Nakatanggap ang Michigan grocery worker na si Ed Bambas ng Christmas gift na US$1.7 million o PHP100,437,700 last December 6, 2025.
Eighty-eight years old si Ed.
Ang malaking Christmas gift ay resulta ng isinagawang fundraising drive ng influencer na si Sam Weidenhofer, 22.

Si Sam, isang Australian, ay may mahigit 10 million followers sa iba’t-ibang social media platforms.
Siya mismo ang nag-post sa kanyang official Facebook account ng isinagawang symbolical check turnover.

Read: U.S. ambassador sings Kumukutikutitap at Christmas party
WHY THE INFLUENCER GIFTED THE CASHIER
Hindi makapaniwala at napaiyak si Ed sa harapan ng media na nag-cover ng event.
Nakilala naman ni Sam si Ed nang bumisita ang Australian social-media influencer sa United States.
Nagkita sila sa Meijer, isang grocery store sa Brighton na nasa southeastern part ng Michigan, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Mabibili rito ang malalaking kahon, grocery items, clothes, at iba pa.
Kinunan ni Sam ng video si Ed habang kinakapanayam kung bakit nagtatrabaho pa rin kahit 88 anyos na.
Pagbabahagi ni Ed, isa siyang U.S. Army veteran.
Dati rin siyang nagtrabaho sa General Motors.
Pumanaw ang kanyang misis noong 2018.
Para hindi mangulila rito, nililibang niya ang sarili sa pagtatrabaho sa grocery.
Ang plano niya ay magtrabaho roon hanggang sumapit sa edad na 90.
Inamin din niya kay Sam na hindi sapat ang kanyang kinikita.
Read: PEP OUTTAKES: The boy who never enjoyed Christmas parties
INFLUENCER LAUNCHES FUND DRIVE TO HELP THE CASHIER
Ang video ni Ed ay ibinahagi ni Sam sa TikTok kung saan mayroon siyang halos 7.7 million followers.
Naglunsad din siya ng online GoFundMe drive, at hinikayat ang netizens na tulungan si Ed.
Aniya sa ini-upload na video: “His [Ed’s] story is a stark reminder that too many of our seniors—especially veterans—face incredible challenges just to survive.”
Nakagugulat naman ang naging pagtanggap ng netizens sa video.
Mahigit 15,000 netizens ang nagkaloob ng donasyon mula US$10 (PHP590.43) hanggang US$10,000 (PHP 590,430).
Read: Taguig City opens TLC People's Park in time for Christmas season
CASHIER CAN NOW PAY HIS DEBT
Nang makapanayam ng media si Ed, nagbiro siya na mahihirapang hanapin isa-isa ang nagbigay ng tulong sa kanya para personal na pasalamatan.
Ibinahagi rin niyang nagsimula siyang magtrabaho sa Meijer noong 82 years old bilang cashier.
Sa mga nakakakuwentuhang customers, “I gave them a piece of my life story.”

Sinabi naman ni Sam na dahil sa natanggap na Christmas gift, mababayaran na ni Ed ang utang na US$225,000 (PHP13,283,212.50).
Bahala na aniya ito kung ano ang gagawin sa matitirang pera.
Ikinatuwa rin niya ang naging resulta ng fund drive.
“It feels like a dream,” ani Sam.
Plano ni Ed na bisitahin ang kapatid na lalaki at yayaing maglaro ng golf.
Hindi naman daw siya agad magre-resign bilang cashier sa pinagtatrabahuhang grocery store.
Plano pa niyang mag-work doon nang hanggang isa o dalawang buwan then "shut things down.”
Read: Brazilian Superman brings joy to child cancer patients in Ghana
