Dito sa Pilipinas, ang mga kilalang coffee shops ay napapalibutan ng matataas na buildings o mga establishments.
Kaya novelty ang mga gaya ng ag.KAPI.ta na matatagpuan sa Daang Kalikasan Road, Mangatarem, Pangasinan.
Nakatayo kasi ito sa gitna ng palayan, at napapaligiran ng luntiang kapaligiran.

Kaya naman bukod sa aroma ng napakasarap na coffee and pastries ay mararamdaman din ng mga customer ang simoy at samyo ng sariwang hangin.

Alfresco at napaka-cozy ng aesthetics ng ag.KAPI.ta.
Nakaka-inspire namang pakinggan ang kuwento nina Mawi Rillorta, Jr. at Zelle Bendito, ang may-ari ng coffee shop, kung paano nila naitawid ang kanilang business venture sa kabila ng mga restrictions na dulot ng pandemya.
Alamin kung paano sila nagsimula at nagsikap upang ang pangarap nila para sa ag.KAPI.ta ay maging realidad, at maghatid sa kanilang mga customer ng chance na magkape at mag-relax habang nakikipag-ulayaw sa kalikasan.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.