Sa pagsisimula ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng pagtanggap ng mga batang engineer para maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya, isa sa bagong na-hire si Dave Rusty Recososa.
Ibinahagi ito ng ahensiya sa official Facebook account nito last December 5, 2025.

Matatandaang kontrobersiyal ngayon ang DPWH dahil sa pagsambulat ng mga maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng mga mambabatas, mga empleyado ng gobyerno, at contractors.
Tubong Davao City, nagtapos si Dave ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa University of Mindanao ngayong taon.
Kabilang siya sa mga pumasa sa November 2025 Civil Engineers Licensure Examination.
Read: Jonalyn Dalanon: Top 1, Fisheries Professional Licensure Exam
THE SON OF THE JEEPNEY DRIVER WHO WENT VIRAL
Bago na-hire ng DPWH, nag-viral sa social media ang ama ni Dave na si Edwin.
Nagkaloob kasi ito ng libreng sakay sa mga pasahero nang malamang pasado na ang anak sa CELE.

Nakapaskil sa loob ng jeep nito ang karatulang may nakasulat na: “Libre lang po ang sakay ngayon bilang pasasalamat dahil pumasa po ang aking anak sa board exam bilang isang civil engineer.”

Isa ang netizen na si Judy Tereso sa nakalibre sa pasahe.
Kinunan niya ng video ang karatula at ibinahagi sa social media.
Ani Judy: “Iba yung saya and super proud ako kasi ipinakita talaga ni Tatay na sobrang saya niya na pumasa ang anak niya.
“Yung reaction din ni Tatay while bumaba na yung pasahero, pag sinasabihan siya ng ‘Congrats!’ and ‘Thank you!’ grabe ang wide ng ngiti niya and proud na proud.”
Kasama ni Dave ang ama nang makaharap si Dizon.
Maging ito ay pinuri ng kalihim dahil sa mga sakripisyo bilang jeepney driver para mapag-aral ang anak at masuportahan ang pamilya.
Read: Filipina architect Christine Espinosa wins award in Dubai
JEEPNEY DRIVER SON THANKFUL TO PARENTS
Last December 3, matapos malamang isa siya sa mga pumasa sa CELE, nag-post si Dave sa kanyang official Facebook account.

Ang bahagi ng kanyang post, published as is: “Hard work paid off. RCE, at last.
“Thank you sa lahat ng bumati! Di ko man kayo mareplyan isa-isa, but I deeply appreciate every single one of you.
“Special thanks to my Mama Divine and Papa Edwin, thank you for all the sacrifices and sa pagsalig sa akoa na makaya nako ang Board Exam.
“Kapila ko sige’g ingun sa inyo na basi dili ko makapasar kay naglisod jud ko review days palang.
“Kabalo ko na nisalig jud mo sa akoa kay dili ko ninyo gina-pressure sa akong pag review.
“Thank you kaayo Ma, Pa, kay pirme mo naa diha para nako, karon, Engineer na jud inyong eldest.”
Isa si Dave sa magpupuno sa tinatayang 2,000 job vacancies sa DPWH sa buong bansa.
Read: Life story of Amol Kohli: Waiter at 15, restaurateur at 37
DPWH, NETIZENS HAVE HIGH HOPES FOR Dave Rusty Recososa
Sa pagbisita ni DPWH Secretary Vince Dizon sa Davao City last December 4, personal silang nagkausap ng bagong engineer.
Hiniling ng kalihim kay Dave na maging bahagi ng mga pagbabago sa ahensiya.
Ani Dizon: “Maganda yung pagpasok mo kasi marami tayong gagawin next year.
“Kailangan natin ng fresh blood. Bago.
“Yung hindi kamukha nina Brice Hernandez, nina [Henry] Alcantara.”
Maa-assign si Dave sa DPWH Davao Regional Office.
Positibo naman ang reaction ng publiko sa inisyatiba ng ahensiya na mag-hire ng new blood.
Anang isang nagkomento: "Maganda iyan sa mga batang civil engineers, sa gobyerno kaagad work niyo.
“Tiis muna sa mababang suweldo, dadating din ang araw aangat kayo basta gawin lang nyo ang tama at maayos na trabaho.”
Paalala naman ng isa pa kay Dave: “Huwag kang gagaya sa mga korap diyan sa DPWH.
“Ingatan mo ang pangalan ng tatay mo. Congrats!”
Read: Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner
