PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aira Brigola: Blind graduate who passed psychology board exam

An allergic reaction to a medicine caused her blindness at the age of 11.
by Bernie V. Franco
Published 14 hours ago
Aira Brigola, Braille
Aira Brigola is among the 14,146 examinees who passed the Psychometricians Licensure Exam this 2026. She says: “Yung kapansanan po ay hindi naman depinisyon ng ating kakayahan at yung mararating natin sa buhay."
PHOTO/S: Our Lady Of Fatima University on FB / Canva

Si Aira Brigola ay kabilang sa mga nakapasa sa Psychometricians Licensure Exam nitong September 2026.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Psychology sa Our Lady of Fatima University (OLFU) Antipolo Campus ngayong taon.

Siya rin ay totally blind.

Pero sa kabila ng kanyang kondisyon, paano niya naipagpatuloy ang pag-aaral, nakapagtapos, at nakapasa pa sa board exam?

Read: 'Hi, goodbye, sahod.' Money leaks you might not be aware of

GOING TOTALLY BLIND

Ani Aira, hindi congenital ang kanyang blindness.

Nadapuan siya ng karamdaman at ang gamot na ininom ay nag-cause ng allergic reaction na naging sanhi para mawalan siya ng paningin.

Sa edad na pito, naaksidente raw si Aira noon at nalaglag sa lababo, kuwento niya sa “The Age is Right” segment ng Eat Bulaga! nitong October 5, 2026.

Nagresulta ito sa episodes ng seizures.

Nung ipinagamot si Aira, binigyan siya ng gamot na phenobarbital para sa kanyang seizure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang gamutang ito ay nauwi sa pagkakaroon niya ng Stevens-Johnson Syndrome (SJS), isang uri ng medical condition kunsaan nagkakaroon ng hypersensitivity reaction ang patient sa iniinom na gamot.

Sa edad na 11, unti-unti siyang nawalan ng paningin.

Grade 5 siya noon at napilitang tumigil sa pag-aaral.

Nang usisain ang kanyang doktor, sinabihan si Aira na isa siya sa 100 pasyente na nakakaranas ng SJS dahil sa gamot na ininom.

Read: Free online AI and cloud courses offered by TESDA

CONTINUING HER EDUCATION

Dalawang taon siyang tumigil sa pag-aaral.

Kasunod nito, nakiusap siyang ituloy ang pag-aaral.

In-assure naman siya ng mga magulang na gagawin nila ang lahat para suportahan siya at mapalaki nang maayos.

Humanap sila ng Special Education (SpEd) center.

Pinag-aral din siya ng Braille.

“Sobrang hirap po kasi nung nag-aral po ako nung Braille, inabot po ako ng eight months before ko po makabisado yung basic Braille. Para po akong bumalik ng kinder,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakahanap si Aira ng lakas ng loob dahil sa kanyang pamilya at pananalig sa Diyos.

“Hindi po madali yung pinagdaanan ko, and sinabi ko sa sarili ko na kahit na wala na po akong paningin, papatuloy po ako sa pag-aaral dahil yun lang ang tanging puwedeng maibigay ng magulang ko para sa akin.”

Ang nanay niya ay Overseas Filipino Worker, habang siya ay ginabayan ng kanyang ama at Lola Nora, na umaruga sa kanya mula pagkabata.

Si Aira ay panganay sa limang magkakapatid.

Pero dahil tumigil siya ng pag-aaral, naging kaklase niya ang dalawang kapatid, na naging malaking tulong sa buhay niya bilang estudyante.

ON COLLEGE AND PASSING THE BOARDS

Sa ulat ng One News, ikinuwento ni Aira kung bakit Psychology ang napili niyang kurso.

“Marami po kasing mahihirap na pinagdadaanan sa buhay ang mga PWDs dahil ako nga po pati ay dating nakakakita na biglang nabulag po, kaya alam ko po kung gaano kahirap yung transition…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami raw mga unibersidad na tumangging tanggapin siya dahil sa kanyang kondisyon, kaya malaki ang pasasalamat niya sa Our Lady of Fatima University (OLFU) Antipolo Campus.

Sa tulong ng Braille, recorder, pamilya, at mga kaklase, naibsan ang hirap ng kanyang college journey.

“In-assist po ako nung kapatid ko. Siya po yung magpindot kapag may quizzes po.

“May mga pagkakataon po na hindi ko talaga nagagawa yung tasks ko nang maayos. Struggle ko noon hindi po ako ganoon karunong pagdating sa computer.”

Tinulungan din daw siya ng ilang classmates sa pagta-translate ng mga aralin noon sa Braille.

Tuwing papasok sa school, inihahatid siya ng ama hanggang gate ng school at nagpapasundo naman siya sa mga kaklase papasok sa classroom.

Paano siya nagre-review?

“Recording pa rin. Tapos pag may exam po na kailangan pong sagutan for drills, ina-assist po ako nung kaklase ko, or either isinasama ko po yung kapatid ko po doon sa mismong review po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa post ng RGO Psychology Review Center, binanggit kung paano nag-exam si Aira.

Parte ng post, “During the exams, the staff of PRC dictated to her the exam with choices, then shade Aira's answer in the scantron paper.”

Nagbunga ang paghihirap ni Aira dahil pumasa siya sa licensure exam.

Ginanap ang pagsusulit noong September 1-2, 2026.

Lumabas naman ang resulta noong katapusan ng September.

Plano ngayon ni Aira na magpahinga muna bago simulan ang paghahanap ng trabaho.

May mensahe si Aira sa mga katulad niyang PWDs.

“Yung kapansanan po ay hindi naman depinisyon ng ating kakayahan at yung mararating natin sa buhay.

“Ang pinakamahalaga po, e, paano niyo gagamitin yung kakayahan at yung mga bagay na meron kayo para po maabot niyo yung mga parangap niyo…

“Kasi po yung kapansanan, mahirap siya, oo, pero kung matututunan natin itong tanggapin at gamitin ito upang maging kalakasan, maaari po itong magbigay sa atin ng dahilan para makapagpatuloy pa po sa buhay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aira Brigola is among the 14,146 examinees who passed the Psychometricians Licensure Exam this 2026. She says: “Yung kapansanan po ay hindi naman depinisyon ng ating kakayahan at yung mararating natin sa buhay."
PHOTO/S: Our Lady Of Fatima University on FB / Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results