PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Diosdado Evangelista, board passer at 72

He worked as a security guard before becoming a farmer.
by Bernie V. Franco
Published Dec 23, 2025
Diosdado Evangelista
AGE DOES NOT MATTER. At age 65, after more than 40 years since he took up a vocational course, Diosdado Evangelista enrolled in college. He got his diploma at age 69 and passed the licensure exam at age 72.
PHOTO/S: CPSU-Candoni-Publication on Facebook

Inspiring ang kuwento ng isang senior citizen na sa kabila ng edad ay tinupad ang pangarap na maka-graduate sa kolehiyo.

Nang mapagtapos ang apat na anak sa pag-aaral, nagbalik-eskuwela si Diosdado “Tatay Ebang” Evangelista sa edad na 65 anyos.

Naka-graduate siya sa kolehiyo sa edad na 69.

Naging licensed agriculturist siya nang maipasa ang agriculturist licensure exam sa pangalawang take sa edad na 72.

Dahil sa pagmamahal sa pamilya, isinantabi ni Tatay Ebang ang sariling pangarap, pero hindi niya ito kinalimutan.

Read: A villa with "zero bills" and 180-degree view of Mt. Arayat

THE LIFE OF TATAy EBANG

Isinilang si Tatay Ebang sa Hinigaran, Negros Occidental, noong September 18, 1953, ayon sa Facebook page ng Cenphilian Candoni, ang publication ng Central Philippines State University (CPSU) – Candoni Campus.

Noong 1959, sa edad na anim, lumipat ang kanyang pamilya sa bayan ng Candoni, kunsaan nahubog ang kanyang buhay.

Nagtapos siya ng elementarya sa Candoni Central Elementary School noong 1966, at nagtapos ng high school sa Our Lady of Lourdes High School Inc. noong 1972.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi siya nakatuntong ng kolehiyo. Bagkus, kumuha siya ng Auto Diesel Mechanic, isang two-year vocational course, sa Justiniani Motor Institute noong 1972.

Pagsapit ng 1974, ikinasal siya kay Ofelia Garcia at pinagkalooban sila ng apat na anak.

Dahil padre de pamilya, gumawa ng paraan si Tatay Ebang para matustusan ang kanyang asawa at mga anak.

Noong 1977, sumailalim siya sa Free Licensing Training for Private Security Guards.

Sa loob ng dalawang taon, nagsilbi siyang security guard sa isang mining industrial company sa siyudad ng Sipalay.

Nag-resign siya noong 1984 para subukan ang pagsasaka, na siyang naging kabuhayan na ni Tatay Ebang.

Nang dahil sa sikap at sipag, napag-aral at napagtapos niya ang apat na anak hanggang kolehiyo.

Naging professionals silang lahat.

Yun nga lang, pumanaw ang kanyang maybahay.

TATAY EBANG PURSUES college DREAM

Nagdesisyon si Tatay Ebang na tuparin ang sariling pangarap.

Matapos ang higit apat na dekada mula nang mahinto sa pag-aaral, nag-enroll sa kolehiyo si Tatay Ebang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang dahilan kung bakit naging desidido ang magsasaka na makapagtapos ng kolehiyo ay dahil naloko siya sa negosyo niyang wood delivery.

Ayaw na niyang maulit ang pangyayaring iyon kaya nagpursige siyang makakuha ng college degree.

Noong 2018, kumuha siya ng Bachelor of Secondary Education, major in General Science, sa CPSU-Candoni Campus.

Matapos makumpleto ang first semester, nag-shift siya sa Bachelor of Science in Agribusiness program.

Noong 2023, sa edad na 69, nakuha na sa wakas ni Tatay Ebang ang kanyang diploma.

Kasunod nito ay kumuha siya ng Agriculturist Licensure Examination, subalit hindi nakapasa.

Hindi siya sumuko.

Muli siyang sumubok sa board exam nitong November 2025.

Nakuha ni Tatay Ebang. Isa siya sa 6,678 board passers out of 9,742 examinees.

Ngayon, sa edad 72, hindi lang siya college graduate, isa na rin siyang licensed agriculturist.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tatay Ebang na hindi raw dapat maging hadlang ang edad para tuparin ang pangarap. Ang mahalaga raw ay kumilos at humanap ng paraan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paalala naman niya sa mga kabataan, huwag nilang pabayaan ang kanilang pag-aaral at huwag sayangin ang pagkakataon at ang oras dahil hindi na ito maibabalik.

Read: Man creates artworks from discarded hubcaps

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AGE DOES NOT MATTER. At age 65, after more than 40 years since he took up a vocational course, Diosdado Evangelista enrolled in college. He got his diploma at age 69 and passed the licensure exam at age 72.
PHOTO/S: CPSU-Candoni-Publication on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results