PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OFW’s “lakas ng loob” made him a restaurant owner in Canada

He took a risk despite having no experience in the restaurant business.
by Bernie V. Franco
Published 4 hours ago
Mye's Ribs
After working as an insulator in Libya and later in Canada, Ruben Aquino took a leap of faith and opened a Filipino restaurant--despite having no prior experience in the food business.
PHOTO/S: Mye's Ribs on FB / Omni News

Manifesting.

Ito ang madalas sabihin ng mga taong may pangarap para umangat mula sa kasalukuyan nilang sitwasyon.

Mistulang ganito rin ang naging mantra ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Ruben Aquino.

Tubong-Batangas, nagtrabaho siya bilang insulator sa Libya, Africa, at Canada.

Subalit ayaw ma-stuck ni Ruben sa mabigat na trabaho hanggang pagtanda niya.

Kaya nagtayo siya ng restaurant sa Edmonton, Canada: ang Mye’s Rib Filipino Kitchen restaurant.

Ipinangalan niya ito sa kanyang misis at ina ng kanilang seven-year-old daughter.

Mye's Ribs
The interior of Mye's Ribs in Edmonton, Alberta, Canada. Inset shows Ruben Aquino with wife Mylene and daughter Belle.
Photo/s: Mye's Ribs on FB / Omni News via Mylene Aquino
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: IN FOCUS: Meet "Mr. Freeze" and his ice empire

RESTAURANT AT THE TIME OF PANDEMIC

Tinupad ni Ruben ang kanyang pangarap sa panahon ng pandemya, kung kelan karamihan sa mga establisiyimento ay sarado.

Matapos ang halos limang taon, nakatayo pa rin ang Mye’s Rib Filipino Kitchen.

Isang achievement ito para kay Ruben, na walang anumang karanasan sa pagnenegosyo.

Malaking level up ito mula sa dati niyang trabaho na physically demanding at exposed sa matinding klima at panahon.

“Sobrang lamig. Kasi ang work ko po, work po namin sa labas,” lahad ni Ruben sa Omni News.

“So nagne-negative 30–35 [degrees], tapos nagtatrabaho pa rin po kami sa labas.”

Dagdag pa rito ang lokasyon ng dati niyang trabaho.

“Nagkaproblema rin sa schedule dahil malayong lugar ang location as insulator bilang ang oil pipeline ay sa Alberta.

“Fourteen days on, seven days off. So, ang misis ko po, narito sa Edmonton. Para ding nag-iibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, minsan 21 days ang aming schedules, so hindi rin po kami agad nagkaroon ng baby.”

Edad 40-anyos na raw siya nang magkaanak sila ni Mylene.

“Kung magdalaga siya, matanda na ako, nagtatrabaho pa. So, nag-isip ako na magnegosyo.”

Bukod sa source of income, gusto rin talaga niyang lisanin ang kanyang trabaho noon.

Paliwanag ni Ruben: “Ito, plinano namin kasi ang trabaho ko nga po ay sa labas. Ang mga nakakasama ko sa trabaho 50 years old, 60 years old, nagtatrabaho pa.

“E, malamig po iyon. Parang di ko na kakayanin ang ganoon.”

Binuksan niya ang restaurant sa loob ng isang mall.

Marahil marami ang napakunot-noo dahil kasagsagan iyon ng pandemya.

Sabi pa ni Ruben: “Siyempre, sinong bibili nun, tapos bago pa lang kami?

“Tapos kailangan na 25 percent ng capacity ng mall ang ina-allow lang doon para po may distansiya. Hindi po puwedeng siksikan nun, so doon po nahirapan…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hanggang sa nagkaroon ng 50 percent, 70 percent, 75 percent, hanggang bumalik po sa dati.”

Kung ganoon, bakit sa panahon ng pandemic siya nagdesisyong magnegosyo?

Ani Ruben, mas bumaba kasi ang renta noong pandemic kaya na-afford nilang mag-asawa.

Mye’s Ribs Filipino Kitchen's Famous dishes

Sisig, kalderetang kambing, lomi, at iba’t ibang luto ng ribs ang specialty ng restaurant ni Ruben.

“Ang ribs po namin, malambot po siya. Pag sinerve po namin, kahit po tanggalin yung buto makukuha niyo po siya nang ganoon, dahil po malambot po siya at malasa po ang aming ribs.”

Sa simula raw, hindi bumenta ang kanilang kainan.

Pero naging matiyaga si Ruben.

“Siyempre, bago ka makilala, matagal. Kung hindi ka titikman, hindi ka babalikan.”

Kaya malaking pasasalamat niya sa mga kapwa Pinoy sa Canada dahil sila raw talaga ang tumangkilik sa kanyang negosyo.

Ang iba nga raw, maagang nakatayo at nakapila na sa labas bago pa man sila magbukas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging problema rin ang budget.

“Ang hirap kasi nagtaasan ang mga bilihin. Ang ibang mga businesses po, nagko-close. Ang ibang tao, natututo na lang mag-stay at magluto sa bahay.”

May mga customers daw sa malalayong lugar na dumarayo sa kanilang kainan sa Edmonton.

Ang hiling ng mga ito sa kanya ay magtayo siya ng iba pang branches na malapit sa kanila.

Pero sa ngayon, hindi pa raw nila kaya ito.

At sa kabila ng mga dinaanang hirap, hindi raw naisip ni Ruben ang sumuko.

“Hindi pa naman dumarating sa akin yung pagsuko, e, kasi maraming ways na akong naiisip. Hindi pa ako yung sasabihin na nag-give up. Hindi pa…

“Kumbaga, hangga’t kaya kong gawan ng paran, gagawan ko kasi marami pang option, e, sobrang dami ng option.”

Siya raw ang tipong mas nagiging determinado kapag may hamon.

Wala raw siyang oras na nais sayangin.

Paano naman ang kanyang pamilya kung tutok siya sa pagpapatakbo ng kanyang restaurant?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Buti na lang talaga ang asawa ko, siya ang nagha-hands on kay Bella, buti na lang ang asawa ko, magaling din,” sabi ni Ruben.

Kung abala raw si Ruben sa business, tinitiyak naman ng misis niya ang oras para sa anak at para sa bahay.

Sisig, ribs
Ruben's restaurant is famous for its sisig and ribs.
Photo/s: Mye's Ribs on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUBEN's BUSINESS LESSONS

Nang hingan ng payo, sinabi ni Ruben na ang unang-unang kailangan sa pagnenegosyo ay lakas ng loob.

Pangalawa ay ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa customers at pakikipagkaibigan.

Hindi raw natural kay Ruben ang pagiging sociable, subalit kalaunan ay naturuan niya ang sarili.

“Ngayon, kailangan maging tropa ako ng lahat,” aniya.

Sa pakikisalamuha sa kanila, nakakakuha raw si Ruben ng feedback, at nalalaman niya kung paano niya pa mapapataas ang kalidad ng kanilang pagkain at serbisyo.

Alam na alam din ni Ruben ang mga kailangan para babalik-balikan ang isang food establishment.

Sabi niya, kailangan magbigay ng full service, masarap ang pagkain, affordable, mababait ang staff, fresh food, maganda ang lugar, at may malaking parking area.

Dagdag pa niyang payo, “Pag-aralan ang papasukin at tutukan ang negosyo nang husto.”

Additional source:

Read: The Jefferson Quartero Story: Mangyan scholar who defied all odds

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After working as an insulator in Libya and later in Canada, Ruben Aquino took a leap of faith and opened a Filipino restaurant--despite having no prior experience in the food business.
PHOTO/S: Mye's Ribs on FB / Omni News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results