Umani ng halos 200,000 reactions ang throwback photos ng sexy star na si AJ Raval na ibinahagi nito sa Facebook kahapon, February 22, 2022.
Kuha raw ang mga larawan noong 2019, noong panahong hindi pa niya pinapasok ang mundo ng showbiz.
Nakalagay sa caption ni AJ: “Throwback 2019, Hindi pa ako artista dito gangster pa [laughing emoji]”
Sa kabuuan, meron na itong 184K reactions, 5.3K comments, at 4.3K shares.
Nagkomento naman dito ang isa niyang kaibigan.
Biro nito, “Panahong nang hahablot pa tayo ng bag nyan sa baclaran love diba [pleading face emoji]”
Sagot ni AJ, “Lester Ajon huyyy grabe ka hahahahahhahaha”

Puro naman positibo at nakakatuwa ang komento ng maraming netizens.
Nagsimulang mapansin si AJ sa showbiz noong kalagitnaan ng 2019 sa pamamagitan ng "Kaparewho," isang dating segment ng noontime show na It's Showtime.
Taong 2021, pumirma siya ng kontrata sa VIVA sa edad na labingwalo.
Same year, inilunsad siya bilang bahagi ng pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na pinagbibidahan nina Ara Mina, Rosanna "Osang" Roces, Alma Moreno, at Maui Taylor.
Simula noon, sunud-sunod na ang naging pelikula ni AJ na napapanood sa Vivamax, ang streaming app ng VIVA.
Mabilis na nakilala ng publiko si AJ dahil sa kanyang pagiging daring sa pelikula at sa pagiging anak ng dating action star na si Jeric Raval.
