Viral ang pink prom dress ng isang dalaga na siya mismo ang gumawa sa pamamagitan ng crochet o gantsilyo.
Ang nakakabilib pa, inabot lang siya ng tatlong araw para tapusin ang long dress na inspired ng pink Valentino gown na sinuot ni Zendaya noong 2023 sa Screen Actors Guild Awards.
Sa kanyang TikTok account, dokumentado ni Sarah Akinbuwa, 18, mula Boston, USA, kung paano niya ginantsilyo ang long dress.
Bawat video ay umani ng millions of views.
At ang total expenses lamang niya ay $60 o katumbas ng PHP3,500.
Bukod sa long pink dress, nag-gantsilyo rin siya ng matching long pink shrug at pink shoulder bag.

Read: Passenger tied to seat while in-flight faces PHP4.8M lawsuit
Ani Sarah, tapos na ang kanyang prom night last year pa, pero isang kakilala ang nag-aya sa kanya bilang prom date noong Mayo 2024.
Inabisuhan daw si Sarah ng kanyang ka-date three days before the prom night, kaya rush talaga ang preparasyon ng dalaga.

@that_crochet_gurl00 Cost only 60$ to make???????? #fypage #blackgirlcrochet #crochet #crochetdress #crochetersoftiktok #blackgirlcrochet #prom #crochet ? Crazy how the world look different - Ken
Read: Dad jailed for death of young son he force-fed with chilli
TEEN’S CROCHETED $60 PROM DRESS
Ibinahagi ni Sarah na may mga nag-discourage sa kanya, at nagsabing bumili na lamang ng dress dahil magagahol siya sa oras.
Caption niya sa isang TikTok video: “You cant just crochet a dress only 3 days before prom… give up and buy a dress.”
Pero hindi nagpatinag si Sarah.
Sa kanyang pagdedetalye, ginantsilyo rin niya ang 100 roses na ginamit sa kanyang outfit.
Sa second day ay tinapos niya ang mismong dress.
Sa ikatlong araw, sa mismong araw ng prom night, pinalamutian ni Sarah ng rhinestones ang kanyang outfit at idinikit ang mga rosas.
Caption niya sa isang TikTok post (published as is), “After three days of crocheting my prom dress with less sleep. But as long as I look fly by prom night.”
Sa isa pa niyang video, makikita na bini-video ni Sarah ang sarili at maririnig na pinuri siya ng isang babae.
“I love your dress,” ang sabi ng babae.
“Thank you. I made it,” pagmamalaki ng nakangiting si Sarah.
Hindi naitago ng babae ang pagkamangha sa dress, “You are unbelievable. Are you serious?”
Sagot ni Sarah, “Yes I am. I just took three days. But, yeah, I made it."
Sa article na inilathala ng People nitong June 20, 2024, pagmamalaki pa ng dalaga, "I had to make a dress by hand."
Sa comments section ng kanyang post, umani ng papuri si Sarah maging sa mga taong nanggagantsilyo sa loob ng maraming taon.
Sinabi naman ni Sarah na 12 years old pa lamang ay naggagantsilyo na siya, at hindi lamang ito hobby dahil sa kanyang TikTok profile ay nakasaad sa info na tumatanggap siya ng custom orders.
