PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diana's Sweater Fetches PHP62M at Auction

It fetches a higher amount than her gown
by Bernie V. Franco
Published Sep 29, 2023
black sheep sweater
Ito ang damit ng yumaong Princess Diana na pinakamahal na naibenta sa isang auction. Mas mataas pa ang naging halaga nito kesa sa gown niyang in-auction nitong January 2023.
PHOTO/S: YouTube (TODAY)

Naibenta ng $1.1 million o katumbas ay PHP62 milyon ang tanyag na black sheep sweater ni Princess Diana sa isang auction kamakailan.

Si Princess Diana of Wales ay naging asawa noon ni Prince Charles, na King Charles III ngayon, ng British royal family

Ang iconic sweater ni Princess Diana ay kulay pula na nadidisensyuhan ng mga white sheep at nag-iisang black sheep.

Read: VIRAL: Artwork sa loob ng National Museum, ginawang phone stand para sa TikTok video

Isinuot ni Princess Diana ang sweater na ito katerno ang blue trousers noong June 1981.

Nanood siya ng polo game ni Prince Charles.

One month later, naganap ang fairytale wedding nila.

Nagbunga ang kanilang union ng dalawang anak: sina Prince William at Prince Harry.

Namatay si Princess Diana sa isang car accident noong August 31, 1997.

Read: Sombrero ni Michael Jackson sa moonwalk dance nabenta for more than PHP4M

HIGHEST BID FOR THE SWEATER

Ang sweater ay isinubasta ng kilalang auction house na Sotheby’s sa New York Fashion Week sa U.S. ngayong September.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang bidding para sa sweater sa halagang $190,000 (PHP10.6 million), hanggang sa tumaas nang tumaas at umabot ng $1.143 million.

Ito ang pinakamahal na pagmamay-ari ni Princess Diana na naibenta sa isang auction.

Mas mahal pa ito sa kanyang aubergine evening gown, na gawa ni Victor Edelstein, na naibenta ang sa auction ng $604,000 (PHP33.8 million) noong January 2023.

Isinuot ni Diana ang gown na ito noong 1991 para sa official portrait na kuha ni Lord Snowdon, at noong 1997 para sa shoot with Vanity Fair ang ng kilalang fashion photographer na si Mario Testino.

Princess Diana's aubergine silk velvet gown designed by couturier c

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TRIVIA ABOUT THE SWEATER

Matapos isuot ni Diana ang sweater, ibinalik niya ito sa designer para ayusin dahil nagkaroon ito ng butas.

Pinalitan na lamang ito ng bagong sweater, at ipinadala kay Diana.

Ayon sa ulat ng TODAY, hindi na alam kung saan napunta ang orihinal, na kamakailan lamang nakita ulit, at nandoon pa rin ang butas nito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang damit ng yumaong Princess Diana na pinakamahal na naibenta sa isang auction. Mas mataas pa ang naging halaga nito kesa sa gown niyang in-auction nitong January 2023.
PHOTO/S: YouTube (TODAY)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results