PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Kuya Kurt, American influencer with “ugaling Pinoy”

Kuya Kurt: “Parang na-appreciate ko pa yung mga ugali ng mga Pilipino."
by Bernie V. Franco
Published 2 days ago
Kuya Kurt main
American content creator Kurt Harris, popularly known as Kuya Kurt, has captured the hearts of Filipinos for his fluency in Tagalog and his content that reflects the sensibilities of Pinoy culture.
PHOTO/S: Kuya Kurt on Facebook

Isang familiar face sa mga Pilipino si Kuya Kurt, isang American content creator na tampok sa kanyang videos ang pakikisalamuha niya sa ordinaryong tao.

Matatas din siya sa pagta-Tagalog.

Kadalasan, nagbi-video siya habang kumakain sa mga karinderya at binabati ng mga kapwa customers at mga drivers ng jeepney at traysikel.

Si Kurt ay mayroong 5.8 million subscribers sa Facebook, 346,000 followers sa Instagram, at 5.3 million likes sa TikTok.

Naglipana ngayon ang foreign content creators na nagpo-post ng magaganda tungkol sa Pilipinas.

Ang ipinagkaiba ni Kurt sa kanila ay tumira at namuhay muna siya sa Pilipinas kaya kabisado niya ang wika at pag-uuagali ng mga Pilipino.

Sa pagkabighani niya sa bansa, nagdesisyon siyang iwan ang Amerika at tumira sa Pilipinas.

Read: VIRAL: Student’s hug that took his teacher by surprise

HOW KURT LEARNED ABOUT THE PHILIPPINES

Kurt Harris sa totoong buhay, teenager pa lamang siya noong napadpad sa Pilipinas.

Isa siyang Mormon na nakatira sa Utah, USA, at nadestino sa Pilipinas bilang missionary taoong 2001.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sabihan siyang idedestino sa Pilipinas, ang una raw niyang tanong, “Saan ba iyon?”

Wala raw siyang kaalam-alam tungkol sa bansang kanyang pupuntahan.

Nagkuwento si Kurt sa YouTube interview ni Luchi Cruz-Valdes noong April 9, 2026.

Bago ipadala sa Pilipinas, may “boot camp” sila sa Utah kunsaan sinasanay ang mga misyonaryo. Doon din siya binigyan ng crash course sa Tagalog.

Noong nakarating sa bansa, una siyang napadpad sa Bangued, Abra.

Kalaunan ay nadestino rin siya sa La Union at Pangasinan.

Mas lalo siyang natutong mag-Tagalog.

Matapos ang dalawang taon, natapos ang kanyang mission at umuwi sa Utah.

Kuya Kurt missionary
As a teenager, American Kurt Harris was assigned to rural areas in the Philippines as a missionary. His two-year stay made him fall in love with the country and its people..
Photo/s: Kuya Kurt on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MISSING LIFE IN THE PHilippines

Nang makabalik sa U.S., naging bahagi siya ng U.S. Marine Corps.

Sa puntong iyon, namuhay siya nang normal.

Pagkatapos ay na-deploy siya sa ibang bansa sa Latin at South America, Africa, at Iraq.

Nasaksihan niya ang gulo sa giyera, bagama’t hindi direktang nakipagpalitan ng mga putok ng baril dahil na-assign siya sa armored vehicles.

Nakaramdam daw siya ng takot, pero may halong excitement, na tipikal sa mga nasa 20s ang edad.

Sa yugto raw ng buhay niyang iyon, mula 2003 hanggang 2018, maraming naranasan sa buhay si Kurt: college life, love life, grad school.

Tumira rin siya sa New York at Los Angeles.

Taong 2018, maraming taon mula nang mamuhay bilang missionary, naramdaman daw ni Kurt ang pangungulila sa Pilipinas.

“I missed it talaga. Naisip ko talaga na, ‘Grabe, ang saya ng buhay ko bilang misyonaryo.’”

Kuya Kurt Marine
Later on, he returned to the U.S. and joined the U.S. Marine Corps and was sent to war-torn countries. The horrors of war made him realize how much he missed the kindness of Filipinos.
Photo/s: Kuya Kurt on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya pa, iyon daw ang panahon bago ang pagbulusok ng social media at mobile phones kaya’t alam niya ang pamumuhay ng mga nasa probinsiya.

“Nandiyan ka lang sa barangay kasama ang mga tao, so talagang masaya ang buhay ng panahon ko na iyon,” pagbabalik-tanaw ng American influencer.

Bukod sa nangungulila sa Pilipinas, nakakalimutan na raw niya ang pagta-Tagalog dahil matagal na niyang hindi ito nagagamit.

Kaya’t ang ginawa ni Kurt ay ginamit ang social media para makipag-connect sa mga Pilipino online, kabilang ang mga nakilala niya noong missionary pa siya, para ma-refresh ang kanyang pagta-Tagalog.

Gumawa siya noon ng short videos kung saan nagtatanong siya kung ano sa Tagalog ang mga bagay-bagay, at ipinapakita sa videos ang mga natutunan mula sa Filipino culture.

Read: Foreigners’ alleged misconduct in Siargao goes viral; LGU reacts

RETURNING TO THE PHILIPPINES

Noong June 2018, matapos ang 15 years, bumalik sa Pilipinas si Kurt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa pagkakataong iyon, sa siyudad niya piniling tumira.

“Kasi yung naranasan ko habang missionary, probinsiya iyon, hindi ko naranasan [ang] Manila."

Sa loob ng isang buwan, nanatili raw siya sa Mandaluyong at ang inatupag ay pagkain sa mga karinderya, pagdyi-gym, at panonood ng Netflix.

“Gusto kong makita ang buhay sa Manila, yung masiksik na mga bangketa, yung mga gusali, yung mga kainan, at saka yung ingay. Pero masarap din siya.”

Matapos ang isang buwan, muling bumalik sa U.S. si Kurt at itinuloy ang pagiging aktibo sa social media.

Ginamit niyang handle ang “Kuya Kurt” dahil ito ang tawag sa kanya ng mga Pilipino.

Kuya Kurt food
He eventually returned to the Philippines and focused on creating content featuring Filipino food and the everyday life of Filipinos.
Photo/s: Kuya Kurt on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DECISION TO STAY IN THE PHilippines

Pagsapit ng 2023, nakaramdam ng uncertainty si Kurt sa kanyang buhay sa U.S.

Una, walang kasiguraduhan ang kanyang trabaho sa software industry.

Nangamba siya kung magiging relevant pa ba ang kanyang prefession dahil sa pag-alagwa ng artificial intelligence.

Wala rin daw siyang passion sa buhay maliban sa “singular thing” na alam daw niya: ang content creation.

“Buong buhay ko parang… sa pinakadulo ng isip ko parang nag-iisip ako kung ano ang buhay pagiging content creator, kasi mahilig ako sa content creation,” paliwanag niya.

Bata pa lang daw siya ay gumagawa na siya ng home movies.

Sa pag-iisip niya kung ano ang magiging content, sumaging muli sa isip niya ang bansa.

“Doon naalala ko ang pinakamasayang panahon ng buhay ko dito sa Pilipinas.

“At sabi ko, ‘Sige, wala pa akong pamilya, bachelor pa, binata pa, walang anak, siguro i-try ko itong tumira sa Pilipinas.’ Bakit hindi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2024, nagpabalik-balik si Kurt sa Pilipinas at U.S. at gumawa ng content. Nakilala siya sa kanyang konseptong Carinderia Inspection Agent o CIA.

Bukod sa pagbisita sa mga carinderia para kumain, kinunan din niya ang pakikipag-interact niya sa random Filipinos.

Kaya nga sa interview, nagkomento si Luchi Cruz-Valdes na nakuha ni Kurt ang “ugaling Pinoy.”

Noong 2025, nagdesisyon si Kurt na tuluyang manirahan sa Pilipinas.

WHY KURT CHOSE THE PHILIPPINES

Nang tanungin kung bakit sa Pilipinas niya napiling manirahan, sinabi ni Kurt na nagmarka sa kanya ang mga karanasan noong naging missionary.

Kahit nang bumalik daw siya sa Utah, hindi niya nakalimutan ang “magandang bansa, mabait ang tao.”

Mas lalo raw niyang na-appreciate ang ugaling Pinoy nang mapadako siya sa giyera at masaksihan ang kaguluhan.

“Parang na-appreciate ko pa yung mga ugali ng mga Pilipino, kasi siyempre, mabait kayo, mapagmahal kayo, nakilala kayo sa buong mundo bilang amazing caregivers, bilang nurse at OFWs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi nandoon talaga yung ugali ninyong kultura na nag-aalaga kayo.”

Napahanga siya sa pagiging masayahin ng mga Pilipino kahit pangit ang sitwasyon sa buhay.

Dagdag ni Kurt: “At na-realize ko, ang bawat bansa may problema—may pulitika, lubak-lubak yung daan paminsan-minsan—metaphorically at saka literally…

“Pero yung nakita kong kakaiba dito sa Pilipinas is yung reaction niyo sa mga nangyayari, yung hindi kayo na-i-stress nang sobra.

“Kahit lubak yung daan, kahit magulo ang pulitiko, kahit anong nangyayari yung mga Pilipino, mas resilient yata kayo. Kahit ganoon yung mga pinagdaanan, ngumingiti pa.”

Palaisipan daw kay Kurt ang magandang katangiang ito ng mga Pilipino.

Bilang pagkukumpara, inilarawan ni Kurt ang typical American attitude.

“Alam mo yung mga Amerikano, madali lang para sa amin yung, ‘always me,’ ang hirap ng buhay, masusungit, galit ka. Pero di ko nakikita iyan dito sa Pilipinas.

“So, laging nagtataka ako kung bakit ganyan ang ugali ng mga Pilipino.”

Kuya Kurt birthday
Kuya Kurt has been living in the Philippines since 2025 and is open to the idea of staying here for good.
Photo/s: Kuya Kurt on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanga rin daw siya sa instant connection ng mga Pilipino kapag nagkikita sa ibang bansa.

Aniya, “Kakaiba talaga yung buhay dito sa Pilipinas dahil sa mga Pilipino at dahil lalo sa kaugalian, katangian na iyon.”

Nagbigay rin ng opinyon si Kurt kung bakit aliw na aliw ang mga Pilipino sa papuri ng mga banyaga sa Pilipinas at kulturang Pilipino.

Sabi ni Kurt, gustung-gusto ng Pilipino ang outer perspective.

Sanay raw ang Pinoy sa kanilang kultura, “pero kapag fresh set of eyes, parang fresh iyon.”

Aminado si Kurt na pinagdududahan ang ibang foreigners na gumagawa ng content sa Pilipinas para sa clout-chasing.

Pero sa kabilang banda, pabor si Kurt sa pagpapakita ng ugali ng Pinoy dahil ito raw ang kailangan sa dami ng gulong nangyayari ngayon.

Ngayong namamalagi na sa Pilipinas si Kurt, nami-miss din daw niya ang pamilya sa U.S.

“Pero ang napansin ko, mas masaya ako dito sa Pilipinas bukod sa buhay ko sa U.S.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din ni Kurt na bago siya nagdesisyong tumira sa Pilipinas, nadi-depress siya sa buhay niya sa States dahil sa balita tungkol sa pulitika at ekonomiya .

“Kahit may problema dito, kung paano hina-handle yung bagay na iyon, kakaiba dito.

“Gusto kong gayahin ang ganyang ugali na parang [kahit] may mga stressor sa buhay, at least, buhay ka pa at may family and friends ka.”

Tinukoy ni Kurt ang wealth disparity na nasaksihan niya noong missionary pa siya.

“Nakikita mo yung buhay nila, nahihirapan sila, nakikita mo mga pinagdadaanan sila, pero masaya pa rin, ngumingiti pa rin. Sanay na sanay ako sa mga lugar na ganoon."

Inamin naman ni Kurt na may isang ugali na hindi niya pinapaboran: ang crab mentality.

Pero sinabing supportive naman ang mga Pilipino kapag may kapwa Pinoy na nakakuha ng malaking tagumpay tulad ni Alex Eala.

Sinabi rin ni Kurt na 30 percent ng kanyang kinikita sa content creation ay inilalaan para makatulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat may good effect, kaya nagva-vlog ako sa barangay, maliit na carinderia, sari-sari store.”

Bukas din siya sa posibilidad na permanenteng manirahan sa Pilipinas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American content creator Kurt Harris, popularly known as Kuya Kurt, has captured the hearts of Filipinos for his fluency in Tagalog and his content that reflects the sensibilities of Pinoy culture.
PHOTO/S: Kuya Kurt on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results