PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Gasoline boy explaining oil crisis is a cum laude graduate

His name is Alkindar Amil.
by Bernie V. Franco
Published Mar 16, 2026
Alkindar Amil
“Marami ring pump boy ang degree holder,” says Alkindar Amil, a gasoline boy at a gas station in Sulu who recently went viral for clearly explaining what is happening amid the global oil price hike.
PHOTO/S: News 5 Everywhere

Ibinahagi ng nag-viral na gasoline boy ang mga pangyayari sa kanyang buhay matapos mapansin online.

Marami ang na-curious kay Alkindar Amil ng Zamboanga dahil sa detalyado at malinaw niyang paliwanag ukol sa patuloy na oil-price hike nang ma-interview ng RMN Zamboanga.

Bakit hirap ang gobyerno na makontrol ang pagtaas ng presyo ng fuel dahil sa kakulangan ng supply? May logistics constraints ba sa fuel shipment dahil sa sigalot ng Iran kontra Israel at U.S.?

Ibinahagi rin ni Amil ang possible scenario kung sakaling magpatuloy ang giyera.

Nagmungkahi rin siyang mag-angkat ng oil products sa kalapit na Asian countries, tulad ng Brunei at Malaysia, na may sapat na supply.

Dahil sa mga pahayag ng gasoline boy, hindi kataka-taka nung nalamang cum laude graduate siya.

Alkindar Amil
A gasoline boy in Zamboanga recently earned admiration from netizens for clearly explaining what is happening amid the oil price hike in the world market.
Photo/s: Merasol Monteza
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GASOLINE BOY GOES VIRAL

Si Alkindar Amil, 30, ay pump boy sa Caltex sa Pilar Street, Sulu sa Zamboanga.

Supervisor siya sa naturang gasoline station, pero nagsimula bilang pump boy at naging team leader bago na-promote sa kanyang current position.

Nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Fisheries sa Mindano State University sa Sulu noong 2016, ulat ng Mindanews.com.

Bukod dito, consistent honor student siya mula elementarya hanggang high school.

Pangarap daw sana ni Alkindar na magturo sa loob ng dalawang taon at pagkatapos ay kukuha ng licensure examination for teachers.

Pero hindi raw iyon natuloy dahil sa hindi tinukoy na kadahilanan.

Doon na siya napadpad sa gasoline station.

Gayunpaman, hindi niya ikinakahiya ang pagiging empleyado sa gas station.

Halos isang dekada na siyang nagtatrabaho roon.

Aniya: “Minsan yung konting pagkakamali lang, magagalit na ang customer. Kailangan maging mahinahon, maasikaso sa lahat.

“Dapat talaga, huwag kang mainitin ang ulo, mapagpasensiya ka. Not all customers ay mabubuti. Makakasagasa ka talaga ng mainitin ang ulo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: How COCHI by Marvin Agustin went from home kitchen hustle to Michelin recognition

ALKINDAR ON GOING VIRAL

Isang araw, biglang may mga taong lumapit sa kanya sa gasolinahan para magpa-picture.

“Kahit na nakaupo ka lang, there are some people pupunta sa iyo, ‘Puwedeng makipag-picture?’ Magtataka ka,” kuwento niya sa News 5 Everywhere.

“Nung una, nagtaka talaga ako na there are some people talagang, ‘Bro, puwedeng makipag-picture… ‘ Bago mag-fill up ng kanilang sasakyan. Ganoon yung first na scenario na makikita mo. Sige, pagbigyan na lang.”

Saka raw niya lang nakita na nag-viral na pala ang aniya ay “simple” video niya nang ma-interview.

Bukod sa kanyang trabaho bilang gasoline personnel, may panibagong venture si Alkindar.

Nitong weekend ay nag-post ang PhilTeth Skills and Development Training, Inc. sa Zamboanga.

Isa itong learning center para sa Emergency Medical Services National Certificate II course sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ng center ukol kay Alkindar: “Your genuineness has already inspired so many people in different walks of life. Your curiosity, initiative, and willingness to step up far beyond what is expected are qualities that will lead to greatness.

“It will truly be an honor to have you join us and help bring that same spirit to the Philtech culture.”

Read: British couple pleads guilty in racist attack on Filipina nurse

WHY ALKINDAR IS KNOWLEDGEABLE ABOUT OIL

Nagpaliwanag si Alkindar ukol sa kaalaman niya sa kasalukuyang isyu ng oil sa global market.

Sa tuwing nagkakaroon sila ng meeting kasama ang boss, nagtatanong daw lagi si Alkindar ng mga detalye.

Dito niya natutunan kung paano mamo-monitor ang galaw ng oil prices sa world market nang real time.

Nagsasagawa rin daw siya ng sariling research.

Dahil nakitaan ng potential, na-promote siya ng kanyang boss.

Aminado rin si Alkindar na may mga customers na maliit ang tingin sa katulad niyang pump boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kahit na medyo some of the customer na mababa yung tingin sa pump boy na ito na ang proof na we the pump boy ay hindi rin basta-basta.”

Sabi niya pa, “Marami ring pump boy ang degree holder.”

Samantala, habang patuloy ang pagharap sa problema sa fuel supply, may pakiusap si Alkindar sa gobyerno.

Saad niya: “Magtulungan po muna tayo to settle this problem sa oil prices, sa fuel, para naman maibsan yung hirap na dinaranas ng mga Pilipino. Kasi pag fuel po talaga ang tumira, naku, lahat po ay magtataas.”

Mungkahi niya, makipag-negotiate sa neighboring countries na mayroong enough supply of fuel at para ma-settle yung mataas na increase sa fuel prices.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Marami ring pump boy ang degree holder,” says Alkindar Amil, a gasoline boy at a gas station in Sulu who recently went viral for clearly explaining what is happening amid the global oil price hike.
PHOTO/S: News 5 Everywhere
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results