Isang 12-anyos na batang babae ang lumangoy sa loob ng higit dalawang oras sa karagatan upang humingi ng tulong matapos tumaob ng sinasakyang bangka.
Siya si Cherry Ann Mateo.
Dahil sa kabayanihan ng bata, nasaklolohan ng mga awtoridad ang kanyang mga kasamahang sina Dante Salvador, 60; Angelita Patricio, 58; Rose Salvador, na hindi tinukoy ang edad.
Pauwi na sana sila Barangay Batbatan sa Culasi, Antique, nang tumaob ang kanilang bangka bandang isla ng Mararison noong May 6, 2026.
Ani Broderick Train, Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) officer sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), nilangoy daw ni Cherry ang dagat upang humingi ng saklolo sa barangay officials ng Batbatan.
Sa kabutihang-palad, nailigtas ang apat na pasahero.
“Yung nabalita na nag-capsize daw yung motor banca, may mga pasahero na apat. We are thankful that lahat ay na-rescue at naka-survive…” pahayag ni Train sa PNA interview.
“At sa ngayon ay nasa magandang situation at nandoon na sa kanilang mga sariling pamilya.”
Read: Tips: Doing your workouts right for better results
MORE DETAILS ABOUT CAPSIZED BANCA
May dagdag na detalye ang Province of Antique via Facebook kaugnay ng insidente at ng isinagawang search and rescue operation.
Ayon sa rescuers, ang pagtaob ng motor banca ay nangyari bandang 11:00 A.M. noong May 6, 2026, at ang ulat ay natanggap ng mga awtoridad bandang 10:00 P.M.
Bukod sa PDRRM, katulong rin sa pagsagip sa tatlo pang nasa laot ang mga residenteng mangingisda, ang Coast Guard, at Maritime Police.
Sa ulat naman ng K5, News FM Kalibo 94.5, tumaob umano ang bangka dahil sa malalakas na alon.
Dahil dito muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na dapat ay magkaroon ng safety precautions kapag maglalakbay sa dagat, lalo na sa panahon ng unpredictable weather at sea conditions.
Read: Should Filipinos worry about hantavirus? DOH answers.
