PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sinigang na Baboy Top 1 sa best-rated soups in the world list

Adobo at sisig pasok din sa listahan ng 100 best dishes in the world
by Bernie V. Franco
Published Jan 31, 2022
sinigang
Sinigang na Baboy ang "Best Soups in the World" ng Taste Atlas. Samantala, Sinigang ang nasa Top 3, habang ang Adobo at Sisig ay kasali sa Top 100 Best Dishes list of 2021.
PHOTO/S: shutterstock

World-class na talagang maituturing ang Pinoy staple dish na Sinigang na Baboy matapos itong maging top one sa ranking ng isang international food and lifestyle website.

Nasa number one spot ang Sinigang na Baboy sa "10 Best Rated Soups in the World" ng TasteAtlas, na ayon sa website nito ay, "a world atlas of traditional dishes, local ingredients, and authentic restaurants."

Inilabas ang listahan nitong January 28, 2022.

Deskripsyon sa Sinigang na Baboy: “This variety of sinigang—Filipino savory and sour soup—consists of various pork cuts that are simmered along tamarind fruit.

"Tomatoes, onions, garlic, okra, white radish, water spinach and green long peppers are also commonly used for this soup.”

May rating ang Sinigang na Baboy na 4.7.

But wait, there’s more: nasa number three spot naman ang “Sinigang” na may 4.6 rating, dahil nga may iba’t ibang version ng sinigang sa Pilipinas.

Paliwanag sa site: “Ingredients such as pork, fish, milkfish, shrimp, chicken or beef may also be added to the soup.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Top 2 naman ang Cullen Skink, isang uri ng fish soup mula sa United Kingdom.

Nasa ikalimang puwesto ang sikat na Ramen ng Japan na may 4.5 rating.

Ang iba pang nasa Top 10 ay ang Ciorba de peste "ca-n Delta," (Top 4, Romania), Zurek (Top 6, Poland at Belarus), Miso Ramen (Top 7, Japan), Mercimek çorbas? (Top 8, Turkey), Šaltibaršciai (Top 9, Lithuania), at Tonkontsu Ramen (Top 10, Japan).

ADOBO AND SISIG

Samantala, pasok din ang Adobo at Sisig sa "100 Best Dishes in the World" ng TasteAtlas na inilabas nila noon lamang December 2021.

Nasa ika-72 puwesto ang Sisig na nakakuha ng 4.33 rating.

Ang Sisig ay kilalang pulutan sa Pilipinas na binubuo ng laman mula sa pisngi, tenga, at buntot ng baboy.

Pinapalambot ito sa pamamagitan ng pagpapakulo at hinahaluan ng mga pampalasa, gaya ng sibuyas, kalamansi, at sili.

sisig

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa ika-81 puwesto ang Adobo at tinalo nito ang Kung Pao chicken (85th) ng China at Puttanesca (92nd) ng Italy.

Ang Adobo ay nakakuha ng 4.29 rating.

adobo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinigang na Baboy ang "Best Soups in the World" ng Taste Atlas. Samantala, Sinigang ang nasa Top 3, habang ang Adobo at Sisig ay kasali sa Top 100 Best Dishes list of 2021.
PHOTO/S: shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results