Rabiya Mateo a showstopper in arrival outfit at Miss Universe 2020 pageant

by Jojo Gabinete
May 7, 2021
The Miss Universe 2020 pageant activities have begun, and Rabiya Mateo arrives in a midriff baring dress designed by Yeye Pantaleon.
PHOTO/S: courtesy of Jonas Gaffud (R); Thai Sashes (L)

Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Ito ay ang pagpunta niya sa Hollywood, Florida, ang venue ng 69th Miss Universe na magaganap ang coronation night sa May 16, 2021.

Mula sa bahay na tinitirhan niya at ng Miss Universe Philippines staff sa Fort Lauderdale, bumiyahe si Rabiya sa Hollywood para sa opisyal na pagsisimula ng paglahok niya sa 69th Miss Universe.

Labimpitong minuto lamang ang layo ng Fort Lauderdale sa Hollywood, Florida, pero medyo na-late ito ng dating sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, ayon sa video na kuha ng Thai Sashes, na nag-antay raw ng nine hours sa kandidata ng Pilipinas.

Sa maikli panayam kay Rabiya, sinabi ng dalaga na, "We're gonna fight. Were' gonna do our best."

Continue reading below ↓

Sa Zoom presscon ng Miss Universe Philippines Organization para kay Rabiya noong Miyerkules, May 5, sinabi ng Philippine bet na excited siyang isuot ang kanyang arrival outfit para sa 69th Miss Universe.

Si Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines, ang nagbigay sa Cabinet Files ng ilang detalye tungkol sa white outfit ni Rabiya para sa international beauty pageant na sasalihan nito.

Rabiya Mateo with Jonas Gaffud

Continue reading below ↓

Ang fashion designer na si Yeye Pantaleon ang may likha nito, ang Lvna Jewels ni Drake Dustin ang nag-provide ng accessories, at ang Shoes to Match ang sponsor ng sapatos ni Rabiya.

Definitely, stunner ang Filipina beauty queen sa kanyang arrival look na importante dahil kailangang malakas ang impact o epekto ng mga kandidata sa publiko at sa mga hurado sa unang araw ng pagsisimula ng 69th Miss Universe competition.

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Miss Universe 2020 pageant activities have begun, and Rabiya Mateo arrives in a midriff baring dress designed by Yeye Pantaleon.
PHOTO/S: courtesy of Jonas Gaffud (R); Thai Sashes (L)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results