PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Jefferson Quartero Story: Mangyan scholar who defied all odds

"Malayo na, pero malayo pa."
by Bernie V. Franco
Published Jul 7, 2026
Jefferson Quartero
A pride of the Mangyan tribe, Jefferson Quartero, 24, overcame bullying in Puerto Galera and finished senior high school, driven to uplift his family. In 2025, he became a scholar under the Gokongwei Brothers Foundation’s Iskolar ni Juan program, which led him to his current job.
PHOTO/S: Gokongwei Brothers Foundation

Si Jefferson Quartero, 24, ay isang katutubong Mangyan na nagtapos ng Mechatronics Servicing sa tulong ng scholarship.

Nilisan niya ang Puerto Galera, Oriental Mindoro, para hanapin ang sariling kapalaran.

“Napakahalaga po ito kasi sa amin, kapos po kami sa pag-aaral," pagbabahagi ni Jefferson.

Nagkaroon ng mahabaan at eksklusibong panayam ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Jefferson via Zoom.

“Kasi pag nandoon lang po ako sa amin, parang limited lang po yung access ko po.

"Itong Iskolar ni Juan ang naging daan para makapagpatuloy po ako.”

Marahil sa iba ay walang pambihira sa kuwento ni Jefferson na isang technical-vocational course ang natapos.

Pero para sa kanyang buong tribo, isa itong malaking achievement.

Read: Tips: How to enroll in UPOU's 25 free online courses

JEFFERSON’S SEARCH FOR HIS DESTINY

Mula sa isang broken family si Jeff.

“Iyong mga magulang ko po, may kanya-kanya na pong pamilya.”

Dahil dito, naging self-reliant si Jeff.

Sa tulong ng internet, nakapasok siya sa industriya ng automotive wiring harness sa isang planta sa Calamba, Laguna, na may layong 91.1 kilometers mula sa Puerto Galera.

Tumagal siya roon ng isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay lumipat siya para magtrabaho bilang machine operator sa Imus, Cavite, ang kalapit-probinsiya ng Laguna.

“Then noong nandun ako, parang sabi ko sa sarili ko, parang laging may kulang.

“Sabi ko, parang gusto ko pang mag-aral.”

Ang hangad ni Jefferson ay madagdagan ang kanyang technical-vocational skills.

May sumilip na pagkakataon para kay Jefferson.

Nabigyan siya ng scholarship ng Gokongwei Brothers Foundation (GBF).

Jefferson Quartero INJ
Jefferson Quartero, a Mangyan who is a scholar supported by Gokongwei Brothers Foundation's Iskolar ni Juan program.
Photo/s: Iskolar ni Juan on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jefferson’s Life in the Mangyan Tribe

Si Jefferson ay taga-Barangay Baclayan sa Puerto Galera. Ito ay kilala bilang makahoy na lugar na may kulturang kakaiba dahil ito ang pugad ng Mangyan indigenous group.

“Yun po yung lugar po ng mga katutubong Mangyan po, kunsaan po ako nabibilang,” sabi ni Jefferson.

Walang internet doon. “Wala pong kuryente. As in, province po talaga, bundok po."

Ang kanyang ama ay mula sa tribong-Buhid habang purong-Tagalog naman ang ina.

Sa murang edad ay kinailangan nang magbanat ng buto ni Jefferson. “Bata pa lang po, nagbubukid na po, tumutulong na po sa magulang.”

Gumagawa at nangangalakal din daw siya ng uling.

Dalawa silang magkapatid bago naghiwalay at nagkaroon ng sari-sariling pamilya ang mga magulang.

Masaya na malungkot—ganito inilarawan ni Jefferson ang kanyang kabataan.

Dahil kapiling naman ang mga mahal sa buhay, masaya siya sa kanilang komunidad sa bundok. Pero malungkot din dahil alam na alam niyang "limited ang access" nila sa maraming bagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya dumaan si Jefferson sa matinding adjustment noong bumaba siya sa bundok para mag-aral sa patag.

“Parang ang hirap makipagsabayan sa mga taong nasa baba, sa patag po... tapos napagtatawanan pa kaya hindi po ako sanay na makihalubilo.

"Kumbaga, takot po ako sa tao.

“Na-overcome ko lang po yun nung nag-aral na po ako ng senior high school po.”

Sa elementarya, nagtapos si Jefferson sa Tawas Elementary School, na nasa kanilang sitio sa Bongabong sa bundok.

Sa kapatagan na siya nag-high school, sa Puerto Galera National High School.

JEFFERSON, a victim of BULLYING

Mula sa mga "taga-baba," nakaranas si Jefferson ng diskriminasyon.

Aniya: “Hindi po namin maiwasan na ma-bully po.

“Kasi po yung kaalaman po namin, limited lang naman po kasi sa bundok, wala naman pong mga internet po.

"Kaya pagdating namin sa baba, parang nasi-separate po kami. Yun po yung nararanasan namin.”

Pinupulaan din daw ang kanilang anyo.

“Parang ganito po iyon, ‘Mangyan, parang ang baho mo naman! Parang ang bobo mo naman!’

"Parang ganun po ang sinasabi sa amin. ‘Ang Mangyan-Mangyan mo naman!’ Yung mga ganyan po ang sinasabi sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kunwari, meron hindi alam, tatawagin, ‘Ay, ang Mangyan mo naman!’ Parang ganun po, ginagamit nila yung Mangyan as walang alam. Parang ignorante po.”

Hanggang ngayon?

“Talagang ganun pa rin po. Hindi pa rin po nagbabago po.

“Madalas nga po, e, pag sinabing Mangyan, niloloko pa nga po pagdating po sa kalakalan, sa palitan po.”

Dahil nakapag-aral si Jefferson, inaabisuhan niya ang mga magulang kapag “nakikipagkalakal” ng pananim para hindi sila maloko.

“Yung magulang ko po, no-read-no-write po. Buti na lang po nakapag-aral po ako.

"Yung magulang ko po, sabi ko, ‘Tay, hindi ganyan yung palitan ng pera. Malulugi kayo diyan kung ganyan ang bentahan niyo, tapos yan yung ibibigay sa inyo.”

Himutok ni Jefferson, hindi na nga binibigyan ng tamang presyo, hindi pa tama ang ibinabayad.

Ang kanilang tribo ay nagbebenta ng niyog, saging, at root crops gaya ng kamote, kamoteng-kahoy, at kamoteng baging.

Jefferson Quartero with father

Jefferson with his father in their home in Puerto Galera.
Photo/s: Gokongwei Brothers Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Daughter of cotton-candy vendor graduates from Ateneo

Malalim ang sugat na iniwan ng bullying at diskriminasyon kay Jefferson.

Pinili niyang tiisin ang lahat.

“Dahil ayaw ko naman po ng gulo, pinapabayanan ko na lang. Natahimik na lang po ako. Kasi pagkasinagot ko yun, baka ako pa yung mapasama o mapaaway pa ako.

“Kaya kahit masakit man yung marinig ko, pinapabayaan ko na lang kasi pupunta lang din naman sa argumento yun, e…”

Ganun din daw ang laging payo ng kanyang ama: 'Pabayaan na lamang.'

Pero lahat ay may hangganan.

Dumating sa puntong “hindi kinaya” ni Jefferson ang pang-aalipusta.

Nasa Grade 10 siya noon at isang kaklaseng Mangyan ang “pinagtripan” ng mga tagapatag.

“Hindi ko na po kasi kinaya, kasi karamihan po sa mga kaklase ko po, e, di ba, pag binu-bully sila, tumitigil na lang sa pag-aaral?

“Kaya hindi ko napigilan yung sarili ko. Nakipag-away po ako noon.

“Hinampas ko pa ng bangko po yun, e,” pagtukoy niya sa nam-bully sa kanyang kaklase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala ko nga mamamatay yun, e. Parang yun yung matinding karanasan sa akin,” ani Jefferson, kasabay ang pag-iyak.

Ipinatawag daw siya sa principal’s office at isinailalim sa disciplinary action.

Pinagsisihan ba niya ang ginawa?

“Pinagsisihan ko," pag-amin niya, "kasi pag-uwi ko, pinagalitan din ako."

Giit niyang muli, maraming kabataan sa kanilang tribo ang sinisikap ituloy ang pag-aaral, subalit napipilitang huminto dahil na rin sa bullying.

“Parang ang mga katutubo po, mahina po yung self-confidence po. Parang dinadamdam po nila yung mga sinasabi.

“Kaya yung mga kasama ko [na mga Mangyan] na magkakaklase, madami kami. Yung iba ho, napipilitan na lang tumigil.

“Tumitigil na lang dahil hindi ho kinakaya yung mga sinasabi, yung naririnig…”

Lumalabas na hindi lamang kahirapan ang sagabal sa kagustuhan nilang umunlad ang buhay. Pati na rin ang nagiging pagtrato sa kanilang tribo.

JEFFERSON NEVER gAve up

Isang pangako ang naging motivation ni Jefferson para hindi sumuko.

“Parang sa akin po, parang in-overcome ko na lang po. Pinangako ko kasi sa nanay ko, tatapusin ko kasi ang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kahit anong mangyari, makakapagtapos ako ng hanggang senior high school.

"Kaya hindi po ako nagpatinag doon sa mga sinasabi.”

Bukod sa bullying, naging “masalimuot” din daw ang kanyang high school dahil sa nangyari sa pamilya nang mga panahong iyon.

“Kasi hirap din po sa buhay ko noon, e," kuwento niya. "Pagdating ko po ng Grade 9, iniwanan din po ako ng tatay ko noon.”

Para masuportahan ang pag-aaral, naging working student siya.

“Nagmimina po ako. Sumasama po sa pagmimina ng ginto. O kaya nagsa-sideline po ako sa construction noon.”

Maraming hugot, pero marami rin siyang ipinagpapasalamat.

Kinuha siyang trabahador ng engineer sa itinatayong building.

“Buti po mabait yung engineer. Nagpaalam ako kung puwede akong magtrabaho sa kanya ng kahit Sabado, Linggo,” paglalahad niya.

Kasabay nito, nabigyan si Jefferson ng scholarship ng Stairway Foundation Inc., isang non-profit na tumutulong sa mga children at risk, na ang main office ay nakabase sa Puerto Galera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-aral siya mula 2016 hanggang makatapos ng senior high school noong 2021.

Pinatira rin si Jefferson sa bukirin ng foundation.

Habang nag-aaral, hindi siya bumisita sa kanilang tribo dahil, sa isip ni Jefferson, pagbalik sa kanila, graduate na siya, natupad na ang pangako niya sa ina.

Nangingiti si Jefferson sa alaalang “average” student siya sa high school.

“Tamang nakakapasa lang po ako, [grade] 75 lang ako, ganun lang po.

“Ang nasa isip ko lang noon, matupad ko lang yung pangako ko sa nanay ko, na kahit senior high school, maka-graduate man lang.”

Naikuwento ni Jeff, ang ngalang tawag sa kanya ng ina, kung bakit gusto ng inang makapag-aral siya.

Grade 6 lang daw kasi ang natapos nito at ngayon ay nagtatrabaho sa bukid ng iba.

“Parang ang kuwento niya sa akin," pagpapatuloy ni Jefferson, "para lang daw siya may pambili ng papel, tapos lapis, ang ginagawa niya po, nanguha siya ng guavas tapos pinapakilo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, pag nakapagbenta daw siya, binibili agad niya ng papel, lapis. Yung nanay ko na lang ang gumawa ng paraan.

"Kahit gustung-gusto niya mag-aral noon, wala siyang magawa kasi hindi siya sinuportahan ng aking lola.”

Ikinuwento rin daw sa kanya ng ina na minsang namitas ito ng mga bayabas kahit gabi na, nalaglag daw ito sa puno at nawalan ng malay.

”Nagising na lang daw siya, umaga na... Parang iyon yung nagbigay sa akin, nag-motivate, na makatapos man lang ng senior high school,” paliwanag ni Jefferson.

“Kasi sabi ng nanay ko, ‘Anak, kahit senior high school makatapos ka, malaking bagay iyan. Hinding-hindi ka na maloloko ng ibang tao.

"'Wag mo na kaming gayahin. Tingnan mo naman yung nasa paligid mo. Hindi nakapagtapos. Tingnan mo, naloloko, niloloko.’

“Parang iyon yung nag-motivate sa akin na kailangan kong mag-aral.”

Tanggap ni Jefferson na hindi siya nagkaroon ng malalim na koneksyon sa mga kaklaseng tagapatag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, pagdating sa groupings, nakikisama lang ako sa kanila kasi kailangan kong makisama para sa group projects, group presentation.

“Pero pagdating sa malalim na connections po, parang wala po akong connection sa kanila na malalim.”

Matapos mag-graduate ng high school, umuwi na si Jefferson sa bundok dala ang diploma—ang katuparan ng pangako sa ina.

“Nung pumunta ako sa nanay ko, natupad ko na yung promise ko sa kanya na naka-graduate po ako. Dinala ko po yung picture ko na naka-graduate ako, ‘tapos binigay ko na sa kanya.”

Ano ang reaksiyon ng nanay niya?

Sagot ni Jefferson, “Hindi ko makita yung expression, e. Kasi, first time niya ako ulit makita sa tagal ng panahon, e. ‘Tapos ilang araw lang ako doon, umalis na agad.”

Jefferson with family
Living in the mountains, Jefferson (far right) admits that access to basic necessities--such as electricity and education--remains limited in their community.
Photo/s: Gokongwei Brothers Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIFE AFTER HIGH SCHOOL

Nang makapagtapos ng senior high, pinag-aral din si Jefferson ng Stairway Foundation ng technical-vocational courses sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Mindoro.

Kumuha raw siya ng NC3 (bookkeeping, events management services) at NC2 (driving) sa TESDA.

Bawat short course ay natatapos sa loob ng labinlimang araw.

Pagkatapos ay pumasok muna si Jefferson bilang tindero sa isang tindahan ng litson-manok. Nagtrabaho siya rito ng walong buwan.

Pagkatapos ay lumuwas siya papuntang Calamba, Laguna, noong 2022.

Tulad ng maraming Pilipino, ang totoong plano ni Jefferson ay makapagtrabaho sa labas ng bansa upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.

Ganunpaman, nagtrabaho muna siya bilang inspector ng automotive wiring harness.

Dahil unang beses mapalayo sa kanilang lugar, inaamin ni Jefferson na overwhelmed siya.

“Parang ang laki ng pagbabago. Sabi ko, ‘Ang layo sa Mindoro, parang ibang itsura dito.’ Parang naging ignorante ako noon.

“Paglabas ko lang ng Mindoro, sabi ko, ‘Parang ayaw ko na, gusto kong umuwi. Daming tao, nakakahiya naman dito.’ Parang iyon ang sabi ko sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pinagtatrabahuhan, may taong nakilala si Jefferson na, sa pakikipagkuwentuhan, ay nagpalakas ng loob niyang ipagpatuloy ang pagtrabaho.

Halos isang taon siya sa kumpanya bago lumipat sa sumunod na bayan ng Cavite bilang machine operator naman ng isang manufacturing company ng snack-food products.

Sa panahong ito, nagagawa na raw niyang makapagpadala sa kanyang ina kapag nangailangan ito ng pera.

Tuloy-tuloy pa rin daw siya sa pag-a-apply abroad.

Read: IN FOCUS: Gabriel Go set on clearing streets, cleaning the system

APPLYING TO GBF FOUNDATION

Matapos ng 10 buwan sa pinagtatrabahuhan sa Imus, Cavite, may nakita siyang opening para sa scholarship sa GBF Foundation o ang Gokongwei Brothers Foundation.

“Noong nakita ko po yung Iskolar ni Juan, parang sabi ko, parang related ito sa mga work experience ko, ha. Parang maganda yata mag-apply dito.”

Nagsumite ng application si Jeff online noong 2020. Pumasa siya.

“Hindi ko akalain na makakapasa din ako doon sa exam na iyon,” masayang pagbabalik-tanaw ni Jeff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Maganda na yata itong opportunity, parang gusto ko na ituloy.”

Katuwiran kasi ni Jeff, kahit mayroon na siyang work experience, alam niyang makabubuti para sa kanya ang magkaroon pa ng dagdag na kaalaman.

“Parang mas maganda yatang meron akong papel na pinanghahawakan na ganito yung skill ko,” aniya.

“Nung nakakuha ako ng opportunity sa Iskolar ni Juan, sabi ko sa sarili ko, ‘Pag ako nakapasok dito, talagang gusto ko yung skill ko mapaunlad.’"

Hindi malilimutan ni Jefferson ang karanasan nang ipatawag siya sa interview.

“Noong nasa interview na ako, kinakabahan na ako. Parang first time ko ma-interview nang ganito, na napaka-professional.

“Yung nararanasan kong ibang interview, parang casual lang.”

Kinabahan daw at malakas ang tibok ng puso ni Jeff.

WHAT IS gbf's ISKOLAR NI JUAN?

Ipinaliwanag ni Mae Angela “Angel” Galeon ang screening sa pagpili ng scholars.

Si Angel ang program specialist ng Scholarships and Community Programs ng Gokongwei Brothers Foundation (GBF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga aplikante ay sumasailalim sa assessment. Pagkatapos ay ini-interview ang mga ito para masuri kung deserving sa scholarship.

“So, yung mga considerations po ay yung kanilang economic need, of course. Saan sila galing? Ano yung trabaho ng mga magulang? Ilan silang magkakapatid? Bakit kailangan niya o bakit siya nag-apply sa Iskolar ni Juan? Bakit hindi siya nakapag-kolehiyo?

“And yung mga values ng mga applicants natin to be fit siya or aligned siya sa values ng isang GBF scholar.

“Yung mga values po ay integrity, grit, love, and service for the country, continuous improvement, and open and upfront."

Ibinahagi naman ni Lucky Dela Rosa, integrated marketing and communications officer ng GBF, ang adbokasiya ng Iskolar Ni Juan.

“Designed po din kasi yung Iskolar Ni Juan para tulungan iyong mga [marginalized] sector na hindi tataas sa PHP200,000 ang annual income ng buong pamilya.

“So, kung titingnan po natin kung ang pamilya po nila may more than PHP200K, hindi na po namin yun kino-consider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, designed po siya na yung pinaka-poorest of the poor ang mabibigyan natin ng opportunity na pa-training at patrabaho po.

“Kasi after din po kasi ng training nila ay may guaranteed work po sila sa partner company.”

Sa kabila ng pagdududa sa sarili at takot na hindi makasabay sa mga kasamahan sa training, tumuloy pa rin si Jefferson.

Sa ilalim ng Iskolar Ni Juan, sumailalim siya sa technical-vocational course na Mechatronic Servicing.

“Combination siya ng mechanical, electrical, electronics, and automation,” paliwanag ni Angel.

“'Yung pinag-aaralan po nila sa [GBF] Technical Training Center ay yung iba't ibang parte ng mga machines na ginagamit sa makina sa mga planta ng mga partner industries.”

Kasama raw rito ang installing at troubleshooting.

“Kasi yung kanila pong employment opportunity ay maging production machine operator or machine maintenance technician.”

Ang training sa kanila ay nagtatagal ng seven months, habang five months naman ang On-The-Job Training (OJT).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa free training, kasama sa benefits ng scholars ang free stay sa dormitory sa Calamba, free food, school supplies, uniform, at free transportation expenses para magtungo sa training center sa Laguna.

Pagdating naman ng kanilang OJT, mayroon na silang allowance at employment opportunity with the partners.

THE GBF TECHNICAL TRAINING CENTER

Paliwanag ni Angel, ang academic training for beneficiaries ay nangyayari sa GBF Technical Training Center sa Calamba, Laguna.

Ang OJT naman ay nakadepende sa partner industry o partner company ng GBF.

Sa batch ni Jefferson ay partner ng GBF ang Kerry Foundation Phils. Inc. (KFPI), ang charity arm ng Shang Properties.

Na-employ siya sa Schneider Electric, isang French multinational company at global energy technology company.

Mayroong itong planta sa Calamba, kunsaan nagtatrabaho si Jefferson ngayon.

Malaki ang pasasalamat ni Jefferson sa Iskolar Ni Juan dahil dito, habang nagti-training, wala na siyang inisip na iba.

“Wala na po akong problema noon kasi nabigay na nila lahat. Parang kumbaga, sa akin, mag-aaral na lang po ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang yung nasa isip ko, matuto sa trabaho at mai-apply ko kung anong natutunan ko po sa GBF.”

Sa ngayon, ani Lucky, ongoing din ang processing ng GBF Technical Training Center para mag-qualify bilang assessment center ng TESDA.

“So, anyone na kumuha ng Mechatronics Servicing, puwede na sila magpa-assess para magkaroon sila ng national certification.

“Pero yung kagandahan kasi ng GBF Technical Training Center, kung ano yung ginagamit na mga makina sa planta, andun din siya sa GBF Technical Training Center.”

Nangangahulugan itong nagkakaroon ng actual practice ang scholars sa pag-o-operate ng mga akmang makinang ginagamit ng mga kumpanya.

Ayon pa kay Lucky, “Dini-design namin yung curriculum depende kung sino po yung partner industry po natin.”

Mas matagal din ang training hours na required sa GBF Technical Training Center at nagdadagdag ng values formation, modern competencies, at subjects “para masiguro natin holistic ang development ng mga scholars natin, at pagpunta sa trabaho reding-ready na po sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula nung nagsimula ang Iskolar Ni Juan 12 years ago, higit 600 scholars na ang natulungan nito.

Eighty-six percent sa mga nagsipagtapos ay mula sa Luzon, habang seven percent ay mula Visayas, at seven percent ay mula Mindanao.

Paliwanag ni Lucky: “Bakit ba mababa ang Visayas at Mindanao? Nakadepende din po kasi ito sa availability at request ng mga planta po.

“Nagsimula po kasi yung partnership natin with the Universal Robina Corporation.

“At sa Mindanao lang po, ang ating planta ay nasa El Salvador, Misamis Oriental, habang karamihan naman po sa mga planta natin, more than 18 URC plants sa Pilipinas, ay strategic naman sa Luzon, particularly sa CALABARZON.”

Jefferson Quartero oath-taking
Jefferson with fellow graduates of Iskolar ni Juan at their commencement exercises.
Photo/s: Gokongwei Brothers Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JEFFERSON AS AN EMPLOYEE

Isang taon na si Jefferson bilang Basic Quality Operator sa Schneider Electric.

Na-recognize siya bilang top employee.

Proud na kuwento ni Jefferson ukol sa nakuhang award: “Ako po yung isa sa mga nakakasagot o nagpo-front po pag may mga tinatanong po sila about sa mga quality product, at sa mga about sa planta po.

“Ako po yung isa sa nakakapagbigay po ng sagot sa mga tinatanong po nila, sa mga nag-o-audit, yung mga plant manager, plant director.”

Bukal ang papuri ni Jefferson sa GBF at INJ.

“Sobrang malaking parte po ito ng buhay ko kasi ang dami ko natutunan na hindi ko po natutunan sa iba.

“Ang isang natutunan ko, yun sa ikigai po, yung love and passion po. Yun yung pinakamalaking parte na nagbago sa akin."

Ang ikigai ay salitang Hapon na nangangahulugang may pagtutugma ang skills at passion.

Sa sariling salita ni Jefferson: “Yung trabaho ko po, nandoon po yung pagmamahal ko habang nagtatrabaho. Hindi lang po ako nagtatrabaho.

"Kumbaga, hindi lang dahil sa pera.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ikigai ay ang pagbibigay din ng value sa pagbabalanse ng personal fulfillment, professional success, at social contribution.

Paliwanag pa ni Lucky, kasama sa itinuturo sa scholars ng GBF TTC ang tamang values.

“Hindi lang siya isang paaralan kundi komunidad po ng mga scholars.

“Ang scholars din po ang nagli-lead kung paano nila i-operate ang kanilang dormitory; nagma-manage kung paano nila mapanatili ang kanilang kalinisahan; nag-o-organize kung ano pa yung mga events na ipa-facilitate ng ating mga instructors and staff.

"Para mas mapalalim nila ang pag-unawa sa kanilang sarili, mapalalim ang kanilang pagmamahal sa trabaho, at lalong-lalo na po yung paglilingkod po sa bayan.”

JEFFERSON: “MALAYO NA, PERO MALAYO PA.”

Sa dami ng kanyang pinagdaanan, minsan ay hindi maiwasang magbalik-tanaw si Jefferson sa naging journey niya.

“Parang pagka-iniisip ko yun, parang sinasabi ko sa sarili ko—parang malayo na, pero malayo pa.”

Naaalala raw niya ang mga panahong “wala-wala lang.”

Sa “malayo pa,” ang gusto lang daw niyang marating ay mabigyan ng maayos na buhay ang ama at ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil malayo sa pamilya, ang komunikasyon ngayon ni Jefferson sa kanila ay limitado sa tawag sa cellphone.

Pero proud siyang nakakatulong na siya sa pamilya.

Pagdedetalye ni Jefferson, ang paghingi ng suporta ng magulang ay, halimbawa, magtatanong ang mga ito kung gusto niyang bumili ng mga hayop.

Naiintindihan na yun ni Jefferson. Magbibigay siya ng pambili.

“Yung pagtulong ko sa kanila, parang pagpupundar na rin po.

"Yung gusto nila, pag tumulong ako sa kanila, parang naipupundar ko rin po—parang ganun yung gusto nilang tulong.”

Kung may mensaheng nais niyang ibahagi sa kabataan, lalung-lalo na sa mga kapwa Mangyan, ano yun?

“Lakasan lang ng loob talaga. Ang baon kasi, palakasan lang iyan ng loob, e.

“Kasi pag hindi malakas yung loob mo, mahina, talagang kakainin ka talaga.

“Kumbaga, parang yung pambu-bully, para sa akin, parang naging stepping stones ko lang, e.

“Kung hindi ko po lalabanan iyan, parang pinapatalo ko na rin yung sarili ko.

"Yung laban na hindi physical, yung laban lang po sa sarili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ni Jefferson: “Kumbaga, tibayan lang yung loob, palakasan lang po iyan.”

Sabi pa niya, ngayon pa lamang talaga nagsisimula ang laban niya sa buhay.

“Ito talaga yung tunay na laban at buhay na kailangan mong punuin yung pangarap mo, yung pangarap sa sarili, pangarap sa pamilya.

“Kasi kung magpapatalo sa ganyan, wala. Habang buhay nang talo, e.”

Importante rin daw na hindi basta-basta nakukuntento.

“Kahit hindi ako matalino, malakas lang yung loob ko.

“Lakas ng loob tapos, tiyaga, diskarte… kasi hindi po kase sa nag-base sa emotion ko, e."

Ibinahagi ni Jefferson ang sabi niya sa mga kabataang Mangyan nang makausap ang mga ito.

Umuwi raw siya noon sa Mindoro nang makumpleto ang training sa GBF, bago siya nagsimula sa kanyang OJT.

Ikinuwento niya ang narating sa tulong ng GBF at Iskolar ni Juan project.

Sabi ni Jefferson sa kanila: “Itong opportunity na ito, bihira lang dumating sa atin. Kung hindi niyo susubukan, walang mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mai-post sa Iskolar ni Juan Facebook page ang pagkukumpleto ni Jefferson sa kanyang scholarship, ibinahagi ito ng binata sa group chat ng kanyang mga katribo.

“Nagulat ako sa mga kasama ko na nagbabati sa akin, congrats daw. Isa daw akong alamat,” nangingiting kuwento niya.

“First time daw na nangyari na may katutubo na na-highlight daw sa page na yun.”

Napakainit daw ng pagbati sa kanya ng mga katribo at napakasaya raw ng mga ito sa kanyang narating.

“Sabi ko, nag-share lang ako, pero parang sinuportahan nila ako sa pangarap ko.”

Pakiramdam daw ni Jefferson, sa “graduation” niya ay naisama niya ang buong tribo.

Achievement daw ito hindi lang para sa pamilya, kundi para sa buong angkan dahil, sa kanila, siya na raw ang may nakuhang highest education.

JEFFERSON experiences the rollercoaster, rubik's cube, remote control toy

Ngayong nakakasahod na siya, ang ginagawa raw ni Jefferson, na natutunan din niya sa training, ay i-heal ang kanyang "inner child."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kapasidad na raw siyang bilhin ang mga gusto niya.

Ang halimbawa ni Jefferson, nakasakay na siya sa rollercoaster na dati ay napapanood lang niya sa TV.

“’Tapos, sabay bumili po ako ng parang Rubik's Cube.

“Nakakatawang i-share po, parang bumili ako ng baril-barilan, parang nilalaro-laro ko lang ganun.

“’Tapos yung remote control na sasakyan po, parang ganun lang po yung ginawa ko noon,” pagbabahagi niya.

Sa tanong kung ano pa ang pinapangarap niya, sagot nito: “Gusto ko pong mag-abroad. Doon ko po gustong gamitin yung natutunan ko po sa GBF.”

At sa karanasan niya, alam daw ngayon ni Jefferson na hindi ito imposible.

“Yun nga yung pinanghahawakan ko, e. Talagang hindi talaga ito imposible.

“Nandito na ako, e. Ngayon pa ba ako aatras?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A pride of the Mangyan tribe, Jefferson Quartero, 24, overcame bullying in Puerto Galera and finished senior high school, driven to uplift his family. In 2025, he became a scholar under the Gokongwei Brothers Foundation’s Iskolar ni Juan program, which led him to his current job.
PHOTO/S: Gokongwei Brothers Foundation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results