Espesyal ang Air Jordan shoes ng sport apparel giant na Nike.
Unang-una, idinisenyo ito para kay Michael Jordan, isa sa greatest basketball players of all time.
Ikalawa, ang naturang sapatos ay dinisenyo para sa style and performance, at napaka-appealing nito sa mga athletes and fashion-conscious consumers.
Idagdag pa rito na mahal kaysa sa ibang sapatos ang Air Jordan. Ang presyo nito sa Pilipinas, depende sa variant, ay nasa PHP3,000 hanggang PHP12,000.
Hinahabol din ng mga kolektor ang vintage Air Jordans.
Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting the world's first microwave bag

Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak
Ang resale value ng original pair of Air Jordan 1 na inilabas noong 1985 ay nasa PHP195,347.25 hanggang PHP1,395,337.50 depende sa size, kondisyon, at colorway.
Kaya naman gayun na lang ang pagkagulat ng isang shelter sa Oregon nang makita sa donation bin nito ang pares ng gold Air Jordan 3 sneakers na pag-aari ng Hollywood director na si Spike Lee, na siyang nagdirek ng Denzel Wahington-starrer na Malcolm X (1992).
Ipinagkatiwala na ngayon ang naturang sapatos sa Sotheby's auction house para ibenta sa highest bidder.
Ayon sa post ng Sotheby's sa website nito, tatagal ang bidding hanggang December 19, 2023.
Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan

Ang gold Air Jordan 3 ay nahalungkat ng isang volunteer sa transitional shelter program sa Burnside Shelter na pinamamahalaan ng Portland Rescue Mission.
Para matiyak kung authentic ito, tiningnan ni Tinker Hatfield, designer ng Air Jordan 3 sneakers, ang sapatos sa shelter at sinuri.
Kinumpirma ni Hatfield na iyon nga ang custom pair ng Air Jordan 3 shoes na ipinagawa ni Spike Lee sa Nike at isinuot nito sa 2019 Academy Awards.

Dahil custom made, nag-iisa lang ang pares na ito. Ang size ay 12.5 inches, at yari ito sa rubber, leather, cotton, and synthetic.
Para mas maging authentic ang sapatos, nagbigay pa si Hatfield sa shelter ng replacement box ng gold Air Jordan 3, at naka-frame na design proof na may signature niya.

Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit
Tinatayang nasa US$10,000 (PHP 558,135.00) ang magiging benta sa gold Air Jordan ni Spike Lee.
Ipagkakaloob naman ng Sotheby's ang 100 percent ng hammer price sa Portland Rescue Mission. Umaasa rin ang auction house na posibleng umabot hanggang US$20,000 (PHP 1,116,270.00) ang mapagbebentahan sa gold Air Jordan 3.
Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad
Habang sinusulat ang artikulong ito, December 14, 2023, ang bid ay nasa US$7,000 (PHP 390,694.50) na.
Hindi naman nalaman kung sino ang naglagay ng gold Air Jordan 3 sa donation bin ng shelter.
Wala ring inilabas na pahayag si Spike Lee tungkol sa kanyang sapatos na napunta sa shelter.
