PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayong ng Pinay, agaw-pansin sa New York Fashion Week

Dating med rep sa Pilipinas ang Bayong Canada owner na si April Cureg Moran.
by Bernie V. Franco
Published Mar 5, 2022
Bayong
Modern bayongs are gaining attention on international fashion runways, such as New York Fashion Week, and are a hit in other countries. Bayong Canada's CEO April Cureg Moran hopes the Filipino bag will earn international recognition.
PHOTO/S: YouTube (Canada in Frame)

Ang bayong na noon ay pinapamalengke lang, ngayon ay inirarampa na sa mga prestigious fashion shows sa ibang bansa.

Naitampok ang mga eleganteng bayong ng Bayong Canada sa New York Fashion Week (NYFW) sa U.S. noong February 2022.

Ang Bayong Canada ay isang modernized bayong business na itinayo ni April Cureg Moran noong 2021.

Adhikain ng Bayong Canada na maging world-class ang kilalang sisidlan ng mga Pinoy.

bayong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Models carrying modern bayongs featured in the New York Times Square billboard)

Kasama ang mga produkto ng Bayong Canada sa mga modern fashion ideas na na-feature sa isang event ng NYFW.

Pareho ang materyales ng mga ito sa traditional na bayong, pero mas maliit at dinisenyo para magmukhang handbag.

Ipinakita rin sa isang billboard sa Times Square ang mga modelong hawak-hawak ang mga bayong.

Bitbit din ito ng mga modelo sa Vancouver International Film Fest fashion show ngayong taon.

bayong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bayong

(Top photo: Bayong Canada products at an event in the New York Fashion Week last February. Bottom photo: Models at the Vancounver International Film Fest fashion show)

MODERN BAYONGS

Kuwento ni April sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email interview noong March 2, 2022, positibo ang feedback sa kanyang products sa ibang bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng Pinay entrepreneur, “Our bayongs kasi nag-evolved na siya, e. It can be for millennials or let's say for all ages. It is trendy and well-made.

“Kung tutuusin, ang bayong ay napaka-common sa atin, and nang makita nila dito, they were amazed sa ganda and quality nito.

“At siyempre pa, ang price niya sobrang affordable, kumpara sa iba.”

bayong canada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni April kung bakit bayong ang napili niyang ibenta.

“I want to pass the legacy to every generation, na ipakita sa mundo ang galing nating mga Filipinos.

“Gusto ko makita na ang produktong Pilipino ay nasa world market. At naniniwala ako na kaya natin makipagsabayan sa iba.”

Itinayo niya ang Bayong Canada noong 2021, unti-unti nang umuunlad ang kanyang business.

“I have resellers all over Canada then we also have in other parts of USA, Norway, Australia, Italy. Then papasok ngayon ang New Zealand,” sabi ni April.

bayong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Models holding modern bayongs at the Vancouver International Film Festival fashion show)

MORE THAN JUST MONEY

Para kay April, ang Bayong Canada ay hindi lang isang negosyo kundi isang paraan na makatulong sa weaving industry sa Pilipinas.

“The promotion of our products and sa support natin sa mga nangangailangan, lalo na sa mga weavers natin, na nasu-sustain natin ang kanilang kabuhayan,” sabi ni April.

“I also want to support our weavers back home, to sustain their kabuhayans and to give them hope and pride.”

Ang mga bayong products ni April ay handwoven ng mga komunidad sa Pilipinas.

“I have eight communities na sinusuportahan sa Philippines for our bayong,” sabi ng entrepreneur na ang mga lugar na tinutukoy ay Samar, Negros Occidental, Negros Oriental, Bicol, Iloilo, Davao del Norte, Laguna, at Manila.

May mga charity works din si April sa Pilipinas, katulad ng feeding programs at pagpapatayo ng library sa schools.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I want to give back kung ano ang nakukuha ko ngayon, and I do believe that giving is contagious.”

Si April ay medical representative sa Pilipinas for 10 years, habang ang kanyang asawa naman ay nagtatrabaho sa Canada.

Noong 2014, si April at kanilang mga anak ay pinetisyon ng kanyang asawa.

Pagdating sa Canada, nagtrabaho muna si April bilang medical office assistant for three years.

Noong December 2019, sinimulan ni April ang pag-i-import ng mangilan-ngilang bayong mula sa Pilipinas.

Naging mabenta ito hanggang sa nagdesisyon siyang full-time na tutukan ang negosyong Bayong Canada noong nakaraang taon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Modern bayongs are gaining attention on international fashion runways, such as New York Fashion Week, and are a hit in other countries. Bayong Canada's CEO April Cureg Moran hopes the Filipino bag will earn international recognition.
PHOTO/S: YouTube (Canada in Frame)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results