A Warning: Soon, those who cancel food, grocery delivery may get penalized

Jun 9, 2020
House Bill 6958 or "Food and Grocery Delivery Services Protection Act" proposed by Representative Alfredo Garbin Jr. prohibits the cancellation of online orders after the goods have been purchased and paid for by the service provider.
PHOTO/S: JEROME ARCANO

Marami sa food delivery riders ang nagiging biktima ng mga "prank orders" o biglaang cancellation ng orders.

Kadalasan, ang isang customer ay magpapabili sa rider ng pagkain o anumang produkto.

Kung ang mode of payment ay cash, aabonohan muna ng rider ang order ng customer

Pero sa kasamaang-palad, may mga customer na biglang kakanselahin ang kanyang order.

At sa pagbabago ng isip o panloloko ng customer, ang kawawa ay ang rider.

Dahil dito, ipinasa ni Ako Bicol party-list Representative Alfredo Garbin Jr. sa Kongreso ang House Bill 6958 or the proposed "Food and Grocery Delivery Services Protection Act" nitong Lunes, June 8, 2020.

This bill strongly prohibits customers from canceling their orders from food or grocery delivery service providers kapag ito'y nabili na at dadalhin na sa address ng umorder.

"Nais ng panukalang ito na protektahan ang mga rider ng food at delivery services companies, katulad ng Grab Food, Lalafood, at Foodpanda, mula sa mga prankster at mga tao na basta-basta na lamang nagka-cancel ng kanilang order, na ang resulta ay ang pagkasayang sa oras at pagkawala ng puhunan ng mga riders," Garbin said in a report by GMA News Online.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Sa panahon ngayon, napakahalaga ng mga riders na nais nating proteksiyonan.

"Sila ay masasabing mga bagong bayani sapagkat nakikipagsapalaran upang matulungan tayo na manatili sa tahanan at maiwasan ang COVID virus."

Ang sinumang mag-violate ng bill na ito ay maaring makulong for up to 12 years at magmulta ng PHP100,000.

Dapat rin nilang bayaran ang delivery service provider ng halagang doble ng inabono ng driver para sa cancelled order.

Samantala, even those who will "shame, demean, embarrass, or humiliate" delivery riders across any platform ay maaring makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.

Continue reading below ↓

Exempted sa penalties ng order cancellation ang mga sumusunod:

  • Kapag ginamit ng customer bilang mode of payment ay credit card, na kung saan maari pa ring i-credit sa kanya ang mga bayarin in spite of the cancellation.
  • Kapag ang customer ay nagbigay sa service provider ng reimbursement o payment bago niya kanselahin ang kanyang order.
  • Kapag na-delay ang rider sa pagdeliver ng food o grocery items nang mahigit isang oras, na hindi man lang nito sinasabi sa customer, at ang delay ay dahil sa kanyang kapabayaan.

Kasalukuyang pending ang bill sa House committee on trade and industry.

PHOTOS OF CRYING FOOD DELIVERY RIDER GOES VIRAL

Hindi maikakaila na isa sa mga rason kung bakit ipinasa ang House Bill 6958 sa Kongreso ay dahil marami nang mga litrato ng luhaang food delivery riders ang kumakalat online.

Isa na sa viral photos na ito ay ang inupload ng Facebook user na si Natdemzon Lazo Pagkanlungan nitong March 29, 2020.

Continue reading below ↓

Dito, makikita ang isang Grab Food rider na nakaupo sa sidewalk ng isang fast food chain habang kinakain ang kanyang biniling pagkain at tila pinupunasan ang kanyang luha.

Sabi ni Natdemzon sa kanyang post, "NaCANCEL nga po ang ORDER. Hindi na siya inentertain ng umorder basta cancel!"

Dagdag niya, "Bukod sa malayo ang opisina at hindi pala ganoon kadali ang proseso para maibalik agad ang inabono ng RIDER, dahil sa dami ng Grab rider na nagkakaproblema sa bookings minsan, PINAGPAPA SA DIYOS nalang nila ang pangyayari."

Ayon rin sa netizen, nagkakahalagang PHP300 ang inabono ng rider para sa kinansela na order.

Ang Facebook post ay mayroon nang 2,800 shares at 9,200 reactions at press time.

Continue reading below ↓

Base sa statement na ipinadala ng Grab sa Philstar.com, hindi daw nila pinababayaang makansela ng basta-basta ang bookings ng customers kapag ito'y naiorder na ng rider sa restaurant.

Anila, "GrabFood’s system actually does not allow orders to be canceled once rider-partners have placed the order at the restaurant."

Kung sakali mang nabili na ng rider ang order at hindi pa rin ito kinuha ng customer, maaring agsumite ng reimbursement ang rider sa Grab online.

Dagdag nila, "For context, rider-partners just need to show photos of the unclaimed food, order receipt, and the GrabChat exchanges,"

Sinabi rin ng Grab na patuloy nilang susuwayin ang mga customers na sadyang mahilig magkansela ng orders: "We continue to be on the lookout and curb irresponsible behavior from customers on the GrabFood platform.

"Customers who do not claim their orders will of course have to face corresponding penalties."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
House Bill 6958 or "Food and Grocery Delivery Services Protection Act" proposed by Representative Alfredo Garbin Jr. prohibits the cancellation of online orders after the goods have been purchased and paid for by the service provider.
PHOTO/S: JEROME ARCANO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results