PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sorbetes ni Manong Jelle, Pinoy dirty ice cream sa Belgium!

Ube ang pinakamabentang flavor.
by KC Cordero
Published Jan 20, 2022
Jelle Bories with ice cream cart
Nakita ni Jelle Bories, mister ng Pinay nurse na si Kamille Rodriguez, ang potensiyal na maging sikat sa Belgium ang sorbetes na gawang Pinoy.

Sikat ngayon sa Belgium ang “Sorbetes Ni Manong Jelle” na produkto ni Kamille Rodriguez, isang Pinay nurse, at ng kanyang Flemish husband na si Jelle Bories.

Ang mag-asawa ay naninirahan sa Sint Niklaas, Belgium.

Couple Kamille Rodriguez and Jelle Bories

Isang pastry chef si Jelle na nagtrabaho sa mga patisseries at bakeries.

Nag-attend ito ng ice cream-making class at doon nagkainteres gumawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumili sila ng isang maliit na makinang panggawa ng ice cream. Ang plano nila ay gagawin lang iyon na hobby ni Jelle.

Jelle Bories with ice cream machine

Ani Kamille sa panayam ng GMA news noong July 7, 2021, taong 2019 sila nagsimulang gumawa ng sorbetes.

“Pandemic kasi, we have a lot of time in our hands.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una, ang ginagawa ni Jelle ay mga classic flavors, gaya ng vanilla at chocolate.

Pagbabahagi ni Kamille, "One time, naisip niyang gumawa ng Pinoy flavors like ube."

Hindi muna nila ito ibinenta at ipinatitikim lang sa kanilang mga kaibigan.

"We started offering it to our friends and they liked it."

Year 2020 naman nang i-introduce na nila ito sa market.

"Doon lang kami legally selling it to other people outside our family or friends."

Tinawag nila ang kanilang negosyo na Sorbetes Ni Manong Jelle.

Ginamit niya ang salitang "sorbetes" para pumatok agad ito sa mga kapwa niya Pilipino na nasa Belgium.

Maganda ang kanilang nakuhang feedback sa Pinoy customers.

“Nag-door-to-door delivery kami.

"Nag-click siya kasi we're gonna bring the sorbetes directly to the clients."

Ayon kay Kamille ay maraming ice-cream shops sa Belgium.

"But we are the only one who offers Filipino ice cream, and also Asian ice cream."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SORBETES VS SORBET

Dahil sa magandang benta, nakita ng mag-asawa na malaki ang pontential ng kanilang produkto sa Belgian market.

Ani Kamille, "That's why we tried to make it more unique compared to ice cream that's available here.”

Multi-flavor ice cream

Gayunpaman, noong una ay inakala ng mga Belgian na ang tinda nila ay "sorbet" o Italian sugar-sweetened water with flavoring na kagaya ng mga inilalako sa Pilipinas na ice scramble o "iskrambol."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nag-effort pa sina Kamille at Jelle na ipaliwanag sa mga ito na ang sorbetes ay ice cream.

Ani Jelle, "They are curious. They want to inquire what is this. But they are also a bit hesitant to try it. It's not what they are used to. Like ube, we have to explain."

Kalaunan, nasanay na sa lasa ng kanilang sorbetes ang kanilang mga client.

Positive din ang naging feedback sa kanilang buko, halu-halo, mango at guyabano flavors.

UBE FLAVOR ANG BEST SELLER

Pagmamalaki ni Kamille, ube flavor ang kanilang best seller.

“Definitely ube. Because there was a time na naubusan kami ng ube. Hindi na namin alam kung saan kami hahanap."

Ube flavor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil puro tropical fruits mula sa Pilipinas ang karamihan sa kanilang flavors, minsan ay kinakapos sila ng pansangkap.

Para maiwasan ang ganitong problema, maramihan na sila kung bumili ng ube at iba pang panlahok mula sa kanilang distributor.

Bukod naman sa sorbetes ay nagbebenta rin sila ng halu-halo sorbetes cake, sapin-sapin, banana cue, puto kutsinta, at maja blanca.

PLANONG MAG-EXPORT

Proud si Kamille na ibalitang maganda ang takbo ng kanilang negosyo, at tuluy-tuloy ang kanilang mga deliveries.

Aniya, "Yeah, we're doing good. We have a couple of resellers.

"We recently purchased ice bikes for now kasi takot pa kaming magkaroon ng physical store and ice-cream shop.

"We hope to export our products to nearby countries. That's the plan.”

Tinitiyak naman nila ang kalidad ng kanilang mga produkto. Pinananatili rin nilang malinis ang gawaan ng sorbetes.

Regular ang pag-oobserba ng food safety officer sa kanilang proseso at mga kagamitan.

Ginagamit ng mag-asawa ang mga social-media platforms para i-market ang kanilang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May panawagan naman si Kamille sa kanyang mga kababayan.

“Kung may kamag-anak po kayong nasa Belgium, pakisabi po na tangkilikin ang Sorbetes ni Manong Jelle.

"Napakasarap po nito at hindi kayo mapapahiya dahil parang timpla rin sa Pilipinas ang aming sorbetes.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakita ni Jelle Bories, mister ng Pinay nurse na si Kamille Rodriguez, ang potensiyal na maging sikat sa Belgium ang sorbetes na gawang Pinoy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results