helmet-cleaning vending machine, which he launched in 2024. Today, Harold has sold thousands of units and is now a certified millionaire.
PHOTO/S: Go Clean Helmet Cleaning Vendo and Harold Denn Ramos on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results