PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marissa Fajardo once worked as labandera-yaya, now a teacher

She teaches out-of-school youth enrolled in the Alternative Learning System.
by Bernie V. Franco
Published Mar 9, 2026
Marissa Fajardo
Marissa Fajardo as an Alternative Learning System teacher: “Mahirap po. Ako, nahirapan dahil mag-isa lang akong naglalakad sa daan, naghahanap ng estudyate. Hindi lang sa sakahan kundi sa tubigan pa rin."
PHOTO/S: GMA Public Affairs on YouTube / CLTV 36

Lagi nating naririnig sa ating mga guro ang kasabihang, “Hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral.”

Pero mas malalim ang kahulugan nito para kay Marissa Fajardo, isang Alternative Learning System (ALS) teacher mula sa Lubao, Pampanga.

Kinailangan niyang makipaglabada at maging yaya para makapag-aral at makapagtapos bilang teacher.

Ngayon, si Marissa ay naglalakad-lakad, naghahanap ng mga out-of-school youth para maturuan.

Dahil sa kanyang dedikasyon bilang guro, ginawaran si Marissa sa Most Outstanding Kapampangan Awards 2025.

Read: Nutritious rice-mongo chichirya aims to fight malnutrition

WORKED AS LABANDERA AND YAYA WHILE STUDYING

Namulat sa kahirapan si Marissa.

Truck driver ang ama pero hindi regular ang trabaho. Ang ina naman niya ay housewife na paminsan-minsan ay nakikipaglabada.

Siyam silang magkakapatid.

“Gustung-gusto kong makatapos kasi nakita ko yung kahirapan namin,” lahad ni Marissa sa i-Listen interview ni Kara David para sa GMA Public Affairs nitong March 4, 2026.

“So ang ginagawa ko, kapag walang maibigay na pamasahe si Inang, gagawa po ako ng paraan para makapasok.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-sideline din bilang labandera si Marissa para magkaroon ng pera at makapasok.

“Nag-aaral po kasi ako noon sa college. E, mahirap lang po kami…” saad niya.

Bukod dito, nagbantay at naghatid din siya ng mga bata sa paaaralan.

Sa umaga, tagahatid siya siya sa school ng mga anak ng isang teacher sa Guagua. Pagdating ng hapon, papasok si Marissa sa college.

Naranasan din niyang makipaglabada sa kanyang mga kaklase at mga kapitbahay.

Pero ang pagsusumikap niya ay umani ng pangungutya mula sa ilang tao.

May mga nagsabi pa nga raw na hindi siya makakatapos dahil wala naman silang pera.

Pero hindi pinanghinaan ng loob si Marissa.

Aniya, “Wala akong pakialam sa sinasabi nila kasi ang iniisip ko yung makatapos ako.”

Ang pinakamagandang ganti ni Marissa laban sa kanila, pinatunayan niyang mali sila.

“Nung gumradweyt ako, nabigla sila,” saad niya.

Marissa Fajardo, Kara David
Alternative Learning System teacher Marissa Fajardo tells GMA reporter Kara David that she used to wash the dirty laundry of her classmates and neighbors just to finance her schooling.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

On her graduation day, nagkaroon ng aberya. Kinailangan niyang manghiram ng damit mula sa kanyang ninang dahil wala siyang pambili.

“Akala ko talaga, hindi ako ga-graduate kasi wala akong pambayad, wala po akong damit na maisusuot.”

Kaya walang pagsidlan ng tuwa si Marissa nang mahawakan ang diploma.

“Sabi ko, ‘Eto na yung chance ko para matulungan yung mga magulang ko.’ Para naman nila maranasan yung magandang buhay.”

Alam daw ni Marissa ang pakiramdam na kumain ng isang beses sa isang araw dahil sa kakapusan.

Read: Why it is advisable to keep multiple savings accounts

MARISSA WANTED TO BE A NURSE

Pagbubunyag pa ni Marissa, ayaw raw talaga niyang maging guro. Ang kanyang pangarap ay maging isang nurse.

Subalit ang pagtuturo raw ang hangad para sa kanya ng ina.

Eventually, napagtanto niyang kaya siya naging teacher ay para makatulong at maturuan ang mga kabataang di makapag-aral dahil sa kahirapan.

Kaya sa tuwing sisimulan niya ang kanyang pagtuturo sa mga estudyante, lagi niyang sinasabi sa kanila na “hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya raw mismo ang makapagpapatunay nito.

Sinasabi raw niya sa mga estudyante, “Gawin niyo itong inspirasyon lalo na yung mga magulang niyo para makatapos kayo.”

MARISSA TEACHES PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY

Hindi lang sa loob ng classroom nagtuturo si Marissa. Estudyante rin niya ang mga nasa loob ng piitan.

“Pinupuntahan po naming sila tuwing Monday po kahit malayo,” aniya.

“Kung minsan po nagti-training skills po sila, may training po sila na ibinibigay namin.”

Inamin niya na noong una ay kinakabahan siya, pero kalaunan ay nakapag-adjust na rin.

Sabi pa ni Marissa, “Meron po akong dinatnan doon naging estudyante ko pa. ‘Tapos tinanong ko sila, dalawang magkapatid po, ‘Bakit kayo nandito?’”

Umiiyak daw na ibinahagi ng magkapatid na dahil daw sa ipinagbabawal na gamot.

Marissa Fajardo PDL
Marissa recounts that she also saw a former student inside the prison, which she visits to teach persons deprived of liberty.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero naniniwala si Marissa na kahit sinuman, dapat ay makapag-aral.

Paliwanag niya: “Sa edukasyon, kailangan walang naiiwan kahit ano pa man yung katayuan nila sa buhay. Kahit nasa loob sila ng piitan siguradong may pangarap din naman.

“Para paglabas nila, kahit galing sila sa piitan, may dala silang diploma na maipagmamalaki nila. Na kahit nandoon sila, nakapagpatuloy sila ng pag-aaral.”

CHALLENGES OF BEING AN ALS TEACHER

Kuwento ni Marissa, dati siyang nagtuturo sa Grades 1 and 2, pero eventually ay na-promote.

Tinanong daw siya noon ng principal kung gusto niyang mag-ALS teacher.

Hindi raw niya iyon hinangad noong una, pero dahil na rin sa mga pagkakataon, tinanggap niya ito.

Pag-amin niya, challenging ang maging ALS teacher kumpara sa formal school.

“Sa ALS, ikaw ang maghahanap ng estudyante. Maglalakad ka,” kuwento ng guro.

“Mahirap po. Ako, nahirapan dahil mag-isa lang akong naglalakad sa daan, naghahanap ng estudyate. Hindi lang sa sakahan kundi sa tubigan pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinupuntahan ko lahat iyan para makakuha ng estudyante.

“Kapag na-mapping ko na po sila, nag-i-start po ako ng klase ko.

“Puwede po sa ilalim ng puno, puwede sa sementeryo, sa mga bakanteng bahay o building kung saan ko sila puwedneg maturuan.”

Sa kabila ng mga hamon, ibinuhos ni Marissa ang kanyang oras sa kanyang tungkulin.

“Siguro calling ito sa akin ni Lord para maipagpatuloy ko yung gawain niya dito sa lupa. Para matulungan ko yung higit na nangangailangan pagdating sa edukasyon.”

May biyayang dumating naman sa kanya nang mapansin ng kanilang kapitan kung gaano siya katiyaga sa pagtuturo ng mga out-of-school youth.

Binigyan siya ng community learning center sa barangay hall mismo dahil may bakanteng kuwarto roon na ginawang tambakan.

Pinalinis iyon at ginawang classroom para kay Marissa.

Iba-iba ang edad ng tinuturuan ni Marissa. May lolo pa nga na 75-anyos at hindi nakapagtapos ng high school.

Ang kanyang mga tinuturuan ay umaabot ng 25-35 students.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil iba-iba ang edad, iba-iba rin ang antas ng kaalaman ng mga estudyante.

Ang medyo marunong ay binibigyan ng extra work, at tinututukan naman ni Marissa ang mga di masyadong marunong.

Bukod sa pagtuturo, nalalaman din ni Marissa ang kanilang life story.

Nasa 14-15 students ang hindi marunong magbasa.

Kuwento ni Marissa, ito raw ang mga kabataang mas piniling magbarkada, pero nang makita ang mga kakilala na nagtapos sa ALS, naengganyo silang mag-enroll.

Seryoso si Marissa sa kanyang tungkulin bilang guro.

“Pursigido po akong makatulong talaga sa kanila kasi mahirap yung hindi nakapagtapos ng pag aaral, nakita ko po yun sa mga kapatid.”

Sabi ni Marissa sa siyam na magkakapatid, dalawa lang sa kanila ang naka-graduate.

Marissa, students
As an ALS teacher, Marissa would look for outh-of-school youth who want to learn how to read and write.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A JOB WORTH DOING

Ibinahagi ni Marissa na maraming sakripisyo ang pagiging ALS teacher, pero makabuluhan daw ang tungkuling ito.

“Kasi dito makikita mo talaga yung effort mo. Makikita mo talaga dito yung mga batang gumradweyt dahil sa akin, nakapagtapos ng dahil sa akin, nakapagtrabaho dahil sa akin, at sa tulong ng ALS."

Lahad niya pa,: “This year po, meron akong naging estudyante, mayroon siyang sakit, leukemia, noon.

“Inalagaan ko siya hanggang makapag-graduate ng alternative learning system. Ngayon po registered nurse na siya.”

Noong tinuruan daw niya ang estudyanteng iyon, si Marissa na rin ang nag-aasikaso at nagmo-monitor ng mga gamot nito.

Nang maging registered nurse, lubos ang pasasalamat sa kanya ng estudyante.

Paminsan-minsan ay umiiyak din daw siya dahil napapagod, “Pero siguro, sabi ko, eto talaga yung destiny ko talaga: yung tumulong sa iba.”

Inusisa si Marissa kung ano ang pakiramdam kapag nagga-graduate ang kanyang mga estuydante.

“Parang hindi po ako nakayapak sa lupa kasi nakikita nila yung sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masayang-masaya po ako pag nakikita ko sila na ga-graduate silang lahat na estudyante ko, tapos pagbaba nila, pupuntahan ka po nila at magpapasalamat.

“Malaking bagay na sa akin yun dahil nakatulong ako sa kanila at naging parte ako ng buhay nila para matupad yung kanilang pangarap.”

MARISSA, AN INSPIRING TEACHER

Hindi raw makapaniwala si Marissa nang parangalan siya bilang awardee sa Most Outstanding Kapampangan Awards sa larangan ng edukasyon.

“Nakita siguro nila kung paano ako nagpursige, nagsikap na makatulong.”

Paliwanag niya, dahil sa kanyang tungkulin, may mga obligasyon siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi nagagawa.

“Lalo na yung pamilya ko. Kung minsan napapabayaan ko sila dahil doon sa trabaho ko.

“Hindi ko nagagampanan yung mga dapat gawin ko sa bahay, pero dahil naiintindihan nila ako doon sa trabaho ko, sa pagtuturo, okay lang po sa kanila.”

Payo naman niya sa kanyang mga kapwa guro, “Kahit ano pa ang gawin ninyo sa araw-araw, basta isipin niyo lang makatulong sa mga higit na nangangailan, at ibe-bless kayo ni Lord ng siksik, liglig na di inaasahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga kapwa guro naman niyang napapagod, huwag kalimutang magdasal.

“Ito na yung sinumpaan naming tungkulin. At the same time, pag mayroong determinasyon, na makatulong di ka talaga maggi-give up.

“Ikaw ang tanging pag-asa nila, mga guro ang pag-asa para makatapos yung mga estudyante namin.”

Lastly, ang payo niya sa mga estudyante: “Wag hahayaang ilagay sa puso at isipan na iyan lang ang katayuan nila sa buhay. Never nilang isipin na ang kahirapan ay hadlang sa edukasyon. Gawing inspiration para ma-achieve ang goals.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marissa Fajardo as an Alternative Learning System teacher: “Mahirap po. Ako, nahirapan dahil mag-isa lang akong naglalakad sa daan, naghahanap ng estudyate. Hindi lang sa sakahan kundi sa tubigan pa rin."
PHOTO/S: GMA Public Affairs on YouTube / CLTV 36
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results