PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rubber shoes mula sa mga kandidato: Alin ang bet mong isuot?

Uso na naman!
by KC Cordero
Published Mar 28, 2022
Rubber shoes from candidates
From Chuck Taylor-inspired rubber shoes ni dating Manila Mayor Erap Estrada to Air Binay ni dating Vice President Jojo Binay, level up ang mga kandidato sa pamimigay ng kanilang customized rubber shoes para manuyo ng mga botante.

Isa sa pinakapatok na freebies mula sa mga kandidato kapag panahon ng kampanya ay ang rubber shoes.

Dahil medyo may kamahalan ang pagpapagawa nito, hindi lahat ng botante ay nakakatanggap.

Naririto ang ilan sa mga ipinamigay ng mga kandidato.

CHUCK TAYLOR-INSPIRED RUBBER SHOES NI ERAP

Isa si dating pangulo at dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa nagpagawa ng rubber shoes nang tumakbo siya bilang reelectionist sa pagiging alkalde ng Maynila noong 2019.

Erap's rubber shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inspired ang Erap rubber shoes sa classic na Chuck Taylors na paboritong isuot ni Mayor Erap sa kanyang mga pelikula noon.

Kumbinasyon ito ng blue at orange na siyang signature colors niya noong kampanya.

May version din nito para sa mga bata, at ipinagkaloob sa ilang estudyante sa lungsod.

AIR BINAY NG MAG-AMANG JOJO AT ABBY BINAY

For easy recall, tinawag namang Air Binay ang rubber shoes na unang ipinamahagi ni Jejomar “Jojo” Binay nang kumandito siyang bise presidente noong 2010.

Ang pangalan nito ay hango sa innovation product ng isang kilalang brand ng rubber shoes.

Nagkaroon ang Air Binay ng version 2.0 nang tumakbo siya bilang pangulo noong 2016.

Abby Binay's rubber shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging AB na lang ang branding nito nang ang kanyang anak na si Makati City Mayor Abigail “Abby” Binay ang nagpagawa nang tumakbo ito bilang reelectionist noong 2019.

May version 4.0 na ngayon ang AB rubber shoes na ipinamamahagi ni Mayor Abby sa mga residente ng Makati City, with matching school bag kung estudyante ang makatatanggap.

BONG GO RUBBER SHOES

Kilalang isang sports enthusiast at basketball fanatic si Senator Christopher Lawrence “Bong Go” kaya hindi kataka-takang mamigay rin siya ng rubber shoes nang tumakbo bilang senador noong 2019.

Bong Go's rubber shoes

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May tatlong modelo ang rubber shoes na ipinamigay niya noon.

Hindi na itinuloy ng senador ang pagtakbo bilang vice president sa May 9.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay nagbibigay pa siya ng kanyang rubber shoes sa ilang piling benepisyaryo kapag nagsasagawa siya ng relief activities sa mga nasunugan o binagyo o binaha.

CUSTOMIZED UNITEAM SHOES NINA BBM AT INDAY SARA

Naki-join sa bandwagon ang tandem nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang customized Uniteam rubber shoes ay ipinagawa sa isang kilalang shoe company sa Marikina City.

Sara and BBM's rubber shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapansin sa intricate design ng Uniteam rubber shoes ang white laces, white soles, leather uppers, BBM-Sara logos sa insoles, Uniteam heel tabs, at Gibi logo sa labas.

Magkaiba kulay para sa kaliwa at kanang paa, at mapapansin ang logis ng sponsor at ang BBM-Sara pati na rin ang Uniteam heel tabs.

Ang heart logo ni Mayor Sara ay nasa tagiliran ng green shoe; habang ang trademark peace sign ni BBM ay nasa side naman ng red shoe.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From Chuck Taylor-inspired rubber shoes ni dating Manila Mayor Erap Estrada to Air Binay ni dating Vice President Jojo Binay, level up ang mga kandidato sa pamimigay ng kanilang customized rubber shoes para manuyo ng mga botante.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results