PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Boy Buhat, Divisoria porter turned on-the-spot reporter

He is Christian Tee in real life.
by Bernie V. Franco
Published Dec 9, 2025
Christian Tee aka Boy Buhat
Christian Tee, a.k.a. Boy Buhat, recently became viral after he became an instant reporter for TV Patrol.
PHOTO/S: ABS-CBN News

Sa hindi inaasahang pangyayari, nabigyan ng spotlight ang isang porter o kargardor sa Divisoria.

Panandalian kasi siyang naging news reporter.

Ito ang kuwento ni Christian Tee, a.k.a. Boy Buhat, na nag-viral nang maitampok sa news report ng TV Patrol noong December 2, 2025.

Nagtungo sa Divisoria ang ABS-CBN News reporter na si Jessie Cruzat para mag-report ukol sa sitwasyon ng mga mamimili at mga bilihin ngayong Christmas season.

Bago sumalang sa live reporting si Jessie, lumapit sa kanila si Christian, at hiniling sa news team na kunan siya ng video habang hawak ang microphone na may logo ng ABS-CBN.

Sinabihan si Christian ng reporter na siya na ang mag-report.

Hindi naman sinayang ng kargador ang pagkakataon. Challenge accepted, ‘ika nga.

Ang video na ito ni Christian bilang on-the-spot reporter ay may three million views na sa Facebook page pa lamang ng ABS-CBN News.

Libu-libo na rin ang comments nito at higit 162,000 ang shares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Boy Buhat
Photo/s: ABS-CBN News
Christian Tee, a.k.a, Boy Buhat, from porter to reporter in an instant.
Photo/s: ABS-CBN News

HOW THE PORTER BECAME A REPORTER

Sa isang follow-up report, ikinuwento ni Jessie kung paano nangyaring si Christian ang nag-report noong noong December 2.

Sa ulat ni Jessie nitong December 6, napansin daw nilang laging nakasunod ang kargador bago ito lumapit sa kanila dakong ala-sais ng gabi noong araw na yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, tanghali pa lang umaaligid na siya sa news team,” lahad ni Jessie at ipinakita ang interview clips na kuha sa pedestrians at nahahagip sa camera ang kargador.

Kuwento naman ni Christian, palihim niyang sinusundan ang news team para makita kung paano nila gawin ang kanilang trabaho.

“Sabi ko, ‘What if mag-report din kaya ako?'”

Hindi naman nabigo si Christian at nagbunga ang paglapit niya kay Jessie at sa crew.

Boy Buhat and Jessie Cruzat
Christian with ABS-CBN News reporter Jessie Cruzat who gave him the break.
Photo/s: ABS-CBN News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man aspiring to become lion tamer dies after entering lion’s den

THE STORY OF CHRISTIAN

Tinalakay rin sa ulat ang kuwento ng buhay ni Christian.

Siya ay isinilang sa Naga City, Camarines Sur, at napadpad sa Tondo, Maynila, kung saan siya nag-aral hanggang Grade 8.

Para kumita ng pera, pagiging kargador ng mga paninda sa Divisoria ang naging side hustle niya.

Bukod sa pagtulong sa kanyang lolo at lola na kasama niya, sinusuportahan din ni Christian ang kanyang eight-month-old baby na nasa Nueva Ecija.

Katuparan ng pangarap ni Christian na makita ang sarili sa social media.

Proud din ang ina niyang si Rose Ann Buela, isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia, dahil sa sigasig na anak na magtrabaho.

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon, nais din ni Christian na makapag-aral sa kolehiyo, kahit na isabay sa pagtatrabaho, para matupad ang pangarap niyang maging reporter.

UPDATE ON CHRISTIAN

Lumalabas na dahil sa pangyayaring ito, dumagsa ang mga oportunidad kay Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biglang lumaki ang kanyang following sa Facebook.

At press time, mayroon na siyang 32,000 followers. Marami ring views and reactions sa sunud-sunod na videos niya.

Ipinagpatuloy ni Christian ang paggawa ng content tungkol sa kalagayan ng Divisoria ngayong Christmas season.

Caption ni Christian noong December 5 (published as is): “Ang sarap sa feeling maging isang reporter lalo na sa part ng pag interview ng mga tao

“Mas lalo akong na iiyak kapag nakikita ko ang mga picture nato kase hindi ako maka paniwala na naka pag interview na ako ng mga tao”

“Thank you lord maraming maraming salamat po sa inyong lahat wala ako dito at hindi ko magagawa to kong hindi dahil sa inyo

“Patuloy lang tayong mangarap lumaban ng patas mag sumikap at mag tiwala sa sarili dahil lahat ng kilos at galaw pag susumikap tanging sya lang nakakakita”

Christian Tee aka Boy Buhat
Christian has transitioned to content creation reporting about the daily events in Divisoria.
Photo/s: Christian Tee on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong December 6, nag-post siya tungkol sa paglapit sa kanya ng Department of Social Welfare and Development – NCR Sustainable Livelihood Program.

“Tutulongan po nila ako para maka pag simula ng negosyo,” sabi ni Christian sa caption (published as is).

Binanggit din niya sa ilang recent videos niya na may mga content creators, pati na rin isang lifestyle show ng ABS-CBN, na lumapit sa kanya para itampok siya.

Ang isang vlogger, binigyan pa ng iPhone 11 si Christian para mas malinaw na videos ang mai-post niya.

Binilhan din siya ng lapel mic ng reporter na si Jessie para magamit niya sa vlogging.

Boy Buhat iPhone
Christian showing the iPhone 11 that a content creator gave him.
Photo/s: Christian Tee on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang sawa naman sa pasasalamat ni Christian sa malaking break na natamo ng kanyang on-the-sport reporting.

Read: Man dresses up like his dead mother to collect her pension

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Tee, a.k.a. Boy Buhat, recently became viral after he became an instant reporter for TV Patrol.
PHOTO/S: ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results