Nagtapos bilang cum laude mula sa University of the Philippines (UP) Mindanao si Raymor Cuevas.
Sa kabila ng kanyang academic achievement, mas pinili ni Raymor na maging full-time content creator.
Para sa iba, malaking sugal ito lalo na't fresh graduate siya. Pero pinatunayan ni Raymor na kaya niyang kumita and, at the same time, i-pursue ang kanyang passion.
Sa ngayon, meron siyang 2.9 million followers sa TikTok at 944,000 followers sa Facebook.
Nakilala siya sa kanyang educational short video formats ukol sa mga trivia, science, at general knowledge.
May mga brand collabs din siya.
Pero bakit mas pinili ni Raymor ang pagiging digital creator at bakit ito ang karerang pinasok dniya?
Read: EXPLAINER: Pinoy doctors shed light on early cancer detection
RAYMOR LOVES TEACHING
Passion ni Raymor ang pagtuturo sa mga indigent groups.
“When I was in elementary, high school, nagtuturo na po talaga ako sa mga school communities under sa mga NGO [non-government organizations],” kuwento niya sa "The Age is Right" segment ng Eat Bulaga!
First year college siya nang magturo sa school organizations.
Subalit ang kanyang advocacy ay naudlot nang tumama ang pandemic. Nakaisip siya ng alternatibo para maipagpatuloy ang kanyang pagtuturo.
“I decided na parang yung mga ginagawa ko para sa mga small communities, ‘What if dalhin ko siya sa social media?’”
Naisip niya na puwedeng gamitin ang online apps bilang “platform to share information to everyone.”
Taong 2021, sinimulan niya ang pagiging full-time educational content creator.
Ginawa niyang entertaining ang kanyang mga educational videos para magaan panoorin.
“Passion ko po kasi talaga ang pagtuturo. Instead of delving into pure entertainment, in-inject-an ko po ng entertainment yung education.”
Aniya, ang kanyang main goal sa pagbabahagi ng educational content “is to share factual information through fact checking.”
Paalala niya, “Kailangan tama po ang impormasyon na naibabahagi natin.”
Via direct messaging, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymor tungkol sa kanyang journey.
RAYMOR’S CAREER PLAN
Si Raymor, 24, ay isinilang sa Digos City, Davao del Sur, pero kasalukuyang nakatira sa Pasig City.
“I grew up in a humble family,” aniya sa sagot na ipinadala noong October 22, 2026.
Bunso siya sa tatlong magkakapatid.
Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Food Technology.
“I learned the importance of perseverance and education dahil we experienced financial challenges, which made opportunities like studying at the University of the Philippines especially meaningful to me.”
Nabaling na ba ang kanyang career goal sa pagiging full-time content creator?
“Perhaps the biggest plan in line with this ay ang mag-produce ng educational digital show na full-blown episodes, discussing general sciences.
“Kasi ang goal ko talaga ay maging accessible ang quality at scientific education dito sa Pilipinas,” sagot niya sa PEP.
“I also have plans [of] taking up masters in Food Engineering or Food Science in the near future apart from taking up Med School.”
Naging platform din daw ang social media upang maipakilala niya nang lubos ang kanyang kinuhang college degree.
Sabi niya: “Mas nagkaroon ng space at platform ang degree program ko as a food technologist, kasi, before parang hindi pa talaga masyado kilala ang food technology or kung ano ang trabahong ito.
“Pero nung nalaman nilang isa akong Professional Food Technologist, mas marami na ang taong mas aware about dito, and mas nadagdagan ng credibility ang mga impormasyon na binabahagi ko online.”

ON PROS AND CONS OF CONTENT CREATION
Iba ang approach ni Raymor sa pagharap sa kanyang critics at bashers.
“Pinapaintindi ko sa kanila yung side ko by providing factual information in peaceful and kind way.
“Pero kapag hindi na talaga sila receptive sa impormasyon na binabahagi ko, I make use of social media tools like restrict, delete, block.
“This helps me protect my peace and the community I am building online.”
Inilista rin niya ang pros and cons ng pagiging educational content creator.
Narito ang inisa-isa niyang pros:
- Mas nabibigyan mo ng platform, boses, at access ang mga kabataan na deprived sa kalidad na edukasyon.
- Nakakapag-educate at inspire ka ng people through accessible and engaging content.
- You can earn while doing something you're passionate about.
- You get to create a meaningful impact and make learning more accessible.
- You continuously learn new things through research and fact-checking.
Ito naman ang mga binanggit niyang cons:
- Time-consuming ang research, scripting, and fact-checking.
- You have to deal with criticism, misinformation, and online bashing.
- Nakaka-experience ng burnout dahil sa pressure to create content consistently.
- Unpredictable ang income at brand deals, kahit gaano ka pa ka-consistent.
Read: Heat cramps, heat exhaustion, heat stroke: What you need to know
RAYMOR DESCRIBES HIS WORK PROCESS
Ipinaliwanag ni Raymor kung paano niya ginagawa ang kanyang mga content.
“Nagsisimula ang content creation sa pagpili ng interesting and relevant topic, followed by extensive research and fact-checking gamit ang credible sources.
“After that, gumagawa ako ng script na madaling maintindihan ng audience, usually in Taglish, while making sure na scientifically accurate pa rin ang information.
“Then, I proceed with filming, editing, and adding visuals to make complex topics easier to understand.”
Kadalasan daw ay inaabot siya ng isang araw para makumpleto ang isang content, pero depende pa rin daw ito sa complexity ng isang topic.
“Mas matagal ang research kapag scientific or current issues ang pinag-uusapan dahil kailangan kong siguraduhin na accurate, balanced, and responsible ang information bago ito i-publish.”

FULFILLMENT
Fulfilling para kay Raymor ang ginagawa niya dahil marami ang mga taong natututo sa kanya.
“Ang pinakamalaking fulfillment para sa akin ay malaman na may natutulungan akong matuto, at mas maintindihan ang science at mga isyung nangyayari sa mundo.
“Seeing how my content sparks curiosity and makes education more accessible reminds me na more than views and likes, may tunay na impact ang ginagawa ko,” paliwanag ni Raymor.
“Minsan, may mga students na nagsasabi na tumaas daw ang grades nila sa science sa panonood ng video ko, or mga students na nagko-comment at nagme-message na sa akin lang daw nila naintindihan ang certain topics na dini-discuss ko.
“May mga teachers din na nagme-message sa akin na hinihiram yung videos ko as a learning material sa pagtuturo sa students nila.”
Pagtatapos ni Raymor, “For me, one of the best compliments is knowing na may mga taong nagkakaroon ng bagong perspective at appreciation for learning because of my content.
“That reminds me na education can be made accessible to everyone.”
