Josh Mojica, 17, kumikita ng PHP150K kada buwan dahil sa kangkong chips

Jan 3, 2022
kangkong chips
A 17-year-old student entrepreneur relates how his PHP3,500 investment in kangkong chips business has earned him PHP5,000 per day in just six months.
PHOTO/S: Facebook (Josh Mojica)

Anim na buwan pa lamang ang pagbebenta ng sariling kangkong chips ni Josh Mojica, 17, pero kumikita na siya ng PHP5,000 kada araw.

Ibig sabihin, may kita siyang PHP150,000 sa loob lamang ng isang buwan.

Nakabibilib ito lalo pa't ang puhunan lang niya sa negosyo ay ang PHP3,500 na kanyang ipon.

June 2021 nang simulan ng teenager ang negosyo niyang Kangkong Chips Original.

Pagkatapos lamang ng anim na buwan, lumago ang negosyo ni Josh.

kangkong chips

Continue reading below ↓

THE KANGKONG CHIPS BUSINESS

Si Josh, na taga-Mendez, Cavite, ay kasalukuyang senior high school student sa Saint Augustine School-Mendez.

Sa Facebook page ng kanyang business, may pagsasalarawan kung paano sinimulan ni Josh ang kanyang negosyo.

Ang business idea ni Josh ay umusbong noong May 2021, at ang kanyang motivation ay para makatulong sa mga magulang na kumita ng pera.

Pero sinimulan lamang niya ito pagsapit ng June, matapos pumanaw ng kanyang lolo dahil sa atake sa puso, ulat ng The Philippine Star.

Nang banggitin niya ang kanyang business idea sa mga magulang, naging supportive sila.

Kaya hindi nag-atubiling gamitin ni Josh ang PHP3,500 savings bilang puhunan.

Pagkalipas lamang ng ilang buwan, ang kapital nito ay umakyat agad nang 18 times.

Nagpaturo raw siya sa kanyang tita kung paano magluto ng kangkong chips, na una niyang inilagay sa rice box.

Sinimulang ilako niya ito sa mga mga kakilala, at nagkaroon siya ng repeat orders.

Continue reading below ↓

Bilang one-man team, gumigising nang maaga si Josh dahil siya ang nagluluto ng kanyang produkto.

Unti-unti itong pumatok at di naglaon ay nagpatulong siya sa isang pinsan hanggang sa kinailangan pa niya ng manpower.

"Ngayon po halos lahat po ng tropa ko, bale mga 10 na po sila,” aniya sa Philippine Star.

Lahat ng kanyang mga katropa ay mga estudyante rin.

At kahit pa okay ang kanyang kita sa negosyo ay patuloy pa rin si Josh sa kanyang pag-aaral.

Samantala, ang mga magulang niya ang nakatoka sa financial aspect dahil menor de edad pa ang business owner.

kangkong chips

Continue reading below ↓

Nabebenta niya ang kanyang products sa iba’t ibang lugar, gaya ng Baguio, at nakakarating na rin sa U.S. at Canada.

May resellers din siya sa iba’t ibang bahagi ng Cavite at Pasay.

Samantala, napansin rin si Josh ng presidential candidate na si Senator Ping Lacson, na noong November 21, 2021, ay nagtweet tungkol sa “delicious kangkong” chips na bahagi ng ipinamigay na Christmas basket ng kanyang office.

kangkong chips

Continue reading below ↓

Malakas ang paniniwala ni Josh na ang tagumpay ng kanyang negosyo dahil sa pagbabantay ng kanyang namayapang lolo.

Ang susunod niyang goal ay makapagtayo ng stalls sa mga mall na magbebenta ng kanyang produkto, at patuloy na makatulong sa mga kagaya niyang kabataan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A 17-year-old student entrepreneur relates how his PHP3,500 investment in kangkong chips business has earned him PHP5,000 per day in just six months.
PHOTO/S: Facebook (Josh Mojica)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results