Matapos ang halos anim na dekada mula noong matigil sa pag-aaral, sa wakas ay ga-graduate na sa Grade 12 o senior high school si Mario Resurreccion, 77, mula sa Solana, Cagayan.
Si Lolo Mario ay estudyante ng Sampaguita National High School at kumuha ng Agri-Fishery Arts sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood Track.
Masugid na nagpo-post ng updates sa social media ukol sa pag-aaral ni Lolo Mario si James Michael Banawa, isang practice teacher sa nabanggit na paaralan.
Kahanga-hanga raw ang dedikasyon ni Lolo Mario sa kanyang pag-aaral. Lagi raw itong nasa library at laging nagtatanong pagdating sa aralin.
Sinundan ni James ang progress ni Lolo Mario sa pag-aaral.
Sa mga posts ng practice teacher mula noong nakaraang taon, maraming netizens ang nabibilib kay Lolo Mario at nagpahayag ng kanilang kagustuhang magpaabot ng tulong.
Si James ang naging tulay para makarating ang tulong kay Lolo Mario.
At sa wakas, ga-graduate na ang estudyanteng senior citizen sa March 30, 2026.

Read: Examinee, four minutes late, barred from taking board exam
WHAT’S NEXT FOR LOLO MARIO
Sa pagtatapos ni Lolo Mario sa napiling vocational track, balak niyang magpatuloy sa pagkokolehiyo at kumuha ng Bachelor of Science in Agricultural Engineering.
Ito raw ang gusto niyang kurso dahil ang Pilipinas ay isang agricultural country at gusto niyang makatulong sa livelihood ng mga magsasaka.
“The backbone of our nation is agriculture,” paliwanag ni Lolo Mario sa panayam ng One PH noong April 2025.
Aniya, kung hindi man kakayanin ng kanyang tuhod ang magtrabaho kapag naka-graduate na siya sa college, puwede raw niyang maipasa sa iba ang kaalaman at karunungan.
“Perhaps I can no longer engage in farming, but the technology I can disseminate, wherein they will acquire agricultural knowledge,” sabi niya.
Excited si Lolo Mario.
Hindi raw siya nakatuntong ng college dahil pasaway siya sa mga magulang noon.
Siya lang ang hindi naka-graduate sa kanilang magkakapatid.
Kalaunan, naging sundalo siya at naging Overseas Filipino Worker upang masuportahan ang kanyang pamilya.
Nang tumanda siya, nagkaroon ulit siya ng pagnanais na bumalik sa pag-aaral.
“Ang mangyari kasi every time in our conversation, pag nagsasalita sila, tongue-tied ako. Kaya hindi ako makasabay sa pagsasalita, kasi out of place ako,” sabi niya.
“That interests me to go to school.”
Kaya nag-enroll siya sa Alternative Learning System na requirement sa K-12, upang makatuntong siya sa college.
Napagtapos na niya ang mga anak kaya sarili na lamang niya ang sinusuportahan.
“I tried my best to uplift everything, the difficulties of my life. I was able to give formal education for my children, for them to have a brighter future...”
Sinuportahan ni Lolo Mario ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasaka.
Lahad niya: “Ang ginagawa ko, kulang yung gastusin ko, gusto ko lang yung suporta ko kasi hindi ko ino-oblige yung mga anak ko, kaya nagtatrabaho pa rin ako. Yun lang ang enterprise ko sa buhay ko.”
Firm believer si Lolo Mario na hindi hadlang ang edad para abutin ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.
“Age is not a hindrance in going to school,” aniya.
“Tantiyahin lang yung galaw natin o yung kakayahan natin. Huwag natin pilitin kung di na natin kaya.
“As I have said, sa larangan ng pag-aaral ay hindi hadlang ang edad.”
Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill
