PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mulbert Dominguez: Stroke survivor, Top 6 in teachers' board exam

A stroke, a shift in dreams, and a new beginning
Mulbert Dominguez, topnotcher
Hindi nagpatalo ni Mulbert Dominguez sa mga pagsubok sa kanyang kalusugan. Sa kabila ng pagiging stroke survivor, tinapos niya ang pag-aaral at naging board topnotcher.
PHOTO/S: Mulbert Dominguez

Sa murang edad pa lang ay idolo na ni Mulbert Morillo Dominguez ang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalaki.

Pareho kasing nagtapos bilang valedictorian ang kanyang dalawang kuya noong elementary.

Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid.

Dating overseas Filipino worker sa Riyadh ang kanyang ama, at housewife naman ang kanyang ina.

Nang magsimula siyang mag-aral, agad nagpakita si Mulbert ng potensiyal.

Salutatorian siya nang magtapos ng elementary.

Dahil sa achievement na ito, lalo siyang na-inspire na pagbutihin pa ang pag-aaral.

Siya ang naging valedictorian nang magtapos ng sekondarya sa Angeles City Science High School, at tumanggap ng Youth Leadership Excellence Award.

Sa mga panahong iyon, nagsimula na ring mangarap si Mulbert na maging isang doktor.

Mulbert Dominguez graduation
Si Mulbert Dominguez at ang kanyang pamilya nang magtapos siya sa kolehiyo.
Photo/s: Mulbert Dominguez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Raymor Cuevas: UP cum laude who brings education to social media

MULBERT DOMINGUEZ ENROLs IN A MEDICAL PROGRAM TO BECOME A DOCTOR

Nakapanayam si Mulbert ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last October 23, 2026, via Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, nang papasok na siya sa kolehiyo noong 2019, nagbukas ang University of Santo Tomas ng kursong Learning-Enhanced Accelerated Program for Medicine (LEAPMed) of the University of Santo Tomas.

Nakapasa siya sa highly competitive admission process, at nabigyan ng slot sa program.

Para kay Mulbert, iyon na ang unang hakbang para sa katuparan ng matagal na niyang pangarap.

“I took up LEAPMed because I was always inspired by my eldest brother to become a medical doctor like him.

“Another course I was thinking to take up in college was Bachelor of Science in Public Health at UP Manila to serve as my pre-med course as well.

“But I didn’t pursue it since I already passed this prestigious accelerated medicine program in UST wherein I could be part if its pioneer batch.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robbie Jaworski opens up about "my woman" Magui Ford

MULBERT SUFFERs STROKE

Gayunpaman, may iba palang inilaan ang tadhana para kay Mulbert na hindi niya inaasahan.

Noong September 2020, habang uma-attend siya ng online classes sa kanilang bahay sa Pampanga sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, nakaranas siya ng matinding sakit ng ulo.

Agad siyang isinugod sa ospital.

Sa CT scan, natuklasang nagdurugo ang kanyang utak.

Na-diagnose siya na may subarachnoid hemorrhage sanhi ng ruptured congenital arteriovenous malformation (AVM).

Inilipat siya sa intensive care unit ng isang tertiary-level hospital kung saan nanatili siya sa loob ng mahigit tatlong linggo.

Dahil sa brain hemorrhage ni Mulbert, nagkaroon ng ilang neurological complications kabilang ang slurred speech and left-sided weakness.

Ilang buwan siyang bedridden.

Sumailalim din siya sa multiple medical procedures gaya ng glue embolization at two rounds of stereotactic radiosurgery.

Para mabawi ang kanyang lakas, sumailalim siya sa physical and occupational therapy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Mulbert Dominguez in the hospital
Si Mulbert habang nasa ospital.
Photo/s: Mulbert Dominguez

MULBERT got out of a TOXIC RELATIONSHIP

Sa kabila ng kinakaharap na physical, emotional, and psychological difficulties, hindi inabandona ni Mulbert ang kanyang pag-aaral.

Gayunpaman, tulad ng ibang college students, bukod sa kanyang issue sa kalusugan ay may iba pa siyang challenges na kinaharap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I developed my major depressive disorder which actually started apart from getting sick [stroke].

“I’ve been from a toxic relationship wherein I was introduced to the concept of ‘casual dating’ that I was not really used to then that aggravated the stress of pre-med school.

“I clinged so much to this person only to be forsaken by him in the end.”

At kung paano niya na-survive ang challenges ng buhay-college sa harap ng mga ganitong problema: “I eventually found more purpose in life.

“Psychotherapies helped, and of course, the love of my family and friends.”

Mulbert gives up on his dream of becoming a doctor

Kaakibat ang mga pagsubok sa kanyang kalusugan, muling pinatunayan ni Mulbert ang kanyang academic excellence.

Nakumpleto niya ang undergraduate studies sa UST at nagtapos ng Bachelor of Science in Basic Human Studies bilang cum laude noong June 08, 2022.

Sa kasamaang palad, makalipas ang dalawang taon sa program, tuluyang nahinto ang kanyang journey para maging ganap na medical doctor.

Dahil sa kanyang medical condition, pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na huwag nang mag-proceed sa regular medical curriculum.

“Although this was a painful turning point in my life, I gradually learned to accept that some dreams may take a different direction.”

MULBERT's OTHER CHILDHOOD DREAM

Nagbalik si Mulbert sa Pampanga at nag-pursue ng Master's degree in Psychology sa Holy Angel University.

“My decision was deeply influenced by my personal experiences with mental health challenges, particularly my battle with major depressive disorder.

“The compassion and support I received from my psychologists inspired me to understand human behavior more deeply and, eventually, to help others experiencing similar struggles.”

Habang kinukumpleto ang kanyang graduate studies at nagpapatuloy ang rehabilitation, ikinunsidera ni Mulbert ang isa pa niyang childhood dream—ang maging isang teacher.

“Teaching was something I had once envisioned for myself during my elementary years, and I eventually decided to pursue it professionally.”

Naging senior high school teacher siya sa dalawang educational institutions sa Angeles City at Mabalacat City, Pampanga.

Makalipas ang dalawang taon ng pagtuturo, nagdesisyon si Mulbert na mag-review para sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

Kumuha siya ng board exam noong March 2026.

Top 6 si Mulbert sa secondary level, at nakakuha ng 94 percent rating.

Mulbert Dominguez oathtaking
Ang mga "constants" sa buhay ni Mulbert Dominguez
Photo/s: Mulbert Dominguez

MULBERT's BOARD EXAM

Sa kanyang pagre-review para sa board exam, pinaka-challenging para sa kanya ang time management.

“It was difficult during review season especially because I had to attend physical therapy sessions then.

“And I would even attend final coaching sessions with a cane.”

Sagot naman niya sa tanong kung nahirapan ba sa siya board exam, sagot niya: “Not to be boastful, pero hindi.

“Kasi na-prepare nang husto ng review center and years of doing well academically in school.”

At nang tanungin kung umasa ba o nangarap na maging topnotcher, matatas niyang sagot: “Oo naman!

“Kumakain ako nung ibinalita sa akin ng isang psychologist na di ko naman gaanong ka-close.

“So, siyempre natuwa ako.”

Agad siyang nag-message sa group chat ng kanilang pamilya.

“Para malaman nina Kuya and para i-confirm din nila kasi di pa nga ako sure noon.”

Nag-search din siya sa post ng Professional Regulation Commission (PRC) para makumpirma.

“Ayun, legit nga! Ibinalita ko kina Kuya at sa partner ko.

“Hindi na ako nakakain ng lunch noon.”

Para kanino iniaalay ni Mulbert ang tagumpay?

“Unang-una kay Lord na nagbigay ng ganitong talino at blessings sa akin gaya ng napaka-supportive na pamilya.

“And of course, sa pamilya ko, lalo na kina Papa at Kuya na naghahatid-sundo sa akin sa mga review sessions namin at sinamahan ako noong mismong test day.”

MULBERT PLANS TO PURSUE A CAREER IN EDUCATION, PSYCHOLOGY

Sa ngayon ay connected si Mulbert sa Diña Asuncion Lee Integrated School bilang School Counselor Associate.

“I’m planning to pursue my career in the Department of Education and take the psychologist board exam by the coming year to be a full-fledged school counselor.”

Makukumpleto naman niya ang Masters in Psychology sa Holy Angel University sa November 20, 2026.

Dahil sa kanyang mga pinagdaanang mabibigat na pagsubok at patuloy na pagtatagumpay, may payo si Mulbert sa mga nais magtapos ng pag-aaral sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Aniya: “Huwag matakot mangarap.

“At laging isipin ang mga taong naniniwala sa iyo at ang mga dahilan kung bakit mo kukunin ang kursong gusto mo para magtuluy-tuloy ka sa pag-abot ng mga pangarap mo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagpatalo ni Mulbert Dominguez sa mga pagsubok sa kanyang kalusugan. Sa kabila ng pagiging stroke survivor, tinapos niya ang pag-aaral at naging board topnotcher.
PHOTO/S: Mulbert Dominguez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results