Napapadalas ang pagkain ng mga Pinoy ng instant noodles ngayong quarantine.
At hindi nagulat si Arci Muñoz dahil napakadaling gawing espesyal ang pagkaing ito.
Ibinahagi ng aktres ang kanyang easy recipe sa Lutong Lockdown video na ini-upload ng Star Magic sa YouTube channel nito noong May 9, 2020.
Ang Lutong Lockdown ay ang bagong online series ng Star Magic kung saan ipinapakita ng ilang Kapamilya stars kung paano pasasarapin ang mga ordinaryong dishes habang naka-quarantine sa bahay.
"Paano nga ba natin gagawing espesyal ang simpleng instant noodles?" ang tanong ng aktres.
"Siyempre more than making it fancy, we have to make sure that it is nutritious.
"Alam naman natin ang ating supply ay medyo may shortage tayo, at siyempre hindi rin tayo makalabas ng bahay, so kailangan natin maging resourceful and creative."
Ito ang mga nirekomendang ingredients ng Kapamilya star:
INGREDIENTS FOR ARCI's INSTANT NOODLES
1. Dalawang pakete ng instant noodles
"Maari rin kayong gumamit ng pancit canton, pero I recommend ang may sabaw para marami tayong mapapakain," dagdag ni Arci.
2. Beef Wagyu cubes o giniling na baka
3. Diced carrots
4. Malunggay
Kakailanganin mo rin ng maliit na kaldero upang lutuin ang instant noodles.
HOW TO COOK YOUR INSTANT NOODLES
1. Ilagay sa maliit na kaldero ang Wagyu cubes o ground beef at carrots.
2. Lagyan ng tubig, takpan ang kaldero, at hintaying kumulo.
3. Pagkakulo ng tubig, ilagay ang beef seasoning na kasama sa pakete ng inyong instant noodles.
4. Sunod ay ilagay ang instant noodles at hintayin itong lumambot.
5. Panghuli, ilagay ang malunggay.
"Maghintay lang ng ilang minuto at this will be ready to serve," sabi ni Arci.
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Join and subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated!