PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ariel Dome: from balut vendor, kargador to UP Diliman cum laude

Ariel Dome: “Poverty has always been a hindrance to success.”
Ariel Dome graduation
"Walang bata ang dapat mamili sa pagitan ng pangarap at ng susunod niyang kakainin. Walang bata dapat ang magkuba sa trabaho para lang makabili ng papel at lapis.” Ariel Dome, who recently graduated cum laude from UP Diliman, does not want to glorify the extreme poverty he endured before achieving academic success.
PHOTO/S: Ariel Dome on Facebook

Nakaka-inspire ang kuwento ni Ariel Beglilio Dome, 27, na nagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Geography sa University of the Philippines – Diliman ngayong 2026.

Bago siya nakapasok sa kilalang state university sa bansa, kung anu-anong trabaho ang pinasok niya: “balut vendor, taga-hugas ng pinggan sa karenderya, tindero sa palengke, kargador, call center agent, at kung ano-ano pa,” aniya sa kanyang post.

Mulat ang mga mata ni Ariel realidad ng buhay: “Poverty has always been a hindrance to success.”

Idinetalye ng honor student ang kanyang life story sa isang Facebook post noong June 2026.

“Bata pa lang ako, sa edad na anim na taong gulang, alam ko nang mahirap ang aming pamilya,” sabi ng binata na tubong-Negros Oriental.

Inalala niya noong minsang abutan siya ng kanyang ninong ng isanlibong piso.

“Dali-dali itong kinuha ng aking nanay mula sa aking kamay, sabay sabi, ‘Para ito sa gatas ng kapatid mo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng Grade 2, kapag wala siyang pasok, pinaglalako siya ng mga gulay.

“Ginagawa ko ito para lang magkaroon ako ng limang pisong baon araw-araw sa isang linggo tuwing pasukan at may pambili ng mga gamit para sa aking pag-aaral.”

Nadagdagan daw ang hirap ng buhay nang maghiwalay ang kanyang mga magulang sa hindi niya malamang kadahilanan.

Pag-amin ni Ariel: “Masakit na masakit iyon para sa akin, lalo na’t may nakababata pa akong kapatid. Ngunit hindi ko sila sinisisi sa kung ano man ang naging desisyon nila.”

Nagtrabaho ang kanyang ama bilang construction worker sa Cebu, habang ang ina naman ay lumuwas at nakipagsapalaran sa Maynila.

Si Ariel at ang nakababatang kapatid nito ay naiwan sa kanilang butihing Lola Pompie, na aniya ay “naging sandalan ko sa lahat.”

Sa simula ay nakakausap pa raw ni Ariel ang kanyang ina at nakapagpapadala ito ng pantustos. Subalit makalipas ang dalawang taon ay tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpatuloy naman daw ang pagsuporta ng kanyang ama sa kanilang magkakapatid.

“Ngunit hindi pa rin ito sapat para sa aming magkakapatid dahil kumikita lamang siya ng halos PHP2,000 hanggang PHP3,000 kada buwan.”

Para suportahan ang kanyang pag-aaral, sa murang edad ay naghanap siya ng paraan para magkaroon ng pera para sa pag-aaral.

“Tuwing walang pasok, sumasama ako sa aking mga kapitbahay para magguna sa katubuhan, minsan mamulak ng niyog para gawing kopra, o magbunot ug bagol (mag-upak ng bao ng niyog), at magbenta ng bulay, malunggay, at dubon sa Barangay Matauta sa Tayasan, Negros Oriental,” lahad niya.

Gayunpaman, bata pa lamang ay tinuruan na raw siya ng kanyang Lola Pompie na maging masipag at maging mabuti kapwa.

"Namulat na ako sa katotohanang kapag mahirap ka, walang-wala ka,” kuwento ni Ariel.

“Dahil sa hirap ng buhay, minsan, nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang paakyat ng bundok pauwi sa amin, laging nagtatanong: ‘Bakit kasi kami mahirap? Bakit hindi ko puwedeng gawin ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng ibang bata? Bakit ganito ang buhay? Unsa ang akong sala sa Ginoo (Ano ang kasalanan ko sa Diyos)?’”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bunsod ng sitwasyong iyon, may ipinangako ni Ariel sa sarili na iahon ang sarili sa kahirapan.

“Kaya sa tuwing nagsisimba kami ng lola ko, palagi kong pagdarasal sa Panginoon: ‘Kahit makapagtapos lang ako ng pag-aaral nang libre, sana ibigay Niyo.’”

Noon pa man daw ay matibay na ang paniniwala niya na kapag pinagbutihan ang kanyang pag-aaral, bubuti ang kanyang buhay.

Ang hinaharap naman niyang hamon: Paano siya makakapag-aral nang mabuti kung wala siyang pantustos sa pag-aaral.

Isang pagkakataon ng kumatok sa pinto ni Ariel.

Read: Foreign tutor insults English skills of Filipina online teacher

ARIEL GOES TO MANILA

Isang araw, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang tita na nasa Maynila at pinapaluwas siya.

Sa isip ni Ariel, bukod sa maipagpapatuloy niya ang pag-aaral, makikita pa niya ang kanyang ina.

“Kaya sa murang edad na 12, lumuwas ako ng Maynila.”

Mabigat daw ang loob niya noon na mapawalay sa kanyang musmos na kapatid at sa kanyang lola, pero naisip daw ni Ariel na kailangan niyang magsakripisyo upang makaahon sila sa kahirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Takot na takot ako, ngunit kailangan kong maging matapang at iasa sa Panginoong Maykapal ang aking kaligtasan at buhay.”

Tulad ng marami, iniisip daw noon ni Ariel na bubuti ang lagay ng kanilang buhay kapag nakapunta na siya ng Maynila.

“Ngunit hindi iyon ang aking inaasahan pagdating ko sa Maynila,” aniya.

Malaki ang naging adjustment ni Ariel lalo na't hindi siya marunong mag-Tagalog.

Naranasan daw niyang ipahiya ng guro sa harap ng klase dahil nakalimutan niyang gumamit ng “opo.”

Katwiran niya: “Bilang isang lumaking Bisaya at bagong salta sa Maynila, ‘oo’ ang nakasanayan naming gamitin na katumbas ng salitang ‘po’ at ‘po.’”

Makalipas lamang daw ang ilang buwan mula nang lumuwas, nag-drop daw si Ariel sa paaralan.

“Hindi na ako pumasok, dagdag pa nang ma-trigger ang aking household traumatic experience, na siyang naging dahilan kung bakit ako naglayas sa bahay ng aking tita nang halos isang taon,” aniya.

Hindi idinetalye ni Ariel ang kanyang traumatic experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglayas at nagpalabuy-laboy si Ariel. May kumupkop daw sa kanya at nagtinda siya ng sampaguita sa Mindanao Avenue.

“Naranasan ko ang matulog sa ilalim ng tulay o gilid ng kalsada.”

Habang naging palaboy, hindi raw siya tinantanan ng kanyang takot na hindi na niya matutupad ang pangarap na makaahon sa kahirapan at matulungan ang pamilya niya.

Ariel Dome graduation
Ariel Dome graduates cum laude with Bachelor of Science in Geography from the University of the Philippines – Diliman.
Photo/s: Ariel Dome on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isang araw, bigla na lang akong dinakip ng aking tita habang kumakain ako ng sampung pisong lugaw na may kasamang limang pisong tokwa.”

Nagsilbi raw redemption ang pagkakataong iyon upang mabigyan ng isa pang pagkakataon na baguhin ang kanyang buhay.

Lahad ni Ariel: “Pinapili nila ako: kung uuwi ba ako sa Tayasan, Negros Oriental, o pupunta sa Mindanao para maging working student sa poder ng aking tito.”

Nangibabaw raw ang takot ni Ariel na baka hindi siya makapagtapos kung uuwi sa kanila kaya piniling maging working student sa Mindanao kasama ang kanyang tiyuhin.

Bilang working student, tiniis daw niya ang lahat ng trabahong iniatang sa kanya ng kanyang tito.

“Naging tindero sa palengke, boy sa bahay, dishwasher sa karinderya, kargador, at tindero ng balut.”

Mahirap man daw ang pinagdaanan, marami raw siyang natutunan mula sa kanyang tiyo.

“Isa na roon kung paano mabilis na maubos ang panindang balut at kung paano maging wais sa negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko talaga makakalimutan ang mga aral niya sa akin, kahit na palagi niya akong hinahabol ng pamalo habang nakatago ako sa likod ni tito.”

Isa pang pangaral daw sa kanya: “Kahit anong mangyari, mag-aral ka nang mabuti!”

Aminado si Ariel na hindi naging madali ang kanyang high school life. Bukod sa kinaharap na financial constraints, wala raw siyang emotional support at supportive environment.

“Hanggang ngayon nga ay nahihirapan pa rin akong i-appreciate ang aking sarili at maging proud sa mga narating ko,” pag-amin niya.

Read: Tips: Three smart ways to grow your money without big capital

COLLEGE LIFE and the challenges

Nairaos daw niya ang high school at pagkokolehiyo naman ang kanyang kailangang iraos.

Hindi pa raw siya nagtangkang umuwi sa Tayasan dahil nangako siya sa sariling uuwi lamang siya roon kapag nakapagtapos siya.

Naging self-supporting student si Ariel. Pinagsabay niya ang pag-aaral sa National University Manila, habang nagtatrabaho bilang call-center agent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan kong magtrabaho habang mapapanatili ang aking mga grado upang hindi matanggal ang aking scholarship,” aniya.

Subalit hindi nagtagal ay napilitan daw siyang iwanan ang kanyang scholarship matapos ang dalawang taon.

“Iniyakan ko iyon nang halos isang buwan, pero wala akong magawa. Ang pinagdasal ko noon na ‘Kahit libreng kolehiyo lang, Lord, ako na ang bahala sa iba,’ ay tila naging bato pa.”

Sa kabila ng kanyang sinapit, hindi nagpadaig si Ariel sa sitwasyon.

Aminadong matigas ang ulo, nagdesisyon siyang lumipat sa UP noong 2020.

Pag-amin niya: “Wala sa plano, pero dahil sa sobrang tagal ng results na in-apply-an ko sa iba’t ibang pamantasan dahil sa pandemic, ay sumubok ulit sa pangalawang pagkakataon na mag-apply for transferee sa UP.”

Natanggap siya sa UP.

Itinuturing niyang second chance ang maipagpatuloy ang pag-aaral sa college.

“Hindi ko pinangarap kailanman mag-aral sa UP. Ang gusto ko lang sa buhay ay makapag-aral nang libre sa matrikula,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong niya: “For those who do not know me, yes, I am a transferee. Hindi ako UPCAT passer dahil alam ko namang hindi ako papasa. To cut my exciting undergrad story short, nagawa kong makapasok sa Unibersidad.”

Binanggit ni Ariel na dalawang taon siyang tumigil sa pagkokolehiyo para mag-aral at mag-ipon, subalit masaya siyang nairaos ang kanyang kolehiyo.

Naglahad si Ariel kung ano ang naging kuwento niya habang nag-aaral sa UP Diliman.

“Hindi naging madali ang bawat araw ko sa unibersidad dahil palagi kong kaakibat ang problema kung saan ako kukuha ng pagkain at pang-araw-araw na gastos.”

“Minsan bumibili na lang ako ng 30 pesos na kanin, sabay humihingi nang sabaw sa karinderya sa A2 lalong-lalo na [sa] panahong gipit na gipit ako.”

Binanggit din niya ang kanyang traumatic experience sa College of Science Library, nang matapunan ng kape ang kanyang laptop.

“Halos gumuho ang mundo ko dahil iyon ang pinaka-importanteng bagay na meron ako para sa aking freelancing at pag-aaral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya pa: “AT HIGIT SA LAHAT, ANG WALA KANG KAHIT SINONG MATAKBUHAN KUNDI SARILI MO LANG. Pero sa kabila ng lahat, heto, pinarating ko pa rin sa dulo.”

Lola Pompie
Ariel's beloved Lola Pompie, who took care of him after his parents separated.
Photo/s: Ariel Dome on Facebook

ARIEL oN HIS SUCCESS STORY

Sa kabila ng kanyang success story, hindi pabor si Ariel na tingnan ito bilang katunayan na hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Naniniwala din ako na hindi sapat ang sipag, talino, at pagtitiyaga, para mapagtagumpayan natin ang mga bagay na gusto nating gawin, lalong-lalo na kapag mahirap ka.

“I vehemently refuse to glorify the extreme poverty that I went through.”

Naniniwala siyang hindi ang langit ang nagpapadala ng pagsubok.

“Ito ay bunga ng isang sistemang bingi at bulag sa mga nakakarami na nasa laylayan ng ating lipunan.

“Hindi natin dapat ginagawang palamuti o kuwentong pampasigla ang gutom at ang child labor.

“Sapagkat ang totoo, walang bata, ang dapat mamili sa pagitan ng pangarap at ng susunod niyang kakainin. Walang bata dapat ang magkuba sa trabaho para lang makabili ng papel at lapis.”

Sabi niya pa: “Kung nairaos ko man ang UP, hindi ito dahil sa naging matatag, may pusong ayaw sumuko, o pursigido ako.

“Nairaos ko ito dahil may mga taong naniwala, may mga taong nagbukas ng pinto, at dahil may nakikita pa akong pag-asa na lahat ay maaaring magbago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang kahirapan kailanman ay isang malaking balakid sa kaunlaran. Isa ito sa mga pinakamahalagang aral na napulot ko sa Unibersidad.”

Bilang iskolar daw ng bayan, ang kanyang tagumpay at kabuluhan ay hindi masusukat sa kanyang achievements, kundi kung paano siya makakatulong sa iba.

Hindi raw natatapos sa pagsusuot ng Sablay ang kanyang journey.

Tinapos ni Ariel ang kanyang post sa pagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya para makapagtapos: ang UP, ang kanyang mga guro, ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang lola Pompie, mga kaibigan.

MESSAGE TO THE YOUTH

Sa pamamagitan ng direct messaging, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariel.

Binigyang-diin niya ulit na kahirapan ang balakid sa tagumpay.

“I refuse to glorify the extreme poverty that I went through. Hindi sapat ang sipag at tiyaga lang kapag mahirap ka. Kahit gaano ka kasipag, kung salat ka sa oportunidad at suporta, napakahirap makabangon.

“Furthermore, naniniwala ako na ang edukasyon ang isa sa mga pangunahing susi para kahit papano ay maiahon natin ang ating sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Quality education is a basic human right. Karapatan ito ng lahat at hindi lamang pribilehiyo ng iilan. If the world were fair enough, no child or student should ever have to go through what I experienced.”

Mensahe niya sa mga makakabasa ng kanyang kuwento: “While people may find inspiration in my story, I hope it also enrages them to challenge the systemic poverty that forces people into these situations in the first place."

May mensahe rin siya sa mga kabataang tulad ni Ariel noon, hirap pero nangangarap.

“Do it scared and dream bigger! Valid na matakot, maawa sa sarili, o mapagod. Dahil sa totoo lang, hindi madali ang lumaban nang mag-isa,” ani Ariel.

“Pero huwag nating hahayaang pigilan tayo ng takot na iyon para mangarap.

“At higit sa lahat, huwag mahihiyang humingi ng tulong. Hindi natin kailangang buhatin ang mundo nang mag-isa.

“Kaya napaka-importante na mayroon tayong tamang kaibigan na nakaalalay at komunidad na handang magbukas ng pinto kung kinakailangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Currently employed ngayon si Ariel, pero hindi pa rito nagtatapos ang kanyang pangarap.

Pagbabahagi niya: “Kasalukuyan, humbly, may full-time work na ako since June before my graduation. And at the same time, nag-aaral ako pano mag-video editing dahil gusto ko maging GIS [Geographic Information System] educator on the side sa pamamagitan ng pagtuturo ng GIS Tutorials in Filipino/Bisaya/Taglish language para mas madaling maintidihan ng mga balak matuto sa pagmamamapa.

“In the future, balak ko kumuha ng Diploma in Urban and Regional Planning dahil gusto ko maging Environmetal Planner at ipagpatuloy ang naudlot kong pangarap na kumuha ng postgrad sa cartography abroad kung makakuha man ng full scholarship.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang bata ang dapat mamili sa pagitan ng pangarap at ng susunod niyang kakainin. Walang bata dapat ang magkuba sa trabaho para lang makabili ng papel at lapis.” Ariel Dome, who recently graduated cum laude from UP Diliman, does not want to glorify the extreme poverty he endured before achieving academic success.
PHOTO/S: Ariel Dome on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results